Kabanata 1

9 1 0
                                        

"Guinevere Harriet Guillermo. Mayaman, matalino at maganda. Na sa'yo na ang lahat. Kaso isa kang tanga! Para ano pa't Dean's Lister ka kung wala ka namang prinsipiyo sa buhay?"

Halos batukan ko si Evette sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko makuhang mainis o pagtuanan siya ng pansin dahil pasilip-silip ako sa maliit na bintana sa pintuan ng isa sa mga classroom dito sa building ng engineering.

"Tara na nga Ginie! Malelate na tayo sa klase ni ma'am Mendoza. Ayaw pa naman noon ng studyanteng late. Alam mo naming naglo-lock na 'yon ng pinto kahit hindi pa tapos ang grace period. Tara na, kokopya pa'ko ng assignment natin." Paghihimutok ng kaibigan ko habang hinihila ang braso ko palayo sa pintuan.

"Papakopyahin kita, sandali lang kasi! Sisilipin ko lang naman siya."

Inirapan ako ng aking kaibigan pero hindi na nagkumento dahil narin sa sabi kong pakokopyahin ko siya. Matalino naman iyang si Evette, tamad lang talaga. Kahit nga gaganyan-ganyan iyan ay pumapasa naman sa mga subjects namin.

Iginala ko ang paningin ko sa loob ng kuwarto. Mayroon lamang halos kinse na mga estudyante ang nakaupo. Dahil narin siguro isa itong major subject kaya kaunti lang talaga ang nakaenrol at nakalaan lamang ito sa particular na kurso.

Nakatalikod ang kanilang professor at nagsusulat ng kanyang topic sa white board. Kung hindi ka estudyante rito, ay mapagkakamalan mo siyang estudyante rin. Dahil narin sa bata pa ang itsura niya at fresh graduate pa lang.

Nagtaka nga ang karamihan nang tinanggap niya ang pagtuturo gayong inofferan siya sa isa sa mga malalaking firm sa bansa. Tingin ko'y deserve naman niya uyon dahil top notcher siya sa board. Sa pagkakaalan ko ay part timer lang siya dahil kumukuha si ng MA.

Pero kahit na fresh graduate palang iyan ay sikat na siya sa engineering department, hindi lang dahil sa guwapo si sir, kundi dahil isa rin siyang terror na professor.

"Ang pogi talaga ni sir Fajardo kahit nakatalikod, ano?"

"Aywan ko sa'yo Ginie! Tigil-tigilan mo na nga yang kabaliwan mo diyan kay sir. Hindi ka papansinin niyan kahit pa na mayaman, matalino, maganda at dean's lister ka! Asa ka naming papatol 'yan sa estudyante, e balita sa buong engineering na may girlfriend na 'yan! Kaya tara na, 'di ka na tatapunan ng tingin niyan! Taken na e."

Patuloy parin sa pangangaral si Evette sa akin, ng tumigil sa pagsusulat si sir Fajardo at humarap. Napatingin siya sa pinto kung saan kami nakatayo ni Evette.

"Umalis na tayo Evette, bilis!"

"Ha? Ano?" Gulong sabi ni Evette. Gusto kong kaladkarin ang kaibigan ko palayo sa pintuan. Pero huli na ang lahat dahil bigla na lamang itong bumukas at niluwa noon si sir Fajardo!

"Do you need something?" Tanong nito.

Halos tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ang kanyang boses. Ang kanyang mga malalim na mga mata ay seryosong nakatingin sa akin! Kumapa ako ng mga salita, pero walang lumalabas sa aking bibig.

Gusto kong murahin ang sarili ko dahil nandito na siya sa harap ko pero wala naman akong masabi. Kumunot ang noo ni sir Fajardo ng hindi ako sumagot. Si Evette ang unang nakabawi sa aming dalawa.

"Ah, sir wala po. Napadaan lang, akala po kasi namin dito po iyong bagong classroom na inassign ni ma'am Mendoza."

Nakakunot parin ang noo nito at pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Evette. Pakiramdam ko'y namumula na ang mukha ko ngayon!

Humalukipkip siya at tinaas ang kanyang mga kilay.

"I am not informed with such notice. Next time, try to knock and ask the professor inside instead of standing outside the door. You're disturbing my class."

Marred HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon