Manika

25 0 0
                                    

Sophia ang pangalan ko.

Manika lang ang naging kaibigan ko at ang naging kakampi ko.

Ang saya-saya nila samantalang ako nagdurusa.

Isinusumpa ko. Walang magiging masaya sa mundong ito. PAPATAYIN KO SILANG LAHAT. SILANG LAHAT...

~*~

Isang buwan na ang nakalipas nang inuwi ni Magie ang Manika na yan.

Isang buwan na rin niyang kinakausap ang manika na yan.

Nakapagtataka talaga.

Hindi ko alam kung bunga ba yan sa pagkawala ng daddy niya.

Sabi naman ng doktor natural lang daw yan and besides she is just 6.

Sophia ang tawag niya sa manika.

Nakita niya raw si Sophia sa playground mag-isang naglalaro.

Doon daw sila nagkakilala.

"Mommy! Sophia told me, staring is very rude."

Nawala ako sa malalim kong pag-iisip nang biglang nagsalita ang anak ko.

Nilapitan ko siya.

I hugged her and kissed her on the cheeks.

I smiled.

"I love you baby."

"Mommy, Sophia hates happy people."

~*~

Nagising ako. Alas 6 na ng umaga. Magluluto na ako for breakfast.

Habang naglalakad ako patungong kusina. Nakaramdam ako na may sumusunod sakin.

Binaliwala ko lang at nagtungo na.

While preparing for our breakfast, nagulat ako nang makita ko ang...

Manika.

Paano biglang napunta to dito?

Kinuha ko at ibinalik ko sa tabi ni Magie.

~*~

Kauupo ko lang sa driver's seat nang may nakita ako sa tabi ko na ikinagugulat ko.

Pa'no na naman napunta to dito?

Nakapagtataka.

Nandito na naman ang Manika ni Magie.

Kinuha ko ito at ibinalik sa loob.

Nakasalubong ko ang anak ko.

"Baby, bakit ba saan saan mo lang inilalagay si Sophia?", tanong ko sa kanya.

"It's not me mommy. Si Sophia talaga ang sunod na sunod sa inyo. I told her na wag siyang sumama sa inyo pero ayaw niyang makinig eh.", sabi niya habang kinuha niya ang manika sa kamay ko.

Short Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon