Chapter 2

32 5 0
                                    


Chapter 2

*Beatriz POV*

"Omg! Shama? Anong ginagawa natin sa lugar na 'to?" –sabi ni Berry na halata namang nangdidiri. Well honestly ako din naman eh.

"You know what Shama this place is not good. Look labas palang mukhang basura na." –sabi ko at napatingin sa loob. "And duh ang daming tao! Amoy ko na nga dito sa labas ang horrible smell diyan." –sabi ko.

"Guys I promise masaya dito." –sabi ni Shama at hinigit na kami sa loob. Shemay! Nakakasuka yung amoy ang sakit sa tiyan. Halo halo kasi. Mas nangingibabaw pa yung amoy ng sigarilyo.

"Ma'am dito!" –napatingin kami sa babaeng nasa counter at lumapit naman si Shama na may kinuha na kung ano.

"Oh ito." –sabi niya at abot saamin.

"A coin? For what?" –sabi ni Berry na kanina pa nag sspray ng pabango niya.

"My gosh guys! 'Di pa ba obvious kung nasaan tayo? Nasa arcade tayo let just enjoy." –sabi ni Shama.

"What the?! Arcade? This is not an arcade! Kung gusto mo lang pala mag arcade sana sa mall nalang tayo pumunta." –sabi ko at napa face palm nalang.

"You know what Beatriz is right! Kadiri naman 'tong lugar na 'to!" –arte naman ni Lala sabay pout.

"I'm going home." –sabi ko at akmang lalabas na sana.

"Alam mo ba kung ano ang daan pauwi. As far as I know 'di ka marunong mag commute." –napatingin naman ako kay Shama.

"Are you block mailing me?" –sabi ko sabay higit sa kwintas niya.

"Oww girls please no cat fight." –kalmadong awat ni Berry.

"Don't be so bad cat." –pangaasar saakin ni Shama at inayos yung glasses ko. Binitawan ko naman agad siya at naupo nalang sa kung saan dun. Badtrip yung babae yun!

Tumingin naman ako sa paligid yung tatlo, ayun na naglalaro na. Sana nasa bahay ako ngayon noh? This place is really terrible. Ano naman kaya ang pumasok sa utak nitong ni Shama at dito pa napiling pumunta. Well naging arcade lang naman 'to dahil sa mga playing machine pero kung titingnan mo ang ambiance ng paligid? The floor, the ceiling, the wallpaper or should I say everything! Argh. Walang aircon at ang duming tingnan talaga.

"Ano bang paki mo huh?!" –napatingin ako sa mga lalaking malapit saakin.

"Eh bakit ikaw anong bang gusto mo?!" –sigaw pa nung isa. Magsusuntukan ata yun ah? Like I care kahit magpatayan pa sila but I really need to go home. Kinuha ko naman yung phone ko para tawagan yung driver ko.

"What the?!" –bulong ko nalang ng makita na wala ng battery yun phone ko. Okay wala akong dapat gawin kundi maghintay sa lintik na tatlong yun at tumunganga dito. Inikot-ikot ko naman yung coin na bigay ni Shama. "CA Arcade." –basa ko sa nakasulat dun. Well mapaglait na kung mapaglait pero this place is really cheap. Tumingin uli ako sa paligid ko at nakita ko yung basketball mania na walang tao sayang naman nitong coin na 'to kung 'di ko gagamitin diba? At tsaka baka mabulok lang ako kauupo doon.

Tumayo ako at tumungo dun sa basketball mania isho-shoot ko na sana yung coin na may kamay na humarang saakin.

"This slot is mine." –sabi niya na napatingin naman ako sakanya.

"I don't care pero ako nauna." –pagtataray ko at sabay crossed arm.

"Wow." –bulong niya at sumanday sa machine. "You don't know me." –sabi ng lalaking 'to yabang ah?

"Do I need to know you?! Like who you are? In your information I don't care if who you are just get out of this slot dahil ako ang nauna." –sabi ko at lumapit naman siya saakin at hinawakan yung mukha ko.

"Matapang ka." –sabi niya at masasabi kong medyo slang siya magsalita. Tinabig ko naman yung kamay niya.

"Don't you ever touch me!" –sigaw ko at napansin ko naman na halos lahat na nakatingin saamin.

"OMG Beatriz!" –sabi ni Shama at lumapit saakin.

"What?!" –sigaw ko sakanya. Siya dahilan kung bakit ako nandito e.

"Ahh. Brix sorry kana sa kaibigan ko ah." –sabi ni Shama at pilit akong inilayo doon pero this time 'di na ako magpapadala sakanya.

"Bat' ka nagso-sorry diyan. Eh ako naman talaga ang nauna. Tss." –sabi ko.

"Oh bro nakahanap kana ng katapat mo!" –asar nung lalaking umakbay dun sa ano nga bang pangalan? Bricks? Diba yun yung pinanggagawa ng bahay? Tss. I don't care.

"Tss." –sabi nung Brix at smirk.

"Tara na!" –higit ni Shama at sumunod na ako.

"Tandaan mo! 'Di pa ako tapos sayo!" –sigaw ko. Nakakainis alam mo yun ang yabang e. Sino ba siya?! Ako nauna eh.

"Bakit mo naman ginawa yun?" –tanong ni Shama habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.

"Eh ang yabang nun eh. And beside ikaw naman ang dahilan kung bakit ako nandito!" –sigaw ko.

"Dapat 'di mo ginawa yun!" –sabi ni Shama.

"So ngayon ikaw narin pala ang mag sasabi ng dapat gawin ko?" –sargastic kong tanong.

"Yun si Brix? Yung binangga mo. Arcade King yun diyan." –sabi ni Shama.

"Anong paki ko! Bakit ano bang nagagawa ng pagiging arcade king niya?" –sabi ko rin sakanya at pumasok na kami sa kotse niya.

"'Di mo naiintindihan. Malaki ang impluwensiya nang family nila. Member siya ng isang gang. Basta ang hirap i-explain. 'Di ko nga alam na nakauwi na pala yun." –sabi ni Shama.

"Eh bakit mo naman kasi kami dinala dun?" –tanong ko at 'di nakasagot si Shama. "Alam niyo?! Alam ko naman na pinaplastik niyo lang ako! Para ano? Para mapansin din kayo sa school! Then now ano? Ipapahamak niyo na din ako para ano masulo niyo? Kwes inyo na. Tigil mo yung kotse." –agad naman na itinigil ni Shama yung kotse niya.

"Beatriz can we talk about it?" –tanong ni Berry at 'di ko na siya pinansin at naglakad nalang papunta sa guard house ng subdivision namin para makatawag sa bahay. Bahala sila sa buhay nila nakakainis. Bakit ba nakakainis ang araw na 'to?

Arcade | Short Story | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon