Chapter 2

76 22 11
                                    

Natapos 'yung klase at wala namang bago.

Typical lang naman, yung nagpapakilala ka sasarili mo at yun lang naman.

Ayun pagkatapos ay nag lunch na kami ng bestgtiend ko at ayun sumama sa amin si Calleb.

Habang papunta na kami sa cafeteria eh grabe makatitig 'yung mga babae kay Calleb at sa akin. Sa akin? Oo dahil nga kasama ko na naman ang isang gwapo at matangkad.

Ganyan sila noon hanggang ngayon dahil naging boyfriend ko na si Brix.

Lumakad ako na parang rumarampa. Walang makakapigil sa akin. Hahahaha

So ayun nga at andito na kami sa cafeteria at umoorder na ako.

"Uhm isa daw pong chicken with rice, isang spaghetti at fries at isang mango shake." Saad ko

"180 po lahat" tugon ni Aleng Maria, siya 'yung binibilihan ko tuwing lunch.

"Salamat po" ayun at hinanap ko na sina Krishna at Calleb. Ayun at nakita ko naman sila.

"Pheobe dito oh" ayun at kinamayan ako ni Krishna.

Habang papalapit na ako sa table eh hindi ko naman namalayan na may tubig palang nakakalat sa sahig at ayun dumating na naman si tadhana at dito pa talaga sa cafeteria na ang daming tao.

Ayun natapon lahat ng pagkain ko at nahulog ako sa sahig mukha ngang nagkaroon ng magnitude 5.

Biglang tumahimik yung paligid at nagsimula na silang magbulungan at magtawanan.

"Pheobe, okay ka lang?" Pag-aalalang tanong ni Calleb sa akin at itinayo niya ako at pinagpagan

"Aa..a. a oo okay lang ako salamat" sagot ko ayun at walang atubili ay tumakbo ako palabas ng cafeteria at pumunta sa C.R.

Habang nandoon ako sa C.R. eh nakalimutan kong wala pala akong dalang pamalit kaya ayun tinext ko si Krishna na dalhan akong ng pamalit.

Ilang minuto din eh nakarating na siya sa C.R.

"Pheobe, okay ka lang ba?"

"Gusto mong dalhin ka namin sa Hospital?"

"Oh eto nga pala yung extra uniform ko. Sayo na lang marami pa naman ako" sunod-sunod niya sagot

"Hahahaha okay nga lang ako. Uy salamat dito ha ibabalik ko na lang sa'yo pagkatapos kong labhan"sagot ko

" okay lang yun. Hala next class ko na pala, sige Pheobe mauuna na ako ha. Ingat bebesh haha" tugon niya

Oonga pala hindi na kami magkaklase pagkatapos ng lunch.

Ayun pagkatapos kong magbihis eh dumeretso na ako sa room.

Habang naglalakad na ako papunta sa classroom, nakita ko si Brix na papalabas ng C.R.

"Brix, Brix!"

Tinawag ko siyapero parang hindi niya ako narinig kaya ayun sinundan ko siya.

Papunta pala siya sa gym.

Baka siguro magpapractice na naman siguro sila ng basketball.

Habang malapit na siya sa locker sa loob ng gym eh nakita ko doon yung dalawa niyang bestfriend na sina Jason at Jeffrey.

Nang nasa loob na siya ng locker room eh nakikinig lang ako sa kanila at hindi pumasok.

"Oh pre, sa'n ka ba galing?" Tanong ni Jeffrey kay Brix

"Umihi lang ako saglit" sagot niya

"Akala ko pinuntahanmo na 'yung "GIRLFRIEND" mo na si Pheobe ba yun?" Pagtatanong ni Jason habang gumagawa ng quote sign sa salitang girlfriend.

"Ano ba kayo, hindi no. Hindi ko nga 'yun mahal eh. Ginagamit ko lang siya para paglaruan." Tugon ni Brix

"Mamaya nga eh magkikita kami at makikipag break na ako sa kaniya." Dugtong niya

"Oh ang sakit naman niya pare" sagot ni Jeffrey

"Oh sige na maliligo lang muna ako."
Saad ni Brix.

Ayun at hindi ko namalayan, may tumutulo na palang mga luha sa mga mata ko.

Hindi ko naman ineexpect namahalin niya talaga ako eh dahil ang oangit-pangit ko nga at ang taba-taba pa pero 'yung paglaruan ako. Ang sakit no'n.

Hindi naman ako isang laro na pwede niyang paglaruan.

Tao rin naman akong nasasaktan. (credits to the song DOTA O AKO)

Wala akong nagawa at tumakbo nalang na sahalip ay pagsusuntukin siya at tadyakan.

Ganyan ako, mahina, lampa at walang kaya.

TAKBO.

TAKBO.

TAKBO.

'Yan lang ang nagawa ko.

Hindi ko namalayan eh napunta ako sa rooftop ng Engineering building.

Umiyak ako ng umiyak.

Inilabas ko lahat ng galit ko.

Sumigaw ako at nagwala.

Wala namang makakrinig sa akin dito.

Ito nga siguro ang itinadhana para sa akin.

'Yung paglaruan.

Hindi ko namalayan, nakatulog pala ako.

Pagkagising ko.

6 pm na pala.

Nakatayo ako ng wala sa oras.

Tiningnan ko yung cellphone ko kaso, na lowbat pala ako.

Kaya ayun nagmadali akong bumaba sa rooftop at pumunta sa room namin. Pagkarating ko doon eh wala na palang tao at wala na rin duon 'yung bag ko.

Pero may sticky note na nakalagay sa lamesa ko.

"Bebesh, dinala ko na lang bag mo.
Ba't hindi kita macontact. Sorry umuwi ako agad kasi may emergency sa house, sorry talaga bebesh. Love yah. Your gourgeous bestfriend, Cara Krishna Ortega

"Oh iba din 'to si bebesh, kinumpleto talaga ang pangalan niya at may kiss mark pang inilagay sa sticky note.

Ayun at lumabas na ako ng classroom, eh wala pala duon yung bag ko eh.

Naglakad na ako palabas ng may anino akong nakita sa isang room ng third year.

Pero hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Ayun at sumakay na ako ng jeep pauwi.

Love Basis: Finding Mr. RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon