DEAR INTERNET,
Ako nga pala si Stake. Stake dela Cuesta. Call me Miss Stake. Hindi ako nagpapatawa. 'Yan talaga pangalan ko. Syempre wala yung miss. Tinry kong gumawa ng blog dahil:
1. Hindi na uso ang diary.
2. Gusto kong i-share sa inyo ang masalimuot kong buhay.
3. Gusto kong maintindihan niyo ako.Hindi madaling maging ako. Halata naman. Wala kasi akong mga kaibigan. Meron nga, hindi ko naman nakikita sa personal. (KAWAY KAWAY SA INTERNET FRIENDS KO!) At isa lang akong MISTAKE. Sakit diba?
Ni minsan hindi ko naramdaman yung pagmamahal sakin ni mama at ni papa. Feeling ko nga ampon ako eh pero kahawig ko naman si Mama. Araw-araw nag-aaway si papa at mama. Malalaman ko na lang na may ibang babae na pala yung tatay ko.
Sobrang sakit.
- miss stake
"Binababad mo nanaman sarili mo d'yan sa computer! Tumataas bill natin oh. Wala kang kwenta." Sabi ni mama sabay turo sa noo ko.
"Sandaling minuto lang naman po. Atsaka tapos ko na po project ko." Sabi ko nang nakangiti. Tinignan ako ng masama ni mama at bigla siyang natawa.
"Mag-trabaho ka na lang kaya, noh? Perwisyo ka dito sa bahay. Dagdag sa bayarin." Sabi niya sakin na para bang hindi niya ako anak. Na para bang wala ako sa harap niya. Tutal sanay naman na akong pagsalitaan ng ganyan, hinayaan ko na lang. Tumayo ako at kinuha lahat ng gamit ko at nagmukmok sa kwarto ko.
Pagkahiga ko, tumingin ako sa ceiling. Kahit ilang beses niyang sabihin sakin yun, hindi parin pala magsasawang lumuha tong mata ko.
Habang nagiisip ng kung ano ano. Bigla akong may naalala.
Noong 10 years old ako. Gabi na non. May kausap si mama sa may kainan at tumatawa-tawa pa siya. Nakangiti ako habang pinapanuod siya. Mukha kasi talaga siyang masaya. Nakatago lang ako sa likod ng malaking cabinet noon para lang marinig yung tawa niya. Pero sabay ng tuwa ko, bigla ding nayanig ang mundo ko ng marinig ko ang salitang binigkas niya.
"Hay nako. Kung namatay lang 'tong batang 'to edi sana masaya ako ngayon. Malamang sa malamang sa ibang bahay ako nakatira ngayon. May mapagmahal na asawa. Sinira ng batang 'to ang buhay ko. Kabwisit!"
Habang inaalala ko ang pangyayari ng gabing iyon, hindi ko naramdaman na basang basa na pala yung pisngi ko ng mga luha. Alam ko na may ibang tinatagpo ang mga magulang ko. Pero kung papipiliin ako kung kanino ako sasama kapag naghiwalay na sila ng tuluyan, pipiliin ko ang sarili ko. Dahil alam kong unfair yun. At alam kong mas kaya kong alagaan ang sarili ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-log in sa isang social networking application.
You: Be?
Joy: Oy! Kamusta?
You: Malaking kasinungalingan kung sasabihin kong okay lang ako.
Joy: Naalala mo nanaman ba?
DIBA SINABI KONG KALIMUTAN MO NA YON!!!You: Paano ba?
Joy: Ewan. Hindi naman kasi common yang problema mo.
You: Ayoko na.
Joy: Wag na wag mong tangkahing mag-suicide.
You: I've done that many times now.
Joy: Hay nako. Bahala ka sa buhay mo. BRB.
Pagkasabi niya ng BRB, pinatay ko na ang phone ko. Sumilip sa bintana at nagulat sa nakita ko. Si mama may kahalikang lalaki. Hindi lang basta lalaki. Mas bata pa sa kanya. Parang ang lapit lang sa edad ko. Nagtago kagad ako sabay sampal ng malakas sa pisngi ko. Baka naghahallucinate ka lang, Stake.
Tumayo ako at tumingin sa aking relo. 2 PM. May panahon pa para makapamili ng mga kakailanganin sa school.
Naligo ako at nag-ayos. Simpleng t-shirt lang at shorts tutal bibili lang ako ng mga ballpen at notebook.
Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba ako papuntang sala. Nakita ko si mama na nanunuod ng tv.
"Oh san punta?" Tanong niya. Hawak ko ang sling bag ko.
"Sa mall po. Bibili po ng gamit." Sabi ko.
"Dami pera ha." Sabi niya sabay tawa. Lumapit siya sakin at sinabing, "Gagastos ka pa talaga. Ang kapal ng mukha mo."
"Galing po ito sa ipon ko. Hindi po ako manghihingi sa inyo." Sabi ko sabay layo sa kanya. "Alis na PO ako." Sabi ko bago lumabas ng pinto. Alam ko namang ikatutuwa pa niya kapag wala ako sa bahay.
Pagkarating ko sa mall, naisipan ko munang pumunta sa isang kainan para man lang kumain ng burger. Pagka-order ko, humanap kagad ako ng pwede kong upuan na medyo malayo sa mga tao.
Laking gulat ko ng biglang may lumapit na lalaki sa lamesa ko. Umupo sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko at bigla akong hinalikan. Hindi ako makalayo sa mukha niya dahil hawak niya ito kaya sinampal-sampal ko siya. Nung lumayo na siya, bigla niyang sinabing, "Janine." Janine? Gago to ha. Hindi ako si Janine.
BINABASA MO ANG
Miss Stake
RomanceGiven that her name is Stake. And they call her Miss Stake. Her life is a full-blown mistake.