Sinampal ko siya ng malakas pagkatapos ng ginawa niya. Namumula yung mata niya. Amoy beer siya. Lasing na lasing na 'to.
"Gago. Hindi ako yang Janine na sinasabi mo." Sabi ko at tumayo malapit sa upuan niya sabay sipa sa alaga niya. Napa-ungol siya sa sakit kaya nahulog siya sa upuan. "Serves you right, dickhead." Sabi ko. Binalot ko ulit ang burger at tinago sa bag at kumaripas ng takbo palabas ng kainan.
"Teka! Teka!" Sigaw nung lalaki. Sinundan niya pala ako. Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang ang lakad ko. Napatigil lang ako nung hinawakan niya ang bewang ko. Bigla akong tumalikod at siniko siya. Narinig ko nanaman ang ungol niya. "Ang sakit!" Sabi niya.
"Wala akong pake." Sabi ko sabay takbo. Pero dahil lalaki siya, mas mabilis parin ang takbo niya at naharang niya ako. "Ano bang kailangan mo?" Tanong ko.
"Sorry. Sorry kung bigla kitang nahalikan. Akala ko kasi ikaw siya. Sorry talaga." Sabi niya. Mabait ba talaga 'to?
"Lasing ka." Sabi ko.
"Oo nga. Sorry. Pero maganda ka naman at sexy." Sabi niya kaya natakot ako sa kanya. Onti-onti siyang lumalapit sakin. "At mas bata." Dagdag niya. Sinampal ko siya kaya bigla siyang lumayo sakin. "Pero brutal." Dagdag niya.
Lumakad na ako papunta ng cr para kapag lumabas ako, hindi na niya ako masusundan.
Pagkalabas ko ng cr, wala na siya. Pumunta na ako ng bookstore at binili ang mga dapat na bilhin.
Naalala ko yung lalaki. Tama nga ako. Malapit lang ang edad namin. Parang eh. Gwapo siya, hindi ko maitatanggi. Pero he's drunk.
Umuwi rin ako kagad sa bahay pagkatapos kong bumili ng mga kailangan ko sa school. Nagmadali na din kagad ako para makapasok na sa trabaho. Nag-sideline muna ako sa isang convenience store. Pang-gabing shift ako. Yung mga 5 pm to 10 pm. Sinabi ko kasi na next week, ang start ng classes namin. Nakakakuha naman ako ng 5K/month. Hindi naman na siguro masaya yun. Madami-dami na rin akong naipon.
Pagkapasok ko sa trabaho, nginitian ako ng guard na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan. Nagpunta ako sa storage room at nagpalit ng damit. May uniform kasi dito. Sanay akong walang pumapasok dito kaya nagulat ako ng biglang may lalaking pumasok sa loob ng room. Mayron siyang hawak na papeles.
"Hi. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Pinagpapawisan na siya at mukhang hindi siya makapagsalita. Sinundan ko yung direksiyon ng mata niya. Oh shit. Hindi ko pa pala nabubutones uniform ko. Kitang-kita niya yung bra ko.
"Uhm, magpapasa lang po ng requirements para makapagtrabaho." Sabi nung lalaki sabay ayos ng salamin niya.
"Hindi ko alam kung naghihire sila dito." Sabi ko.
"Ah eh, sabi kasi ng guard meron parin daw. Tinanong ko rin kung saan magpapasa, sabi sa babae daw na maganda." Sabi niya. Maganda? Ah eh. Nakaka-flatter naman. Hahaha.
"Ako? Maganda?" Tanong ko. Eh kasi dalawa kaming nagttrabaho dito na babae. Yung isa si Monica. Ayun, maganda talaga. Pero hindi maganda yung ugali.
"Ah kasi ikaw lang naman babae dito." Sabi niya. Oo nga naman.
Kinuha ko yung requirements niya at pumunta sa counter. Tinawagan ko yung main office namin kung talagang naghahanap sila ng bagong cashier. Oo daw. Papalitan na daw si Monica tutal lagi daw absent.
"Kuya, sabi nila dun ka daw pumunta sa main office nila. Hindi sakin. Cashier lang rin ako dito." Sabi ko.
"Don't call me Kuya. Magka-age lang tayo, miss." Sabi niya. "Kyle nga pala."
"Stake. Hehehe. Sige na. Dun mo ipasa sa main office." Sabi ko.
"Salamat." Nginitian niya ako bago siya tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Miss Stake
RomansaGiven that her name is Stake. And they call her Miss Stake. Her life is a full-blown mistake.