Feelings: Successfully on Stealth Mode!

120 9 4
                                    

Isinulat ni Arabella T. Viado, Zylei F. Sugue, Diego Angelo C. Acosta
at iba pa...

"Arby, dalawa lang ang choices mo. Sabihin mo sa'min kung sino ang naging crush mo sa Akle or kumanta ka pero hindi ka na makakakain ng cake," sabi ni Joezel habang pinapaypayan ang sarili dahil daw sa sobrang "pagka-hot" niya. CORNY!

'Yung iba naman, ayun, nag-aabang. Kakaunti lang naman talaga kasi ang nakakakuha ng pribilehiyong makasilip sa love life ni Arabella.

"Crush lang naman 'yan. Sabihin mo na!" Sigaw ni Kyla habang katabi si Mark, kung saan parehong umiinom sa iisang smoothie.

Crush lang daw, tapos kung makapang-asar parang asawa ko na si crush? Heck no. Tumikim si Arabella ng binaon niyang Starbucks chocolate frappe habang tahimik na nag-iisip.

Paano nga ba ulit nangyari to?

☜☜☜

Habang nagsisikainan ng chocolate twinkies ang former Aklenians, napatingin na lang si Ara sa kung saan pa man. Hindi man halata, pero kahit ang mga isip-bata na tulad niya ay kaya ring mag-isip, isip pambata nga lang.

Bakit kaya ang saya-saya nila sa isang bag ng pagkain na kaya rin lang naman nilang bilhin? Napangiti na lang siya. Sabagay, mga weirdo naman talaga sila.

Hindi niya napigilang tumawa, at pagmistulan man siyang baliw, wala na siyang pakialam. "Luh, ayos ka lang 'te?" tanong ni Frances na kaakbay si Ray. Tumango na lang si Arabella. "May naalala lang ako."

(Unfortunately Ara seems to not have the problems of some fresh out of college people: financial problems, jobs, and financial problems.)

"Speaking of alaala, ikaw na pala ang susunod na magkukwento ng Akle life mo... Joezel," sabi ni Jerald. Umangat ang ulo ni Joezel at pinanliitan ng mata ang nagsalita. "At sinong may sabi? 'Di ba spin the bote dapat?"

Inirapan nito ni Jerald sabay sabing, "Bili na." Umiling naman si Joezel, bukod kay Mark, si Jerald ang isa sa mga kinaasaran niya. "Ano ba naman 'to, ayoko nga. Dapat sumunod sa rules kasi good boy ako!"

*cue evil background music*

Dumapo sa batok ni Joezel ang mabigat na kamay ni Anne, at kung kilala mo si Anne, dapat talagang wag mong isigaw ang mga napakataas na pangarap mo.

"WAHAHAHA..."

Tinignan ng mga former Aklenians ang scenario ng skandalo... malimit na rin itong mangyari sa nagaganap na reunion. Habang lahat ng atensyon ay naka-palibot sa umiiyak na Joezel na may namumuong pasa sa batok, courtesy of Anne.

Sa isang lamesa, sila Philip ay masayang kumakain ng paella nang bigla niyang narinig ang isang boses sa likod niya.

"Hi."

Dahil sa sobrang gulat ay napatalon siya at yumakap kay Maurize. Bigla na lang napunta sa kaniya ang atensyon at hindi na kay Jerald. Na kanina pang bumibirit sa isang tabi, halatang lasing. "May multo, tulong!"

Nakatakip ang mga mata ni Philip habang pilit siyang tinutulak ni Maurize palayo. "Philip! Ano ba?" Nandidiring sigaw ni Maurize Sa wakas ay kumalas sa pagyakap si Philip. "Ew, sobrang pawis mo!" kumento pa ni Maurize sabay tawa ng malakas upang mabawi ang sinabi.

Akle (Section Palengke), Ang Puno ng KabalbalanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon