Two

7 0 0
                                    

Two

I checked the time, I really have a whole day to enjoy and have fun. Pagbalik ko ng manila, traffic and work na naman ang poproblemahin ko. I smiled back to the guy, stranger.

"I'm Amanda, but you can call me Ada. Okay lang ba talaga na sumabay ako? And are you sure you're not a rapist or kidnapper, I swear I'd kick your balls if you are."

He didn't smile but instead he just smirk and laugh. Good lord, kung tadhana man na may mangyaring masama sa akin sa trip na ito please let my ate knows kung ano man ang mangyari sa akin para malibing ako ng maayos.

"I'm pretty sure milady, so you're coming?" Tumango ako at tipid na ngumiti.

Sinundan ko siya patungo sa nakapark niyang kotse and damn this guys is rich, the hell he has an audi. And I so love the color of his car, black. Pagpasok ko ay naamoy ko agad yung bango ng kotse niya, swear that I will not be tempted to sleep dahil sa bango ng freshener niya. Kahit na antok na antok ako ay hindi ko hinayaan ang mga mata ko na makatulog. Malay ko ba kung may masamang balak ang lalaking ito.

"Why are you going to Camiguin?"

I don't know, I just feel that I need to visit the place and I believe maganda mag island hopping doon. Katrina loves beaches more than I do pero I feel peace kapag nakakarinig ako ng alon, as if they we're whispering music to my ears that I can't resist.

"Island hopping siguro, I don't know yet. Let's see when we get there."

I don't like planning things kasi, ayoko ng scripted, boring. Isn't it fun kapag you just go with the flow, yun' bang kung saan ka dalhin ng mga paano? Mas exciting and may challenge. Kapag planado kasi parang mas may chance na hindi matuloy o kaya naman there's something bad that is bound to happen.

"You said it's your last day right?"

He's still driving, minsan lang siya sumusulyap sa akin. There's something in his eyes na hindi ko maexplain. Tumunog ang phone niya ngunit tinitigan niya lang ito. I wonder who calls, kaya lang nakakahiya naman magtanong kaya tumahimik nalang ako.

Mas gusto kong magtravel by land, kahit nakakapagod and time consuming than plane. I like seeing the views of the whole place, ang ganda sa paningin kahit simple. I did appreciate everything, the roads, mountains, trees; God is really amazing for creating such masterpiece.

The phone rang again, sumulyap ako sa kanya pero diretso lang ang tingin niya sa kalsada. I'm really curious why is he not answering the calls, pwede niya namang ipa-loud speaker sakin or kung private man ay kahit itigil niya muna yung kotse. We don't know if the call is important or not.

"Hindi mo ba sasagutin yung tawag?" Tumingin siya sa nagri-ring niyang cellphone at sumulyap muli sakin. I keep myself busy para hindi ako makatulog, nakailang patugtog na ako sa phone ko at mukhang mauubos na ang mga kanta sa playlist ko. I suddenly wonder what type of songs does he have on his phone.

"Can I borrow your phone? Okay lang ba magpatugtog?"

Ang kapal naman talaga ng mukha ko, I thought I hate conversations pero ang gaan kasi ng loob ko sa kaniya. Maybe because he's generous to offer me a ride to Camiguin even though I'm just a stranger to him. Nakita kong tumango siya kaya agad kong kinuha. I'm stunned that he doesn't have a password.

Kaya pagbukas ko, unang kong nakita ang mga missed call kanina. It's from a girl name Emilia, I suddenly realized na baka girlfriend na itong tumatawag. If ever man na mahuli sya, I swear ayoko makisama sa drama ng buhay nila. I checked his playlist: The Fray, Snow Patrol, Boyce Avenue, N-Sync, Coldplay.

We almost have the same music, mas madami at magaganda nga lang nung sa kaniya. Some are old songs, but all of those are good. Sometimes mas maganda pa yung luma sa mga bago, but I'm not saying new songs are not good. I'm not bias, and I love both.

Ni-shuffle ko lamang ang tugtog at muling binalik sa deskboard ang kaniyang phone. Biglang tumugtog yung kanta ng N-Sync na favorite ko, I suddenly want to sing who cares hindi naman ganun ka panget ang boses ko.

This I Promise You – N-Sync

I started singing some of the lines na gustong gusto ko, nakakahiya man pero bahala na. I'll be leaving tomorrow and maybe I'll never see him again. The thought of leaving is not so good but sometimes it just happens that you're destined to go.

I was singing when I heard na sinasabayan niya ako, damn shit gwapo na nga, ang gwapo pa ng boses. Naramdaman ko ang pagmula ng pisngi ko kaya nagtigil ako sa pagkanta, bumaba ata yung self esteem ko.

"Why'd you stop, ang ganda ng boses mo."

Napayuko ako sa pagkakasabi niya, It's not true that I have good voice. It's just happens that I know how to sing because my papa taught me to. Pero yung boses niya, It's so calm that all I can hear was his voice and my beating heart. Naghuhumareto ang tibok ng puso ko.

Madami na akong narinig na lalaking kumanta pero yung boses niya nagstand out sa lahat, or sadyang kalmado lang talaga yung song na kinanta niya and damn he did join me while I sing.

"Magstop over muna tayo, are you hungry? Kumain ka na ba ng breakfast?"

Sa sobrang pagmamadali ko kaninang umaga ay nakalimutan ko ng kumain ng almusal. Actually bihira lang ako kumain ng agahan, madalas kapag walang pasok or during weekends. Maaga kasi akong umaalis para hindi ako maabutan ng traffic, stress free.

"Hindi pa, pero okay lang baka sa Camiguin na ako magbreakfast." 

Pinandilatan niya ako ng marinig niya ako. Tinigil niya ang sasakyan ng makakita ng isang fastfood chain.

"Pagdating natin ng Camiguin ay paniguradong pang lunch na, hindi magandang nags-skip ng breakfast you should eat. Drive thru nalang tayo para mas mabilis ang byahe."

Agad siyang nagtungo sa drive thru at umorder.

"Wait teka lang, bakit ang dami naman yata? I can't eat all of these masasayang lang to."

Nagulat ako ng ang dami niyang sinabi dun sa staff, and ako ang kakain kaya ako dapat ang magbabayad. Ayoko naman abusuhin ang pagiging mabait niya, ako na nga lang itong nakikisakay.

"There's no problem with that, baunin mo sa paggagala mo. For sure gugutumin ka because there's a lot of places na pwedeng puntahan pagdating natin doon."

Napabuntong hininga nalang ako at sumang-ayon sa sinabi niya. He didn't even accepted my money para ako nalang ang magbayad. Sobrang swerte naman ng girlfriend nito, I wonder if meron. Sana wala, mag-aapply ako pero biro lang.

"Two hours pa baka makarating tayo ng mga alas dies."

Tumango naman ako habang kinakain ang isang burger at fries. Sana pala sa bahay nalang ako kumain para hindi na 'to napagastos, nakakahiya.

"Gusto mo ba? But you're driving paano ba to?"

Ang awkward naman kung ako magpapakain sa kaniya, pero since siya naman ang bumili ng lahat ng ito and dahil walang other choice okay fine.

"Subuan nalang kita, a token of appreciation sa pagpapasakay mo sakin at sa pagbili mo ng mga foods. Here, ubusin mo ah ikaw nagsabi na mahalaga ang breakfast."

Tumawa naman siya at saka kinain yung burger. Ilang oras nalang nasa Camiguin na kami, probably may iba siyang pupuntahan at ganun din ako. Somehow thankful ako na inalok niya ako ng ride dahil kung hindi malamang ay nasa Cagayan padin ako ngayon.

Nagpareserve si ate sa isang resort na matutulugan ko for one night malapit lang din sa airport ng Camiguin, alas dies ng umaga ang flight ko kaya mas magandang sulitin ko na lahat ng mga pwedeng puntahan ngayon.

Tahimik lang ako habang nakatanaw sa mga tanawin ng biglang nawala ang katahimikan ng magsalita si *insertname*

"Do you have a boyfriend?" Napasulyap ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin lang ng diretso sa may kalsada.

"Why'd you ask? Mag-aapply ka? I'm not sure if you're qualified."


UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon