Palabas na kami ni JP ng simbahan nang bigla akong may naalala na gusto kong puntahan.
"JP, pwede ba tayong mag last stop sa puno malapit sa park?" tanong ko.
"Anong puno dun? and rami kayang puno dun sa park." sagot naman nya.
"Hindi naman sa park, malapit lang sa park. Sa may bakanteng lote na dalawang kanto ang layo mula sa park." sabi ko sakanya. Kailangan kong mapuntahan yun. Kailangan.
"Bakit naman dun?" rinig ko ang pagdadalawang isip nya, "gumagabi na ah."
"Saglit lang naman tayo dun, pramis. Kailangan ko lang talagang puntahan yun." pagpipilit ko sakanya. Hinila ko ang shirt nya at nagpout.
"Sige na, please." Paguulit ko.
"Sige na nga, baka may magandang mangyari pa sa ilalim ng punong yun." sabi nya sabay tawa.
"Hoy! Wag ka nga, kakalabas mo lang sa simbahan tapos ganyan agad ang iniisip mo! Mahiya ka nga!"
"Bakit alam mo ba yung iniisip ko? Baka ikaw ang may masamang iniisip saating dalawa."
"Ewan ko sayo."
Hindi nagtagal ay nakarating na kami ni JP sa puno, medyo natagalan nga lang kami sa paghahanap ng bakanteng lote kasi madilim na. Naglalakad ako papunta sa puno nang biglang nagsalita si JP. "Sold" sabi nya.
"Ano?" tanong ko.
"Sold na 'tong bakanteng lote na 'to. Siguro within this week or month ay ipapaputol na nila yang punong yan." bigla akong sumimangot dahil sa sinabi ni JP. Naramdaman ko ang braso ni JP na dahan dahan ay yumakap sakin. Umiyak ako sa mga braso ni JP, hindi ko kayang maisip na pati ang punong ito ay mawawala, nawala na saakin ang lahat, ang paningin ko, si Gian, ang maraming opurtunidad, at ang mga gusto ko, at pati ba naman ang punong 'to?
Inalis ni JP ang kamay nya mula sa pagkakayakap sakin at hinipo nya ang puno. "Ano 'tong sirang parte ng puno na 'to? Parang may nakasulat, ngunit hindi ko maintindihan kung ano" sabi nya.
Napatigil ako sa pag-iyak at hinipo ko rin ang puno. Alam ko kung ano ang naka-ukit dito. Alam na alam ko ito.
BINABASA MO ANG
Pieces Of Our Story
RomanceNawala na ang lahat kay Fiona, ang taong mahal nya, ang paningin nya, ang lahat lahat. Ngunit isang araw ay nakilala nya si JP. Tinangay sya ni JP paalis sa kadiliman na pilit nyang binabalot sa sarili nya. Kaya ba ni Fiona na makabangon sa lahat ng...