Harmonized Confessions (Tol, Ano Ba?!)

122 7 0
                                    

Isinulat ni Jerald L. Custodio
at iba pa...

"Wait, Wait, Diego? Anong ibig sabihin mo sa 'concealer' at 'pulbos'? Woah. Diego, natural 'to tol. At kung isipin mo mang nagpasurgery ako, hindi. Bawal kaya 'yun. Contented na ako sa sarili ko," sabi ni Jerald ng paloko.

Kumurap lamang si Diego. Hindi niya alam ang sinasabi sa kaniya ni Jerald at kung bakit ganito ang paraan niya ng pagsasalita.

"Oh, nawindang ka? Malamang, paminta 'yan," nagulat si Diego nang bulungan siya ni Mari. "Anong sinasabi mo tol?" tanong ni Jerald kay Mari. Pasimple namang tumawa si Mari at umiling.

Ngumiti naman si Jerald saka inilipat ang kaniyang paningin. "Watch out Diego, baka may nililihim 'yang isang 'yan na pagtingin sa'yo," dagdag ni Mari.

Hindi ito kinaya ni Diego.

At hanggang ngayon, nakanganga pa din ang mga magkaklase. "Nasaan na yung baba mo?" sabi ni Joezel kay Jerald na para bang nag-aasar. "Ay Joezel, para sa'yo nga pala yang black na van na yan, heto na rin pala yung mga papeles para sa nitso mo," pambabara niya.

"Joke lang. By the way, lumaki kasi 'yung pisngi ko," sabi niya.

"Sikat ka na pala eh," sabi ni Arabella kay Jerald. "Libre, Libre!" Sigaw nina Maurize at Kate. "Ah, tanda ko na, ikaw nga pala yung Big Winner ng PBB."

"Ba't may suot-suot kang shades?" tanong ni Marielle kay Jerald. "Lay low daw dapat, you know. I need disguise." Nagsimula silang pagtignan ng mga tao dahil sa lakas ng tawa ni Marielle.

"Edi wow," dinig ni Jerald na sabi ni Anne. Bigla na lamang niyang inalis ang shades nito. "Wow, rayban!" sabi ni Anne habang nakangisi.

Biglang dinumog si Jerald ng mga "fans" niya. "Edi ikaw na ang sikat. Hunger Games Edition!" sigaw ni Philip. Biglang naglayuan ang mga fans niya dahil sa takot na sila'y maatake nitong batang ito.

"Balato, Balato!" sigaw ng mga lalake sa gilid, sina Christian, Jhon Dale, Gilian at Mark. "So, anong experience? Masaya?" tanong ni Clyde kay Jerald. "Aba, interview?" sabi ni Jerald ng patanong.

"Spin the Bote na?" tanong ni Jerald habang tumatawa. Kinuha na ni Arabella ang bote sa may table. "Oh, Arby, ilagay mo na sa gitna yung bote," sabi ni Edrieile. "Alang sa gilid," pambabara ni Lady.

"Ay, teka lang!" hinawakan ni Philip ang bote at pinanliitan ng mata si Jerald bago tinignan muli ang kaniyang mga kaklase. "Paano 'yung napag-usapang Akle life?"

Napataas ang isang kilay ni Jerald, "What the hell is that?" Si Jed na ang nagpaliwananag nito. Ngunit mukhang hindi naman nakikinig si Jerald.

"Sino ka?" tanong niya sa natatarantang Jed. "Si Jed 'yan," sagot ni Arabella. Napatakip ng bibig si Jerald sabay sabing, "Juicecolored."

"Ah, wala ka na palang pagkakataon," bulong muli ni Mari kay Diego. Napangisi naman si Mari nang marinig niyang magmura ito.

Kumunot ang noo ni Philip at tinanong si Jerald, "Na-gets mo ba?!" Napatikhim si Jerald at sumagot, "Ang boring naman nun!"

Muntikan nang mag-away ang dalawa nang biglang magsalita si Arabella. "Stahp! Ganto na lang, since truth and dare 'yung choices, instead of truth, 'yung Akle life ang sasabihin. 'Pag wala kayong sasabihin, edi dare."

"Psh, sige," sabi ni Philip. "Doon kaya tayo sa labas?" tanong ni Louise. Lahat naman sila ay sumang-ayon kaya 'di kalaunan ay naroroon na sila, sa harap ng dagat.

Marami ring ibang grupo ng taong may kani-kanilang trip. Nakahanap sila ng paglalagyan ng bonfire at umupo sila sa mga upuang nakapaligid rito. Ang iba naman ay umupo na lamang sa buhangin.

Akle (Section Palengke), Ang Puno ng KabalbalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon