Three
Natawa naman ako sa pabiro kong sagot. Sinagot ko siya ng pabiro dahil masyadong seryoso yung naging tanong niya.
"I just want to know kung may magseselos kapag nagoffer ako na itour ka sa Camiguin, and besides maggagala lang din naman ako. And atleast you're safer with me dahil alam ko na halos ang lugar na ito?" Dire-diretso niyang sinabi na bigla ko namang ikinagulat. Is he damn serious? For real?
"Sigurado ka ba? You know what I'm fine, you've done enough. Salamat nalang."
Ayoko sanang tanggapin pero pagdating naming ng Camiguin agad niya ng pinark ang kaniyang audi sa pinaka-malapit na parking lot somewhere malapit sa isang resort. Baka ito yung sinasabi ni ate na pinagreservan niya.
"Balikan ko nalang yung kotse tomorrow. Magcommute lang tayo, you said you want adventure, I swear I insist kaya wag ka nang tumanggi."
Tumango nalang ako kahit hiyang hiya na ako sa sarili ko. Bakit ba ang bait bait niya sakin? May ganito pa palang lalaki, akala ko naman ubos na sila may tinira pa, para sakin na ata.
Ni-check ko kung tama ba yung resort na napuntahan namin and nangg makita ko ang isang plaque na may nakalagay na Golden Sunrise Beach Resort ay napagtanto kong ito nga iyon.
"Paano mo nalaman na dito ako mags-stay?" Ni hindi ko nabanggit sa kaniya na dito ako tutuloy.
"Naramdaman ko lang na dito, and ito ang pinakamalapit na resort sa airport ng Camiguin kaya dito ako pumunta para maipark yung kotse."
Tumango nalang ako at nagsimulang pumasok sa resort. Infairness naman sa kay ate, agad kong hinanap ang reception area. Napansin kong nagsisitinginan ang mga babae sa resort, agad naman akong napatingin ng makita ko si Ryan na nakasunod sa akin.
"Ikaw ba o ako ang pinagtitinginan nila?"
Natawa naman siya sa tanong ko, ngayon ko lang napansin ang kaniyang dimples. Mas lalo lamang itong nagiging halata kapag tumatawa siya. Alam kong gwapo siya pero hindi naman niya kailangang ipagsigawan na nagniningning ang mga mata ng mga babae na nakakakita sa kaniya.
"Syempre, ang gwapo kaya ng kasama mo."
Tumawa naman ako at sumang-ayon naman sa sinabi niya. Nang makarating kami sa reception area ay agad namang napangiti ang receptionist. Kung nakakamatay lang ang mga titig, paniguradong wala na itong kasama ko ngayon.
"Good Morning Sir, Ma'am, Welcome to Golden Sunrise Beach Resort. May I help you?" Agad ko namang sinabi ang sadya ko, at saka pinahanap ang pangalan ko sa reservations list.
"Ms. Amanda, I'm sorry to say but your names is not on the list."
I asked her to double check at baka hindi lang napansin pero wala daw talaga. Kinapa ko ang bulsa ko para tawagan si Katrina sa telepono pero napansin kong wala ito roon.
"Naiwan ko sa kotse yung phone ko, paano ba to?"
Sa pagkakaalam ko naman ay nabook na niya ako ng reservation last week palang. Alas onse na at kailangan ko pang magcheck in para maiwan ko ang mga gamit ko sa loob ng kwarto tapos ngayon ay nagkaproblema pa. I knew it, ramdam ko talaga na kukulangin ako sa oras.
"I'll get it for you, antayin mo nalang ako dito."
Seryoso noong nagpaulan ata ng kabaitan ay siya lahat ang nakasalo. Siya na din gwapo, siya na lahat. Pero sadyang hindi ko pa talaga kayang buksan ang puso ko para sa mga ganito.
"Ma'am ang swerte niyo naman po sa boyfriend niyo, ang gwapo na gentleman pa."
Napangiti naman ako sa nasabi niya. Hindi ako madalas mapagkamalang girlfriend ng mga kasama kong lalaki kasi madalas kasama nila mga girlfriend nila o di kaya naman bakla ang kasama ko.
Parang kaninang umaga lang kami nagkakilala tapos ngayon napagkamalan pa niya akong girlfriend. Ang ganda ko naman, tho maganda naman talaga ako.
"Hindi ko po siya boyfriend." Bigla namang nag-iba ang itsura niya ng malamang hindi kami ni Ryan. Pero hindi siya naniwala kaya natawa nalang ako. Kung ready lang sana ako, why not naman diba? Kaya lang hindi ko pa talaga time.
"Sayang naman bagay pa naman sana kayo, pero malay niyo po someday magtapat si sir gwapo."
Napangiti nalang ako, naalala ko na naman na bukas ang alis ko. Iniisip ako kung paano ako magpapaalam kay Ryan, naging kaibigan ko narin naman siya at tinulungan niya akong makapuntang Camiguin ng mas maaga.
He even offered me na itotour niya ako dito, kaya nahihiya ako na biglaan nalang magpaalam sa kaniya. Gusto ko man manatili pero kailangan na ako sa trabaho ko, ni ate at ni papa. I need to go back to reality.
Pagdating nito ay nagsitinginan ulit ang mga babae sa kaniya. No wonder why, ang gwapo nga naman kasi talaga niya paano pa kaya kapag nalaman nila na ang bait niya.
"Salamat." Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan ni Katrina. Agad naman siyang sumagot at sinabing pangalan niya ang napalagay niya, ng ipacheck ito sa reservation list ay naging okay na ang lahat. Inantay ko lang din na makapagcheck-in si Ryan para makapaggala na kaming dalawa. Halos magkatabi lamang ang kwarto na kinuha niya sa akin.
"I'll see you in 15 minutes?" Kulang ang labing limang minuto sa akin. Maliligo pa ulit ako at mag-aayos, kaya nga gusto kong maaga ako makapunta para makapag-ayos pa.
"Pwede bang 30 minutes?" Tumango naman siya.
"I knew you'll say that, 30 minutes then. I'll wait you in the lobby."
Umalis na siya at agad ng pumasok sa kwarto niya, ganoon din ang ginawa ko. Nilapag ko lang sa may gilid ang mga gamit ko. Nagsimula na akong maligo at mag-ayos. Lagpas trenta minutes ng makababa ako sa lobby. Nakita ko agad si Ryan na may kausap na babae, napalingon ito bigla ng makita niyang nag-angat ng tingin ang babae sa akin. Umiwas lamang ako ng tingin at dumiretso sa kaniya.
"Sa may Northern Lights nalang tayo kumain, malapit lang ditto bago tayo maglibot. Okay lang ba?"
Tumango na lamang ako. Gusto ko sanang tanungin kung sino yung kausap niya kanina pero pakiramdam ko'y wala akong karapatan. Sinundan ko na lamang siya, kagaya nga ng sabi niya ay iniwan niya ang kotse niya para magcommute. Pagkarating naming roon ay amoy ko na ang bango ng mga ulam, ginutom tuloy ako bigla.
"You're quiet, bakit? Did I do something wrong?"
Wala, tahimik lang talaga ako. Madaldal lang ako kanina kasi ayokong maging tahimik ang byahe. But now I don't know where to start up a conversation.
"Wala naman, I'm just hungry."
Kahit na hindi naman dahil hanggang ngayon ay busog pa ako sa pagkaing mga binili niya sa akin. Nagsimula na siyang mag-order ng mga kakainin naming and it turns out na andami na naman niyang binili, why is this guy buying a lot na parang tinatae niya lang ang pera niya.
"That's too much, I don't think mauubos natin lahat yan."
Ngumisi siya na parang wala lang iyong sinabi ko sa kanya, he's always like that. Pagka-alis ng waiter saka siya nagsalita.
"We can always give leftovers to the ones in need." Tinuro niya ang mga batang nasa labas ng restaurant na nanlilimos para may makain sila. I smiled back, he really has a big heart.
True indeed, hindi nga naming naubos kaya lahat ng natirang pagkain ay pinamigay naming sa mga bata. I looked at him while he's giving those leftovers, yung ngiti niya abot hanggang mata. I wonder if ganito lang talaga siya, or he's just trying to impress me. I don't know, maybe not, maybe I was wrong.
The moment we left Cagayan de Oro, I see that Ryan is a good guy. Better than other strangers I encounter to this whole trip. I wish I had long, but I need to face it, I'm heading back to Manila tomorrow. I wish I had more time with him, with the place, I wish I had more time to find myself since that's exactly the reason why I'd plan this whole thing: to find myself.
"Thank you for this day, I wish I had long tho pero salamat, ng marami. If ever siguro na hindi mo ko tinanong doon sa airport, probably I'd still be there until now."
We both maybe a stranger to each other at first, but we will find ourselves missing as we will be parting our ways tomorrow.
"It's a pleasure to know you too; I hope to see you soon. Come back to Cagayan, always." I will, always.
BINABASA MO ANG
Untitled
RomanceWhat if we never met? And all these memories fades away Neither happy nor sad will remain It will flew, it will never stay alxsys