Sundalong Naliligaw

19 0 0
                                    

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!"

Naputol ang panonood ko ng tv nang marinig kong sumigaw ang ate ko mula sa terrace.

Pinabantayan muna kasi ni papa kay ate ang aming bunsong kapatid na lalaki na natutulog sa terrace dahil bibili muna siya ng sigarilyo.

Gabi nun nang sumigaw si ate. Lumabas ako upang tingnan kung anong nangyari. Buti na lang, hindi nagising ang bunso namin.

"Ate, anong nangyari?! May ipis ba?", tanong ko. Takot kasi siya sa ipis.

"Pa? Ikaw ba yan?",-Ate. Kinakabahan siya at pinagpapawisan.

"Hey! Wala pa naman si papa ah. Hindi pa siya bumabalik. Ano ba ang nangyari ate?", tanong ko.

"May Kamay.",-Ate.

"Ha? Anong kamay ang sinasabi mo?",-Ako. Kinakabahan na ako.

Umupo siya at tumingin sa akin. Marka sa mukha niya ang kaba. Namumutla siya at pinagpapawisan.

"May Kamay. Kamay ng isang lalaki. Parang kamay ni papa. Pero wala akong nakitang katawan o mukha. Kamay lang...ang...nakita ko. Nakita ko diyan! Mismong sa bintana na yan.",-Ate. Sabay turo sa bintana.

Tiningnan ko. Wala naman akong nakita kahit ano.

"Sigurado ka bang, wala pa si papa?",-Ate.

"Oo. Baka guni-guni mo lang yon ate.",-Ako.

"Hindi. Nakita ko talaga. Mismo sa dalawang mata ko.",-Ate.

Tiningnan ko ulit. Wala talaga akong nakita. Wala ngang taong dumadaan.
Maya-maya, dumating na si papa. Kinwento namin ang nangyari. Bigla siyang nagsalita.

"Huwag niyo namang takutin ang mga anak ko.",-Papa. Sabi niya nang marahan.

Kinabukasan, kinwento ni papa ang tungkol sa kamay na nakita ni ate.

Ang kamay na yun ay kamay ng isang sundalo. Ang lote kasing tinatayuan ng bahay namin ay marami nang namatay na mga sundalo sa panahon ng giyera. Pero ang sundalo na iyon ay ang nag-iisang sundalo na naliligaw. Naliligaw na kaluluwa.

Pati mga kapitbahay namin ay nakikita ang sundalong iyon. Sabi ng nakararami na ang akala nila ay si papa yun. Malaki kasi siya at matangkad, kagaya ni papa.

Kagaya ng nangyari sa pinsan namin. Kakauwi lang niya galing sa trabaho. Mga nasa alas 11 ng gabi nun. Mararaanan kasi niya ang bahay namin papunta sa kanila. May nakita raw siyang isang lalaki na nakaupo sa terrace namin. Akala niya si papa yun. Pero nagtataka siya kasi hindi niya makita ang mukha. Sabi nalang niya "Magandang gabi po, tay" at nagpatuloy sa paglalakad. Nagtataka siya kung bakit hindi kumukibo. Hindi nga gumagalaw. Nakakakilabot.

Naranasan din ni ate na may narinig siyang naglalakad sa labas malapit sa kwarto namin. Narinig niya raw ang isang tunog ng kadena at nakita niya ang anino ng isang lalaki. Naputol rin ang tulog ko dahil dun.

Halos ng napapadaan sa bahay namin ay natatakot tingnan ang bahay namin. Maraming nagsabi na may nakikita raw sila. Yung iba sabi nila, parang sementeryo raw ang bahay namin. Hindi dahil kulay puti ito, dahil daw napaka tahimik raw kung tingnan. Para sa akin di naman, ang ingay ko kaya.

Sabi ni papa hindi kailangan na matakot kami. Lalo na sa sariling bahay namin. Hindi naman sila nanakit kung hindi mo lang unahan. Nanakot lang talaga sila, minsan nga nanggagaya.

Nasanay na rin kami. Kung may nakikita o nararamdaman kami binabaliwala nalang namin.

"MAGDASAL KA. Yan ang matinding sandata upang lubayan ka sa mga masasama.",-Papa.

~*~

This is based on the true story of my sister.

"Kahit saang sulok ng mundo tayo mapunta, nandyan talaga sila. Hindi mo man nakikita o nararamdaman.",-Papa.

~*~

VOTE & COMMENT

-MaryNewEve

Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon