하나

17 0 2
                                    

One-shoot

"Bes, you're so tagal naman mamili! Gosh, I'm so tired na!" singhal ni Alex.

"Ba't di mo na lang ako tulungan dito nang matapos na?!"

"Hay, LAST NA TO HA!" Sigaw niya.

"Haiiii...." sang ayon ko na lang.

Nung nakarating na kami sa counter, bigla siyang sumigaw.

"AAAHHHHH MANYAK LUMAYO KA SAKEN BASTOS KA!"

Nakita kong napakunot ng kilay yung lalaki. Lumapit si Alex sakin.

"Bes, ayoko na dito. Alis na tayo dito."

"Wait lang, di pa ko tap---" bigla niya na lang ako hinila palabas ng SM.

"Uy ano ba, sayang yung pinamili natin!"

"Hindi ko keri na kasama yung manyak na yun sa iisang mall!" sigaw niya.

Wala na kong nagawa dito sa amazonang 'to. Pumara na lang ako ng taxi para makauwi na kami sa apartment namin.

Pagkakababa namin, bigla nang umulan ng malakas. Kaya pala makulimlim kanina nung pagkalabas namin.

Binilisan namin yung lakad papuntang apartment namin.

"Hooo! Bad timing naman yung ulan bes!" reklamo niya.

"Sayang talaga yung pinamili namin."

Hindi naman talaga kami mga taghirap. Ang totoo pa nga niyan, galing kami sa mga mayayaman na angkan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ng babaitang 'to. Gusto niya daw maging lalong isang independent na tao. Pero lagi naman niya akong sinasama sa mga lakad niya kahit ayaw ko. Hays, pabayaan na nga, bestfriend ko naman eh.

Dahil gutom na kami, nagpadeliver na kami ng foods. Hindi kasi kami marunong magluto kasi nga anak-mayaman ang turing samin dati kaya hindi kami nagluluto ng pagkain namin.

Dapat sana after namin mag shopping, kakain sana kami sa resto kaso ayun nga, hinila nga ako netong magaling kong bestfriend.

*ding dong* *ding dong*

"Alex, ikaw na nga magbukas, ikaw na rin magbayad ah." utos ko.

"Ang unfair naman, palagi na lang ako yung nagbabayad, pwede ba ikaw naman ngayon?" tanggi niya.

"Kung hindi mo lang po ako hinila papalabas ng mall, edi sana po nailibre na kita kanina sa pagkain at sana po nakuha ko yung pinamili natin, I mean pinamili MO." sagot ko.

"Eh kase naman yung ma----" hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya dahil baka mainip na yung nagdeliver sa kakahintay.

Tinuro ko ying pinto para sabihin na pumunta na dun sa pinto at kunin at bayaran yung pinadeliver namin. Napakamot pa siya ng ulo.

"Opo Nay..." mahina niyang bulong pero narinig ko yun.

Pagkabalik niya, dala-dala na niya yung pinadeliver namin. Kukunin ko na sana sakanya yung pagkain para maihanda ko na. Kaso bigla niya itong itinago sa likod niya.

"Walanghiya ka! Kung gusto mo na hindi mamatay sa gutom, akin na yung pagkain at baka lagyan ko pa yan ng lason pag nagkataon na napuno na ako sayo!" sigaw ko.

"Bes, sorry na. Ibibigay ko lang 'to sayo kapag tinanggap mo na yung sorry kooo~" pakiusap niya.

"Oo na, akin na yan!"

"Gusto ko yung mas sincere!" pagangal niya.

"Ikaw na nga hihingi ng tawad, dapat ikaw yung magadjust, hindi ako." sabi ko.

"Labyu, bes!" Aniya. Tsaka niya lang binigay aakin yung foods.

Nagpaorder kami sa McDo ng dalawang Chicken ala King w/rice tapos Coke as drinks tapos Mcflurrie na dalawa.

"Itadakimasuuu~"

Wala pang 15 minutes , tapos na kami kumain.

Uupo na sana ako sa sofa namin kaso naalala ko yung year-end project namin sa Homeroom.

"Bes, nakalahati mo na yung project sa Homeroom?" tanong ko kay Alex.

"Bes, alam mo naman na dakilang tamad ako kaya hindi ko na inaatupag yung mga ganyan. At tsaka next week pa pasahan nun diba? Saka ko na lang gagawin yung akin." sagot niya.

Naalala ko nga pala, hindi siya nalahian ng pagiging masipag. Maski ako rin naman eh, pero dati na yun. Ngayon na kami na lang dalawa ang magkasama, natuto rin ako kung pano gumawa ng bagay-bagay.

"Sorry, hindi ako nainform eh."sagot ko na lang.

6:30 na kaya matutulog na ako. Ako lang kase manonood pa ng TV ang gaga. Panonoorin niya daw yung crush niyang basketball player sa univ namin na sikat rin ngayon sa TV.

Ilang minuto pa lang akong nakahiga ay narinig ko na agad na tumili si Alex.

"KYAAAH! LLENTINE MY LOVES😍! ISHOOT MO YAN! GO! GO! GO!"

Hay nako, nakawala na naman sa hawla yung babaeng 'yun. Isinalampak ko na lang yung earphones sa tenga ko at nagpatugtog hanggang sa dalawin na ko ng antok.

Kinabukasan~

"Kriing! Kriing! Kri---" pinatay ko na agad yung alarm ko dahil naiirita na yung tenga ko.

4:30 am. 8 am pa ang pasok namin. Inaagahan ko magalarm kasi ayokong sumabay dun kay Alex dahil usad-pagong yun kung kumilos.

Pumunta muna ako doon sa bintana namin na parang mini terrace at nagmuni muni muna ako.

5 o'clock bumaba na ako para maligo. 5:30 na ako nakalabas ng banyo kaya agad na akong umakyat para makapagbihis na. Saktong 6 am na ako natapos magayos ng sarili. Nagalarm na naman ngayon si Alex.

Paggising niya may panis na laway pa siya at muta sa mata. Buhaghag rin ang buhok niya at mahahalata mo talaga ang pangit niya matulog. Yung kobre kama, parang nawakwak dahil sa sobrang gulo matulog ni Alex.

"Yun na eh, peste yang alarm ko na yan! Magsasalita na siya sana sakin kaso nainterrupt pa. Dapat pala hindi ako maaga nagaalarm. Lesson not learned." singhal niya.

"Bes, pwede mauna na ko?" pamamaalam ko sakanya.

"Palagi naman eh. I'm used to it. Chos! Mauna ka na, magbebeauty shower muna ako. Chupi na, CHUPI!" pagtataboy niya sakin.

Sumakay na ko sa kotse ko at pinaandar na para makaalis na ko. Btw, may sariling kotse si Alex, kaya may rason ako para iwan siya.

---------------------

THANK YOU SA MGA TAONG NAGSAYANG NG ILANG MINUTO PARA LANG BASAHIN 'TO!😂😍😆😏👌

Labyu gaiz! Sml😍😘!?

Nagfefeeling author,

zerealyzam

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DAISUKITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon