Chapter 1

106 29 30
                                    


"Por eso no hay que decirlo,hay que demostrarlo"

~~~

"KRRIIIIINNGGG"

"KRRRRIINNGGGGGG"

"KKKKRRRIIIIIINNGGG"

"Off"

Hhaayy, umaga na naman. Pagtingin ko sa alarm clock ko alas-tres na pala ng umaga. Pero kailangan ko ng pumasok sa pinagtatrabahuan ko.

Tumayo na ako at dumeretso sa banyo at naligo.

3 oras din ako sa banyo. Hindi kapani-pani wala ano pero yun yung totoo.

Pagkatapos kong maligo eh nagbihis na ako at deretso sa kusina.

May nabili naman akong tinapay kahapon at nakapag luto na rin ako ng hotdog. Yun lang yung agahan ko at dumeretso na sa trabaho ko.

Nagtatrabaho ako sa isang coffee shop.

Pang part-time lang upang matustusan naman yung mga gastusin ko sa pang araw-araw.

Pang umaga ako.

From 6:00 hanggang 7:30.

Mabuti na lang at malapit lang yung shop sa pinapasukan kong unibersidad.

Mag iincoming 2nd year college na pala ako.

Kumukuha ako ng kursong Bachelor of Elementary Education.

At sa hindi naman sa kasamaang palad eh, kasama ako sa mga Dean's Lister noong nakaraang taon.

Kailangan ko kasing magkaroon ng mataas na marka upang makakuha ako ng scholarship.

Sayang din yun ano.

Nang matapos na rin yung shift ko sa trabaho eh dumeretso na ako sa school kasi unang araw na naman ng pasukan ngayon.

Ayun pagdating ko sa classroom eh nakita ko na agad yung pinaka maganda kong bestfriend, si Cara Krishna Ortega.

Isa sa mga sikat na babae sa school.

Maganda, sexy at matalino.

'Yan siya.

Oh diba, paramg kabaliktaran niya ang ako.

"Ganyan talaga ang buhay"

Ay ba't ganun, ba't may pa music effect pa.

"Oh Phoebe dito" sabi ni Cara

"Oh ang aga natin ah" saad ko

"Oo naman, unang araw eh" dagot niya

"Alam ko na 'yan. Naghahanap ka na naman ng mga gwapo ano?" Pagtatanong ko

"Ano ka ba hindi no" sagot niya.

Hindi daw pero halata yung mata na umiikot sa loob ng room.

"Edi sabi mo eh" sagot ko

"Oy girl, samahan mo ako mamaya ha" sabi ni Cara

"Saan" tanong ko

"Sa mall, mamimili lang ako ng damit" sagit niya

"Ay girl hindi ako pwede. Pupuntahan ko pa si Brix pagkatapos ng basketball practice nila" saad ko.

"Girl, diba sabi ko sa'yo, hiwalayan mo na 'yang lalaking 'yan. Niloloko ka lang niyan." Saad niya

"Ano ka ba girl. Mahal kaya ako ni Brix." Sagot ko

"Siya nga yung una kong boyfriend eh" dugtong ko

"Ay bahala ka girl basta binalaan na kita ha." Sabi niya

"Oo na." Sagot ko

Habang inaayos ko 'yung bag ko.

Napatingin ako sa pinto ng room at may pumasom na isang gwapong lalaki.

As in gwapo talaga.

Matangkad at ang ganda ng katawan.

Lumakad siya sa harapan ko at nakita kong wala na palang bakanteng upuan kaya sa tabi ko na lang siya umupo.

"Hi my name is Calleb San Francisco" pag uumpisa niya.

"Uhm ako ba yung kinakausap mo?" Tanong ko naman.

Baka maging tanga ako at baka hindi pala ako yung kinakausap niya.

"Oo" ngumiti siya at inabot ang kamay niya.

"Uuh, he hello ako nga pala si Phoebe Louise Del Claro" sagot ko.

Inabot ko 'yung kamay niya.

Napaka lambot.

Ang sarap hawakan.

Pero hindi ako nagpaghalata na gustong-gusto kong hawakan yung kamay niya.

Love Basis: Finding Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon