"Kuwawa naman yung mga tao sa loob ng joby. Maamoy nila yung kamandag mong utot." Sabi ko ng tawa ng tawa
"Sus, kunyare ka pa gustong-gusto mo nga yung 'kamandag' kong utot" Jacob said while moving his eyebrows up and down
Hinawakan ko ang kanyang mukha at sinabing "Kumakapal na yung mukha mo ah, sino naman ang gustong amoyin ang utot na mas mabaho pa sa kanal, ha aber?"
Tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa mukha niya at sinabing "Edi ikaw!"
Kapal ng mukha mong bakla ka!
Kinuha niya ang bag ko at may hinahanap sa loob.
Ang sweet naman nito bibit-bitin ang bag ko
"Salamat ah, kanina pa ako nabibigatan diyan sa bag ko eh" sabi ko. Tumalikod na ako sakanya at patuloy na naglakad nang pangiti-ngiti.
Sweet mo best, pogi points!
Naglalakad ako na may malapad na ngiti ng biglang may bumato saakin at sumapol pa sa ulo ko! Yung mukha ko biglang sumimangot at humarap sa taong nanira ng ngiti ko.
"HEAD SHOT!" Sigaw ng lalaking dahilan ng ngiti at dahilan ng simangot ko ngayon, Si Jacob a.k.a Bakla
"Bakit ka ba nagbabato bakla?!" Galit kong tanong. Napakahawak ako sa ulo ko, ang sakit ng pagkabato. May matigas pa naman dun sa bag ko, Putek lagot ka saakin Bakla ka.
"Naiwan mo yung bag mo saakin oh! ano yan bubuhatin ko? Belat!" Sabi niya at dumila pa talaga
"Hindi ko yan iniwan! Kinuha mo saakin kasi bubuhatin mo diba?!" Sabi ko ng nakahawak pa rin sa masakit na parte ng ulo ko.
"Anong bubuhatin? Kinuha ko lang yung pabango mo at nagpabango ako lalo, yung utot ko kasi nakulangan sa 'bango' "
"Kakaiba ka. Yung utot mo mabango? at nahiya ka pa nakulangan talaga?" Sabi ko at kinuha ang bag ko sa sahig ng nakasimangot. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng hindi siya pinapansin. Ang sakit-sakit sa ulo eh
Narinig ko ang mga yapak niya at alam kong hinahabol niya ako
"Eto naman, sorry na. Masakit ba? Saan masakit?" Tanong ni Jacob ng nakarating sa tabi ko na may lungkot at pag aalala.
kinapa-kapa niya yung likod ng ulo ko at hinahanap kung saan ang masakit
"ARAY! Nahawakan mo. Ang sakit" sabi ko nang nakasimangot ang mukha
"Sorry na, hindi ko na uulitin. Ipag sha-shopping nalang kita" Jacob said with a slight smile
Akala mo naman madadaanan mo ako sa libre-libre? hindi ako tulad ng iba noh!
Tahimik lang ako at hindi sumagot. Umupo ako sa upuan malapit sa Cyberzone at sumunod naman si bakla
"Sayang sa paborito mo pa naman tayo magsha-shopping--"
Hinding hindi mo talaga ako madadaanan sa ganyan-ganyan. Hindi ako easy to get no!
"Kahit saan hindi ako papayag, I'm not easy to ge--" pag putol ko
"Sa Forever21" pagpatuloy niya sa sinabi niya
Bigla akong tumayo at naglakad papuntang escalator
"Oy san ka pupunta?" Habol na tanong ni Jacob
"Pupunta sa Forever21, dito ang daan! Dali! Ang bagal-bagal mong bakla ka"
"Akala ko ba ayaw mo ha?" Tanong ni Jacob na nakangiti
"May sinabi ba ako? Bilisan mo na nga! Ang dami-daming magaganda doon. Nakakaexcite naman!"
"Diba masakit pa yung ulo mo? Baka lalo pa iyan sumakit, umupo nalang tayo" Sabi niya na nakangiti pa rin
"Ha? ano.. uhm.. Hindi na masakit. Biglang nawala" Pagdadahilan ko at sumakay na sa escalator
Sumakay na rin si Jacob sa escalator at tumabi saakin. Bigla niyang hinawakan yung parteng masakit sa ulo ko
"ARAY--"
"Oh Alexis? Akala ko ba di na masakit?" Tanong niya na may pangaasar
"ARAY! Nakagat ako ng langgam kasi, di pa tapos eh" Pagdadahilan ko at hinawakan ko ang batok ko na kunyare nakagat
Lagot ka talaga saakin, dadamihan ko ang pagbili ng mga damit!
"Aaaah, tara na Alexis Jane Ramos na 'I am not easy to get' " Panggagaya niya sa sinabi ko kanina at tumawa nanaman
Humanda ka talaga
BINABASA MO ANG
Hindi ko kinaya
Teen FictionYou will never know what you want if you will not accept it.