Tumakbo ako papasok ng bahay ng makapasok ako sa gate. Pagkapasok ko ay agad kong nakita ang aking lolo na nakaupo sa kanyang wheelchair sa balkonahe ng aming bahay. Ngumiti siya ng makita ako sa malayo at ibinaba ang kanyang binabasang diyaryo at tinanggal ang kanyang salamin.
Si lolo ay isang retired na sundalo. Matagal ng patay ang aking lola kaya siya nalang ang mayroon ako.
"Lolo!" ngiti ko sa kanya at agad ko siyang binati ng yakap.
"Ano, kumusta ang araw mo apo?"
Ito ang gustong-gusto ko sa kanya. Palagi niyang itinatanong ang buong araw ko. Kahit na pulit-ulit naman at walang bagong nangyayari ay patuloy parin siyang nakikinig sa mga kuwento ko. Ikinuwento ko sa kanya ang nagyari sa akin buong araw, pero siyempre ay hindi ko sinabi sa kanya iyong pagkahuli sa akin ni Mr. Fajardo kanina! Mapapagalitan lamang ako.
"Hindi pa po ba bumabalik si ate Lisa?" Tanong ko sa kay lolo.
Si ate Lisa iyong katulong namin. Medyo may edad narin siya at matandang dalaga na. Siya na ang yaya ko simula ng lumaki ako. Siya narin ang itinuring kong ina simula ng magkaisip ako.
"Bukas pa raw ang balik."
Itinulak ko ang wheelchair ni lolo papasok ng bahay. Madilim na sa labas at maghahanda narin ako ng hapunan naming dalawa.
"Umalis na nga pala ang anak ko Ginie."
Tumango ako sa sinabi ni lolo. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang papa ko. Mula bata pa ako ay ipinaintindi na sa akin ni lolo ang situwsyon ko. Si papa ay isang sikat at pamilyadong engineer sa Maynila. At sa 'di sinasadya ay nakabuntis siya, 'yon ang mama ko. Ang kuwento ni lolo ay naging kliyente siya ni papa noon sa isa sa mga project niya. And the rest is history. Namatay si mama ng ipinanganak niya ako.
And to keep my father from shame my grandfather took me in.
Alam ng kanyang tunay na pamilya ang tungkol sa akin. And I understand that they will never accept me. I will always be the reminder of the sin my dad committed.
Si lolo na ang nagpalaki sa akin. Mula pa sa simula ay hindi niya tinawag ang kanyang anak na 'papa' ko. Dahil hindi naman daw kahit kalian naging ama ang kanyang anak sa akin. Sinusustentuhan lamang ako nito.
Noong una ay hindi ko pa naiintindihan, ang alam ko lang ay namatay si mama at si papa naman ay nagtratrabaho sa malayo. Halos buwan-buwan ay pumupunta ako sa post-office para maghulog ng sulat sa papa ko. Pero lagi naman itong bumabalik sa akin. Iyak ako ng iyak noon dahil sabi noong kartero ay hindi naman daw valid ang address na nakalagay doon.
Paminsan-minsan ay dumadalaw si papa ditto. Dati ay buwan-buwan, hanggang sa naging mahahalagang okasyon na lang. Hanggang sa naging isa sa isang taon. At ang dahilan ng kanyang pagdalaw ay dalawin si lolo.
I did my best to understand my situation. I've never questioned him whenever I see him. I never question him why he never attended my birthday. I never questioned him why he never leave his phone number to call him whenever I needed to.
Mabuti nga ngayon at ibinigay na niya ang address ng kanyang office. Kahit papaano ay naipapadala ko ang mga sulat ko tungkol sa kalagayan ni lolo. Kahit na hindi niya ako sinusulatan pabalik, ang mahalaga ay may balita siya tungkol kay lolo. Lalo na't hindi na ganoon kalakas ang pangagatawan niya.
Iniintindi ko iyon, dahil ang mahalaga naman ay nabuhay ako at nakakapag-aral.
I am thankful that eventhough I may not have my parents, but at least I have my grandfather that will always love me. He gave me the love of a father and a mother.
