Chapter 9

24 3 0
                                    

Chapter 9

*Beatriz POV*

+Hello?+ -bungad ko. Hayss. Ang sarap ng tulog ko e bigla naman may tatawag ng ganito.

+HUY! 'WAG MONG SABIHIN NA TULOG KA PA?!+ -napamulat naman ako doon kasi kailangan talagang sumigaw?

+PROBLEMA MO BA?!+ -sigaw ko na din. Hays. Aba! Bagong gising ako eh. I mean ginising lang talaga!

+2 pm na no.+ -napatingin naman ako sa relo ko. Ou nga noh? Eh sa pagod ako at wala naman pasok noh! Ano ba?!

+Bakit ka ba tumawag?+ -tanong ko nalang.

+Tara gala naman tayo!+ -yaya niya saakin.

+Bukas na!+ -sabi ko naman at nahiga ulit.

+Please?+ -napaupo naman ako kasi yung boses niya dun iba. Alam mo yung may halong iba?

+Ok fine.+ -bakit pag nag pe-please siya 'di na ako makatanggi?

***

+Oh? Nandito na ako?+ -sabi ko kay Brix sa phone.

+Tingin ka naman sa likod mo.+ -tumingin naman ako. Parang nag stick naman yung mata ko sakanya kasi. HE'S SO HANDSOME AND HOT! HE'S WEARING A BROWN JEANS AND V-NECK NA WHITE SHIRT. Simple lang pero ang hot niya!

"Ano naman pumasok sa utak mo at nag yaya ka?" –tanong ko naman at tiningnan ba naman ako mula ulo hanggang paa.

"Ganda." –sabi niya saakin at napatingin naman ako sa damit ko. Well nakasuot lang naman ako ng blue dress above the knee at black na flats, yung lang naman.

"Ano saan tayo pupunta?" –pagsusungit ko nalang.

"Sungit naman nito!" –nanlaki naman yung mata ko kasi bigla ba naman ako akbayan?! Nasa mall kaya kami baka isipin ng iba PDA kami. "Tara kain muna tayo alam ko naman na 'di ka pa nag babrunch."

"Brunch?" –tanong niya saakin.

"Breakfast at lunch! Ito eh tara!" –pumasok naman kasi sa isang resto at umorder na siya ng pagkain. Habang nakaupo ako at nakatingin sa kanya habang nakatingin sa menu naisip ko lang. Date ba 'to? "Huy! 'Wag mo naman akong titigan diyan!"

"A-ano may sinasabi ka?" –shems. Bea naman 'wag kang pahalata!

"Sabi ko 'wag mo akong titigan. Kasi baka..." –tumigil naman siya at SHEMAYYYY! Yung ngiting yun! Ang hot! Bea naman 'wag kang pahalata oh! "Joke lang ito naman dami na agad inisip!" –sabi niya at sakto naman dumating yung waiter. Wala naman akong ibang iniisip ikaw lang Brix! Ang cheezy Bea! Sobra!

"Aba! Kumain ka nalang diyan!" –sabi ko nalang at kumain na. Ou ako pa talaga nauna. Eh kasi naman tama naman siya noh, wala pa akong breakfast at lunch! Napatigil naman ako ng mapansin ko na nakatingin siya saakin. "What?" –tanong ko habang hawak ang isang legs ng manok.

"Alam mo ang cute mo pala noh?" –sabi niya. AS IN SABI NIYA EYE TO EYE!!! KILIG ALERT! Alam ko na nanlalaki na ang mata ko!

"ARAY!!!" –sigaw niya at napatingin naman lahat saamin sa loob ng resto. Ikaw kasi eh pinakilig mo ako eh! "Para saan naman yun?" –tanong niya at hinawakan niya yung paa niya. Inapakan ko kasi eh sa kinikilig ako eh!

"Mas gutom ka pa saakin eh! Kumain ka na nga lang kasi." –sabi ko.

"Tch." –sabi niya na lang. Hala galit ba 'to? Aba bahala siya diyan. ARGHHH. BAkit parang 'di umiiral pride ko ngayon?

"Sorry na." –sabi ko at wa epek pa sakanya. "Oy Brix!" –tawag ko pero patuloy parin siya sa pagkain na para bang walang naririnig. "Oy!" –pagkasabi ko nun hinawakan ko yung kamay niya, susubo na sana siya eh. (Err. Pangit ng term ko sarreh!) Tumingi siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya kaya nama agad ko itong inalis. "Edi 'wag." –sabi ko nalang.

Arcade | Short Story | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon