Usapang LUGAW. Ayyy LIGAW pala

264 0 1
                                    

Paano nga ba nagsisimula ang isang relasyon kung hindi liligawan ni BOY si GIRL diba?  Syempre dito ang umpisa, pwera na lang kung bigla kayo naging MAG-ON sa ISANG KINDAT! Ibang usapan na ho iyon.

Naalala ko nung minsan naikwento ko sa friend ko (GUY) na may nanliligaw sa akin.

(A/N:  A stands for AKO and S stands for SIYA. Wag nyong lituhin ang sarili nyo. Kekekeke)

SCENARIO 1:

A: Uy nanliligaw si ANO ('Di ko na ikakabit ang name nung lalaki. Mahirap na. Hahahaha)

S: Oh? Anong sabi?

A: Sabi nya, MANLILIGAW nga daw sya. Bingi lang?

S: Tsk. Wag ka maniwala sa kanya, NILOLOKO ka lang nun.

A: We? Pa'no mo naman nalaman?

S: Syempre, 'NAGPAALAM PA SYA SAYO. PAPAYAGAN MO WARI? EH KUNG NAG-EFFOrT NA LANG SYA NA IPARAMDAM SA'YO NA MAY GUSTO SYA SA'YO EDI TAPOS?

A: Dami mong alam eh no. PA'NO KO MALALAMAN PAG GANO'N KUNG HINDI N'YA SASABIHIN DIBA? MALAY MO, PAG NAG-EFFORT LANG S'YA BAKA PAGKAMALAN PA 'KONG ASYUMERA.

S: Bahala ka loko.

(Totoong nangyari yan. Ajejeje. Nagawa ko lang i-example para bongga)

Point #1: Sabi nga nya, bakit mo ipapaalam sa babae na manliligaw ka kung totoo yun? Paano kung hindi ka pinayagan? Busted? Suko agad? 'Pag sumuko ka nga lalaki, hindi nga totoo na may gusto ka sa babae. Hindi mo naman kailangan pa magpaalam, OKAY NA YUNG IPARAMDAM MONG MAY GUSTO KA SA ISANG BABAE.

Point #2: Eh paano naman kung hindi mo nga sinabi, IPINARAMDAM mo lang kay babae. Eh si babae naman pala MANHID. 'Di wala ding kwenta? Nagsayang lang ng EFFORT si lalaki.

BOTTOMLINE: Hindi naman masama na sabihin mong MANLILIGAW ka sa babae. Pangit lang siguro yung TERM. May point si GUY may point din namin si GIRL. Maganda sigurong sabihin mo na MAY GUSTO KA SA KANYA tapos sabayan mo na rin ng EFFORT. 'Pag ayaw ni GIRL, isip na lang ng ibang way TO WIN HER HEART. Basta MAY TYAGA, MAY NILAGA! 'Pag ayaw pa din, eh aba IDAAN YAN SA SANTONG PASPASAN. Kidding! Wala namang nakukuhang BAGAY sa ISANG TRY lang. PINAGHIHIRAPAN yan at PAG HINDI MO PINAGHIRAPAN, PARANG BULA LANG YAN NA MAGLALAHO.

SCENARIO #2

Bakit kaya pag nanliligaw si lalaki, todo bigay. PAANDAR BROOM BROOM ika nga. Pero 'pag sila na ni babae, minsan nawawala na. Bakit kaya eh no. Hindi naman masamang mag-PAANDAR BROOM BROOM eh, basta ba 'pag kayo na ni babae, eh sana gano'n ka pa din. Hindi naman nasusukat lahat sa MATERYAL na BAGAY. Minsan AYOS ng NANDYAN ka lalaki para kay babae. Hindi mo naman kailangan dalhin sa MAMAHALING RESTAURANT, IBILI NG BRANDED na DAMIT, BILHAN NG BULALAK at TSOKOLATE, minsan nasa WAY 'yan kung PAANO mo IPAPARAMDAM na MAHALAGA sya sayo. Ang DAMIT naluluma, ang BULALAK nalalanta, ang TSOKOLATE natutunaw, pero yung MEMORIES nyong dalawa, hindi nawawala sa PUSO"T ISIPAN ng BAWAT ISA. Nakatatak yan. Kung hindi man kayo sa  HULI, may BABAUNIN naman kayong ALA-ALA.

(Little Elf: Nung una balak ko tong hindi hatiin as in per chapter. Pero naisip ko na i-categorize na lang para hindi magulo. Bandang dulo na yung halo-halo. So ganoon na lang. Bawat Chapter nakatitle para alam nyo na kung anong content nun. So yun. Thanks. :D)

LOVE: Syntax ErrorWhere stories live. Discover now