"Greek god Apollo" pagtatype ko sa search bar ng Google.
Ewan ko ba kung bakit sya pa ang napunta at nabunot ko na gagawan ng research paper. Siguro sinadya nya to. Nakakainis.
Nang makuha ko na ang lahat ng kailangan ko na detalye tungkol sa aking research paper, in-off ko na laptop ko.
"Oy Matty! Musta project mo?" napalingon ako sa taong nagsalita.
"Di pa ako nakakapagsimula eh. Baka mamayang gabi pa ako magri-research." pagsisinungaling ko.
"Sabay mo naman ako! Si greek goddess Aph--"
"Ayoko." mariing pagpuputol ko sa pagsasalita nya.
"Damot mo naman Matty eh. Sige na. Tinatamad ako eh." muli nyang pagpipilit sa akin.
Tiningnan ko sya sa mata. Kulay brown na mala-kahoy ang kanyang mata.
"Oh? Bat ganyan ka makatingin?" tanong nya.
I blinked.
"Kahit gawan kita, babagsak ka pa din sa subject na to." saad ko sa kanya habang inaayos ko ang mga gamit ko.
Nagulat sya. In fact, kinabahan. Hindi naman sa judgemental akong tao. Pero her future in this subject happened right before my eyes, when I blinked.
Babagsak sya. How did I know?
Kahit ako rin, hindi ko maintindihan kung papaano.
Nang makauwi ako ng dorm kinagabihan, I decided to read what I have researched.
"Apollo is the son of Zeus and Leto, the twin brother of Artemis. He was the god of music, the Archer, god of healing, god of light, god of truth and the god of prophecies." napahinto ako.
"Daming namang alam nito. Paano ko naman kaya to i-didiscuss? Tss." pagsasalita ko.
"Ingay mo brad." biglang sabat sa akin ng roommate ko na si Kael.
"La kang pake Kael." sagot ko sa kanya.
Patuloy ko pa ding binasa nang tahimik ang mga naresearch ko tungkol kay Greek god Apollo.
Nakakabore basahin. Why am I even bothering? Alam ko na karamihan dito eh. Nakwento na to sa akin ni mama, nung buhay pa sya.
Mom used to be fond of myths, especially the Greek mythology. Noong una, naiinis ako kasi every time na matutulog ako noong bata ako at magpapakwento, yung mga adventures ni Apollo ang ikukwento nya. Kaya yun, parang nasaulo ko na din.
There was something in my mom's eyes while she was telling me those stories.
I slept with the thoughts of my mom telling me those stories, again.
***
Kung gaano kabitter-sweet ang mga nasa isipan ko bago ako matulog, ganoon naman kasama ang panaginip ko.
"Matteo.." pagtawag sa akin ng isang boses. I was in a dark room. Dark enough na parang wala na akong maramdaman.
"Sino ka?" sagot ko pero wala akong makita sa aking paglingon sa lahat ng direksyon na alam kong pointless kasi wala nga akong makita.
"Love does not equate to hate,
For it will never bring you fate,
Let forgiveness reign in you,
And you'll find what you need to." pagsasalitang muli ng boses."Even dared to talk to me after leaving us? Kapal din ng mukha mo no?" malamig kong tugon.
Hindi ko na pala kailangang alamin kung sino sya. Wala na akong balak.
Then biglang lumiwanag. Sobrang liwanag na akala ko ikakabulag ko.
At saka na ako nagising. Sunlight struck my face mula sa bintana ng kwarto ko.
"Really?" inis kong pagsasalita saka bumangon na.
Matapos ko mag-ayos ng sarili, hindi ko pa din maalis sa isipan ang panaginip ko.
"Love does not equate to hate,
For it will never bring you fate,
Let forgiveness reign in you,
And you'll find what you need to."Am I supposed to figure out that again? Bakit kasi palaging through poetry ang sasabihin nya? It isn't even helpful.
Napabuntong hininga na lang ako habang nakaharap sa salamin. Saka na nag-ayos para pumuntang school.
"Very interesting research paper Matt. Ngayon lang ako nakatanggap ng research paper na ginawa in a poetic manner." tugon sa akin ng professor ko nang maipasa ko ang aking research paper.
"Thanks?" sagot ko pabalik.
"Well, I hope this saves you in my subject. You may go."
Nasa may pinto na ako ng faculty room nang tinawag ako ulit ni sir.
"And Matt, kindly tell Sofia to go here. I have some bad news for her."
Pagbalik ko ng classroom eh agad ko namang sinabihan si Sofia.
That moment, I knew na bagsak sya.
WHAT A SEM ENDER INDEED.
Makapag-mall nga.
Pagdating kong mall, dumiretso ako ng bookstore. I picked up a certain book.
"Bibili ka po sir? Magandang book yan sir. You can read that with me at my house if you want to." she is flirting with me.
I looked at her eyes.
"Matatanggal ka sa trabaho mo, in a few minutes, kung hindi mo aayusin ang trabaho mo, miss." tugon ko sa kanya without even blinking.
Natakot, umalis sya at nag-ayos ng mga libro sa shelves.
"That is not how you treat girls, Matteo." biglang may nagsalita mula sa likod ko.
I turned around and saw her.

BINABASA MO ANG
A Demigod's Curse
Fanfiction"Love does not equate to hate, For it will never bring you fate, Let forgiveness reign in you, And you'll find what you need to."