The Song

18 0 0
                                    

Two weeks passed and pasukan na naman. Wala akong naaninag na anino ni Shane after ng pagpunta nya sa dorm ko and that gave me a peaceful vacation.

"Happy 31st Founding Anniversary!"

Nagsimula nang magsilabasan sa auditorium ang mga estudyante. Naglakad na din ako nang harangin ako ng isang professor.

"We would be glad to have you as the department's representative again this year for the singing competition, Matt." pagbati nya sa akin.

"Pero ma'm, I'm not good at singing." pagtatanggi ko.

"Oh yes you are! You made the crowd bawl their eyes out last year including me! Please consider Matt. Please." totoo yun. Pero the sad thing is I walked out of the stage bago ko pa matapos ang kanta kasi natakot ako sa reaksyon ng mga tao.

"P-pero ma'm.."

"I will take that as a yes." she said saka umalis.

Well, part of me wants to sing again pero natatakot ako na maulit yung nangyari.

Hindi naman talaga dapat ako kasali noong nakaraang taon. Hindi ko rin sadyang ipaalam na kumakanta ako. Of course, being a demigod with the blood of the god of music, given na yun. Pero, as much as I wanted to hide it, may nakaalam pa din.

*flashback*

"Ikaw ha! Maganda pala boses mo! Bat ngayon ko lang nalaman to? Napaka-sorrowful ng boses mo lalo na dun sa isa--"

"What the? Anong sinasabi mo? Hindi ako kumakanta no. Baliw." nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Oh no don't lie to me Matt. I listened to your Souncloud account. Hehehe" nakangisi nyang sagot sa akin

What the eff?! How did she?

"Nakialam ka sa laptop ko?! Bakit?!" sigaw ko sa kanya.

"Chill, pinahiram mo kaya ano? At saka di ka nagsara ng tabs sa browser? Who's fault is it now?" pagrarason naman nya.

"Kahit na!! Nakialam ka pa din! Those were my private stuff!" nanggigigil kong bulyaw sa kanya.

"Okay. Fine. Sorry. Hehehe" saad nya.

"Damn it!"

*end of flashback*

Doon na nalaman ng buong Arts department na marunong ako kumanta. Thanks to Sofia. Siya ang nagsabi sa department officers noong assembly last year. Doon na din ako napasabak kumanta for the first time in my existense sa harap ng maraming tao.

Kung akala nyo, para sa isang first timer, eh naging maganda ang kinalabasan? It wasn't. It was awful. Humiliating.

Ewan ko ba, kumakanta lang naman ako nang mapansin kong nag-iiyakan na ang audience. I thought they were crying kasi ang pangit ng boses ko. Kaya bumaba ako ng stage at tumakbo papalabas ng auditorium. The least thing someone will do, right?

Hiyang hiya ako noon na nagawa kong hindi pumasok the rest of the culminating days ng founding anniversary ng skwelahan. Wala din naman kasing pasok nun.

Yung isang kaklase ko lang ang nakapagsabi sa akin na ako daw sana yung panalo if hindi daw ako umalis at tinapos yung kanta. Kaya daw nag-iyakan yung audience kasi napaka-moving daw nung pagkakakanta ko.

Isa pang rason kung bakit ako tumakbo paalis noon is ayokong nakakakita ng mga umiiyak. I hate seeing someone cry. Lalo kong naaalala si mama. The way she cried and screamed for help nang hindi na nya makayanan ang sakit nya. I called for him. I begged for him to heal her. But I got nothing. Mom died in pain. Napakasakit. And until now, dala ko pa din ang galit na yun.

***

"Narinig ko ikaw daw representative ng Arts department ha, Matteo?"

"Tsismosa ka na din?" tugon ko kay Shane.

"Nah. I'm just excited for you. Ipanalo mo ha? I'll treat you if you win. Anything, anywhere."

"Loko-loko ka talaga. Tara nga kain tayo sa canteen. Gutom na ako." pag-aaya ko sa kanya.

Buti na lang at walang masyadong tao.

"Ano kakantahin mo?" pagtatanong ni Shane. "Ay wag mo na lang sabihin, surprise me. Hahaha."

"Tss. Whatever."

Kaunting minuto pa ang nilagi namin sa canteen nang nagpasya na kaming tumungo sa Arts auditorium. Dito gaganapin yung singing competition na sinalihan ko.

Nakapag-ayos na din ako ng sarili ko at pumunta na ako sa backstage.

"Hay salamat! Akala ko hindi ka darating Matt! Kanina pa ako naghihintay sayo dito." nagpupunas ng pawis na saad sakin ni Madam na kumuha sa akin na representative.

"Sensya na ho ma'm. Napasarap lang ang kain sa canteen." rason ko naman. "Mag-sstart na po ba? Pang-ilan po ako sa contestants?"

"You're on sixth." tugon nya sa akin.

Great. I hate that number.

And it was my time to sing. Kinakabahan ako real-time. Pinagpapawisan na kamay ko. Hope this turns out to be not so bad.

I heard screams and cheers nang makaakyat na ako sa stage. Karamihan mula sa mga ka-department ko.

"Uhm, hi. I'm Matt." pagsasalita ko sa mic. There was an eerie silence. Saka nagsimula nang tumugtog ang pyesa ko at nagsimula na akong kumanta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Demigod's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon