Chapter3

5.2K 167 5
                                    

(dedicated to Eden Rose Sebusa, Jean Marriel Gonzaga @Aileen Rose Tampipi@Mazam23)

Papunta na kami ngayon sa barangay nina Doll sakay sa scooter niya kahit na umaalingasaw ang mabahong kili-kili niya ay  tiniis ko. Damn this underarm and damn those two I will surely make them regret for what they've done.

English yun ha! Mabigyan nga ng isang dosenang Feelin fresh tong si Doll gift ko sa kabutihan niya sakin .

"Diretso tayo sa mini park namin dun sila nagdedate eh."

"Okay."

Nangangalit ang mga ipin ko habang nakatingin sa bestfriend at boyfriend ko na naghahalikan ang sakit-sakit. Hinimas himas naman ni Doll ang balikat ko at umihip ang hangin mula sa dagat na nasa frontview ng mini park nila dito ang sarap sana ng simoy ng hangin. Pero na pollute na naman ni Doll. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Frus sinagot naman niya at nakita ko pang nakasimangot si Leechy ang pangit niya .

"Oh,? Ano na naman? Busy ako mamaya  ka na tumawag kainis naman to oh."

"Bakit? Busy kang makipaglandian sa bestfriend ko "

"Ano ba naman yang pinagsasabi mo Yeng? Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko diba?"

Hindi ko mapigilang hindi umiyak  tanaw na tanaw ko dito sa likod ng puno ang kababoyan na ginagawa nila mga piste!

Pinipigilan ko ang  sarili ko na wag humikbi.

"Asan ka ngayon m-mahal ko. "

Pinili kong palambingin ang boses ko kahit na suklam na suklam na ako at gusto ko na silang katayin na parang inihaw na baboy.

"Ako? Ahmm.Nandito sa  bahay lang naman alam mo namang bahay paaralan lang ang buhay ko. "

Bahay? Ang barangay mabihag mini park bahay niya na pala ngayon.
Humanda ka saking gago ka hinayopak na to.

"Ahh ano namang ginagawa mo ngayon?"

"Ito naglilinis ng-he-hi-hello? A.e.i.o.u h-hell..o nawawala ang signal d----"

*toot*

Hindi na talaga ako makapagpigil pa lumakad ako papunta sa harapan ng higad kong kaibigan at manlolokong si Frus. Agad naman na nagsitinginan silang dalawa sakin at halatang gulat na gulat.

"So ito na pala ang dating bahay mo. Ito ba ang walang signal? Eh nag f-facebook pa nga ako knina."

Nangangalit na talaga ang ngipin ko. Kumakati ang kamay kong makasamapal. Hinarap ko ang ulikbang bestfriend kuno ko.

"Isang sampal para sayong hitad kang babae ka bagay lang sayo yang pangalan mo masyadong malandi linta ka tinuring kitang kapatid litse ka!"

"Ma--mahal ko siya."

"Tumahimik ka!"

"Nakakasuklam ang mga pagmumukha niyo! At ikaw Leechy wag kang umiyak diyan ang kapal naman ng mukha mong ipangalandakan saking bestfriend kita ang bababoy niyo sana pala matagal ko na kayong pinatay ang sasarap niyong ihampas sa puno."

Dinuro duro ko pa talaga silang dalawa na  nakayuko ngayon. Nagiging eskandalosa na nga ako marami na ring tao ang nakatingin samin ngayon may nagvi-video pa. Malamang mafe-feature na naman ako nito sa Rated K.

"Tumigil ka na Yeng nakakahiya."

Pakiusap sakin ng hayop.

"Isa ka pang gago ka akala mo naman kung sinong gwapo ang pangit pangit mo wag kang sasabat sabat diyan hindi kita tinatanong kung iniisip niyong masasaktan ako pwes tama kayo! Mga Letse kayo hindi na kayo nahiya."

Nagsibulongan na naman ang mga bubuyog sa paligid namin.

"Eh ano naman ngayon Yeng? Kasalanan ko bang mas appealing ako kesa sayo? Tingnan mo nga yang hitsura mo, sino ba ang papatol sayo ha? Nagtataka nga ako kung bakit niligawan ka ni Frus eh! Sa tingin mo may magkakagusto sayo? At ikaw Doll daldalyera ka talaga kahit kelan pakialaman mong buhay mo wag ang samin bwesit ka."

Hindi na talaga ako nakapagpigil at nasuntok ko talaga siya sa mukha kaya nakatihaya siya ngayon sa damuhan na ikinatawa naman ng lahat.

"Ulitin mo pa ang ginawa mo Yeng at talagang papatulan na kita."

Agad naman na nagdilim ang paningin ko sa galit sa inasta ng punyeta kong boyfriend, ex boyfriend..

"Punyeta ka! Sana mamatay ka na gago ka."

Pinaghahampas ko siya ng hilahin niya ako patayo at susuntukin ng bigla siyang natalsik sa puno gayun na lamang ang gulat ko ng Diyuskoo ang Gwapong nilalang ere may ganito pa bang lalaki? Ang gwapo gwapo. Hindi lang ako ang tulala kundi sila rin maliban kay Frus na galit na palapit samin. Ang bilis ng reflexes ko at tinadyakan ko si Frus na ikinagitla ng lahat .

"Tandaan mo ito Frus , sinayang mo si Maria Yen Dimatulak kahit lumuha ka pa ng dugo hinding hindi kana makakabalik sakin at ikaw Leechy tama lang talaga yang pangalan mo sayo Linta ka ang kapal ng mukha mong talohin ako malandi ka ang dapat sayo itinatapon sa basurahan baka sakaling ma recycle ka at ng magkaroon ka ng kwenta , magsama kayo sa impyerno punyeta niyo at kayo namang mga walang magawa sa buhay kundi ang maki chismis at maki usyoso sa buhay ng iba umalis na kayo tapos na ang show kakaloka.
At ikaw gwapo halika mag uusap tayo."

Agad ko namang hinila ang gwapong lalaking ito. At nagsimula ng maglakad nagpasalamat at nagpaalam na rin naman ako kay Doll Dallera.

TBC
Zerenette

Patayin Sa Tukso Si ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon