One

14 0 0
                                    

One

Maaga akong nagising dahil sa mataas na sinag ng araw, ang mga alon ng dagat ay tahimik at tila nagbigay payapa sa aking isipan. It's sad that I'm leaving this place, parang kahapon lang noong una kong punta sa lugar na ito.

I thought I found the place where I could start, finding myself. Pero nung nahanap ko na, ako naman itong kailangan nang mangiwan.

"Nanay, tomorrow na yung balik ko pa manila. Mamimiss po kita, alagaan niyo yung sarili nyo so when I get back gusto ko mas malakas pa kayo sa akin."

Nginitian naman niya ako at tumango. This is my last day in Cagayan de Oro pero I'm planning to go to Camiguin kaya inayos ko na yung mga gamit ko kagabi palang.

Cagayan de Oro is one of the places na madalas naming pasyalan dati nila mama at ate nung bata ako. Somehow the city has been a part of my life and it's been a long time nung huli naming punta dito that's why I took the chance to ask permission to my boss na magle-leave ako for a week para dalawin ang rest house ng mama dito.

"Salamat po sa pag-aalaga sa bahay, I know na masaya si mama na sa inyo niya hinabilin ang rest house niya. Salamat din po sa pag-aasikaso ninyo sa akin buong linggo nanay, mauna na po ako."

Mama died a year ago, she was happy when she said goodbye kaya maaga din naming natanggap ni ate na wala na siya except kay papa na nasa ibang bansa nung time na nawala si mama. It takes him a month or so to accept that our mama is gone.

Nagpaalam na ako kay manang dahil mahaba pa ang byahe ko and bad thing is magco-commute lang ako. Dumiretso na ako sa airport para doon kumuha ng taxi or van papunta sa Macabalan Port.

Alas sais y medya na ng makarating ako roon, naka-puting vneck shirt lamang ako at maong pants. Suot suot ko ang aking dalang wayfarers dahil sa tirik na tirik ang araw. Nagtipa ako ng mensahe ng makita ko ang miss call ni ate sa aking telepono.

Kat:

I'm on my way to Camiguin ate, sayang hindi ka sumama mag-isa lang tuloy ako.

Bago ko pa masend ay nagring ulit yung phone ko, Katrina's calling.

"Finally, you answered asan ka na?"

May trabaho siya ngayon and she's 4 months pregnant kaya hindi siya pinayagan nung husband niya na sumama sakin. Hindi na ako nagtampo dahil ayoko naman na malagay sa alanganin yung magiging pamangkin ko besides I'm pretty sure my pamangkin will love me more than my sister. Aba mas maganda ata ako sa mommy niya.

"I'm on my way to Camiguin ate, sayang hindi ka sumama mag-isa lang tuloy ako."

Madalas si ate ang kasama ko sa mga trips ko, papa is usually at home simula nung nawala si mama. Hindi na namin siya pinabalik sa work niya abroad kaya siya yung naghahawak ng flower shop business na naiwan ni mama.

"If I know, mas gusto mong mag-isa para makahanap ka na ng boylet mo. Balita ko madaming gwapo dyan, wala ba?"

Meron, marami pero hindi pa ako handang masaktan ulit. I got broken, the last time I fall. So broken na akala ko hindi na ako makakabangon pa sa pagkakawasak ko. But I did move on, and I was okay, I'm more than okay.

"Wala bang mas mabilis na way to Camiguin ate, this is my last day and maaga ang flight ko bukas. Feeling ko kukulangin ako sa oras."

Apat na oras mahigit ang byahe from Cagayan to Camiguin pero hanggang ngayon nasa airport parin ako. If there's no other way, I believe I should find a taxi right now.

"Sorry Ada, yaan lang yung naturong way ni mama sa akin. Try to ask nalang sa mga tao diyan for sure alam nila yun. Sige na, take care and don't forget my pasalubong."

Pinatay ko ang tawag at naghanap ng maaaring pagtanungan. It's already 6:45 am, for sure naman may mga early bird na taxi dito. I need to be in Camiguin before 11:00 kung hindi ay mabibitin lang din ako at hindi mag-eenjoy.

"Excuse me miss? I overheard the conversation; you're going to Camiguin right?"

Nagtaas ako ng kilay sa lalaking medyo may katangkaran na lumapit at nagtanong sa akin, buti nalang at suot ko ang wayfarers ko. Inakyat ko ito para makita ng maayos ang itsura nito, stranger. Not so good with conversations but I'll try to keep it going, anyway mukha naman siyang mabait and gwapo.

"Yes, actually nag-aantay ako ng taxi pa Macabalan Port, doon daw yung sakayan pa Camiguin kaya lang mukhang napaaga ata ako."

May mga taxi ng nagdaan kanina kaya lang hindi sila tumanggap ng pa Macabalan Port kaya I need to wait for others na pupunta doon.

"Papunta din kasi akong Camiguin ngayon, I really don't mind if you'd come besides you look like a tourist. If that's okay with you? I'd like to have a company."

Muli ko siyang tinaasan ng kilay, gwapo sana presko nga lang. Hindi naman siya mukhang rapist or kidnapper or whatsoever, he look so normal and parang kasing edad ko pa yata. He's also wearing white v-neck and maong pants, if destiny calls nga naman.

"Don't worry, I'm not a rapist nor a kidnapper. I'm Ryan, Ryan Esguerra. I really just want to help and I have a car with me. We can travel by land and for sure mas mapapa-aga ang dating mo doon kung makakaalis ka ng maaga ng Cagayan."

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon