Chocolate Twinkies

117 8 7
                                    

Isinulat ni Jed M. Punongbayan, Jerald L. Custodio
at iba pa...

Okay at natapos na rin ang "Demonic Ritual" nitong mga batang nagmula sa Akle. Buti na lang at hindi napansin ang pagkahulog ni Frances kay Ray. Nanahimik na lang sila nang mapunta ulit ang atensyon ng mga former Aklenian kay Jerald.

"Jerald siguro naman, bibilisan mo na?" sabi ni Lady habang naka-kunot ang noo. "Oo na sige eto na po," mabilis na sagot ni Jerald.

Nagkakamot ng batok na umupo si Ray sa tabi ni Frances. "Tignan mo kasi 'yung dinadaanan mo," bulong niya kay Frances at mahinang napatawa. Tumingin si Frances sa kaniya at tinanong, "Paano ba kasi nagkaroon ng videoke machine dito? Siguro mahika 'yan ni Jed."

Sabay silang napatawa.

"Naalala ko pa noong Foundation day, grabe ang dami ng tao at wala kaming pakiwari kung saan kami unang pupuntang booth," sabi ni Jerald. Tila siyang matandang inaalala ang kanyang pagkabata.

Dagdag ni Jerald. "Ang napili naming unang puntahan ay 'yung Horror booth kasama ko sina Jed, Zylei, Arby at Ray." From their experience, ang pinaka horrifying thing sa booth ay 'yung idea na nasa maliit na espasyo habang kasama mo si Jed. "Ah oo! 'Yung may nakaaway pa nga tayong schoolmates natin kasi naniniksik," sabi ni Jed habang nakangiti.

Biglang napasumbat si Ara, which of course simply means that she's about to--

"Oo nga eh, ang hirap kaya 'pag pinagsisiksikan mo lang 'yung sarili mo sa taong di ka naman gusto," sabi ni Ara.

Aura!

*insert obnoxious airhorn sound*

Too--HOOOOOOONK.

"Oo, tapos' yung mga students na iyak ng iyak," sabi ni Jed habang tawa ng tawa. Lumalabas na naman ang pagka-sadista ni Jed... Isip ni Mari habang tahimik na nakaupo sa isang tabi.

"Sige, ikaw na magkwento!" sabi ni Jerald.

"Ayan ka na naman Jerald nangingibabaw na naman ang panunuplada mo," pangongondena ni Joezel. "Ok, fine," buntong-hininga ni Jerald. "Magpapatuloy na po ako." Mukha namang naging-kuntento si Joezel sa sagot niya.

Huminga nang malalim si Jerald bago magpatuloy.

"So 'yun, natapos din kami sa Horror booth nang bigla nabalitaan namin na ikakasal daw sa Wedding booth si Christian At Princess" Nagtakip ng kaniyang tainga si Jhon Dale pagkat alam niya na ang paparating.

"Ayiee!" tili ng karamihan.

Namula si Christian at umusod papalayo ng lamesa kung saan kanina pa siya kinukutsyada ng mga babae.

Biglang tumayo si Jed na tila may ngayon lang natandaan. "Guys, may mga dinala akong souvenirs mula sa Akle life natin!" Trust me, ayaw mong makita ang nakakatakot na paglaki ng mga mata niya.

"So?" Pang-aasar ni Anne.

Tila biglang dumilim ang paligid at nag-illuminate ang mukha ni Jed ng ilaw ng campfire.

"Well, guess nyo na lang kung ano tong hawak ko!" Bigla syang naglabas nang gutay-gutay na lumang papel at iwinagayway ito sa mga mukha ng mga nakangangang mga babae.

"Huy Jed, 'yan ba 'yung Wedding Certificate nila?! Na sa'yo pa pala! Patingin!" ang kinikilig na hiling ni Gianne.

Sabay dinumog si Jed ng mga babae na sa pag-asang makita ang Certificate. (Not because gwapo sya or anything like that.)

Habang nakadapa siya ay biglang narinig nila ang isang announcement na pinakahihintay ni Arabella.

"Ehem, former students maari na po tayong kumain. Pumunta na lang po tayo sa mga stand malapit sa may beachside."

Akle (Section Palengke), Ang Puno ng KabalbalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon