How to MOVE ON?

16 0 0
                                    

Paano nga ba mkapag- MOVE ON? Madaling sabihin na "Uyy, nakamove-on na ko." Pero totoo nga ba? Hindi ba 'to kathang-isip lamang? O guni-guni mo lang na nakamove-on ka na kahit ang totoo HINDI pa talaga. Sad no?


Paano nga ba?
#1. Acceptance.
Kailangang mong tanggapin na wala na kayo. Hindi masamang umasa pero masamang magpa-asa. Got the logic? Of course!

Kung alam mo naman sa sarili mong wala na talaga, tumigil ka na sa kakaasa. Kung nakikita mo na siyang MAS masaya na sa iba, tumigil ka na sa kaka-PANTASYA.

Oo mahirap tanggapin pero kailangan harapin. Mahirap lunukin pero kailangan sundin. Huwag mong ipakitang HINDI mo kaya, dahil KAYA mo. Hindi nga lang NGAYON pero SOMEDAY.

#2. Memories
Ang pinaka-torture sa lahat ng torture. Parang sirang plakang paulit-ulit na nagpeplay at mapapa-mura ka na lang dahil ayaw huminto. I feel you!

"Ang pagde-delete ba ng old photos at pagtatapon ng mga gamit na binigay nya ay makakatulong sa pagmu-move on?"

Somehow. I guess. OO, para mabawasan nga naman yung mga tinatago mong memeribilia with him/her when you were together. Para wala ng magpapa-alala sa 'yo na, "Eto binili namin nung 1st monthsary namin." "Ay eto yung picture para sa una naming date." Arg! Those freaking moments. Na kapag naalala mo na, tuloy-tuloy ng magpe-play, na kahit anong gawin mong paalala sa sarili mo na kalimutan eh wala pa din. It sucks! Ang malaking tanong, nakabawas nga ba?


#3. Signs
Sabi naman nila, "Kapag nabasa mo ulit yung mga old messages nyo, na-iscan mo na ulit yung mga pictures nyo at nailabas mo na yung mga gift nya sa iyo, tapos napa-NGITI ka. It's a GOOD SIGN." Good sign for what? GOOD SIGN na nagsisimula ka ng makapag MOVE ON. Ilang push na lang, mapasigaw ka na ng, "Finally, I moved on!"

Another sign. Kapag naisip mo yung mga (SORRY FOR THE WORDS. Pangungunahan ko na. ^^) katarantaduhan, kagaguhan, kabaliwan, katangahan, kaek-ekan mong pinagga-gawa nung kayo pa, mapahalakhak ka na lang at isang malaking, "KING INA! Ginawa ko pala yun nung kami pa!" I know. I know. I feel you!


Bottomline: Madali nga naman masabi ang MOVE ON na kahit 3-year old masasabi din yun. Ang mahirap lang ay yung PROCESS. Darating din tayo dyan, maghintay ka lang. Hindi naman minamadali ang lahat ng bagay. Hindi rin lahat ng nagsabi ng nakapagmove-on na sila ay TOTOO. Escaping from the reality ang tawag dun. Huwag ganun! Sinong niloko mo? Sila? Kami? Syempre, SARILI mo. Wala namang masama kung matagal ka magMOVE ON. Ano bang pakialan nila, eh hindi ka naman nila pinapalamon? Huwag mo silang intindihin. Intindihin mo yang PUSO MONG SUGATAN na daig pa ang sugat na nakuha mi nung nadapa ka. Pero ang pagkakapareho nila ay tatayo't tatayo ka kahit gaano pa ka-SAKIT. HUWAG HAYAANG MASAKTAN ng PANGALAWANG BESES sa iisang tao lang. Binabaril na sa Luneta ang mga MARTIR. I'm warning you! ^^

**
#LittleElf

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Mar 15, 2015 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

LOVE: Syntax ErrorOù les histoires vivent. Découvrez maintenant