"Ano? Ipapalaglag mo?" Sabi ng lalaki sa babae na iyak ng iyak. Kinakamot ng lalaki ang kanyang ulo habang ikot ng ikot sa loob ng silid. "Puta! Bakit pa kasi ito nangyare?" Pinagsisipa ng lalaki ang mga bagay na nakikita niya sa paligid.
"Hindi ko rin naman alam ang nangyari." Pahikbi-hikbing sabi ng babae.
"Hindi kita sinisisi. Kasalanan ko 'to." Pag-amin ng lalaki. "May kinakasama ako." Dagdag niya. Tinignan niya ang babae at kitang-kita sa mukha ng babae ang pagkagulat.
"Pero paano na siya?" Sabi ng babae habang hinihimas ang kaniyang tiyan.
"Hindi ko alam." Sabi ng lalaki sabay kuha ng gamit niya at kumaripas ng takbo.
Unfortunately, ganoon ang kwento kung paano nagkakilala ang magulang ni Stake.
Dahil sa isang pagkakamali kaya nabuo ang isang babaeng maganda ngunit hindi sineswerte.
Ngayon, naisip niya na din kung bakit Stake ang pangalan niya at kung bakit hindi siya tinatrato ng maayos ng dalawa niyang magulang. Feeling niya eh walang nagmamahal sa kanya. Hindi niya ito kailanman naramdaman kaya hindi niya alam kung paano magmahal ng isang tao.
Hanggang sa dumating sa buhay niya ang isa pang malaking mistake sa buhay niya.
Tuluyan na kayang magiging masalimuot ang buhay niya?
BINABASA MO ANG
Miss Stake
RomanceGiven that her name is Stake. And they call her Miss Stake. Her life is a full-blown mistake.