"Ano gusto mo?" Tanong niya
"Gusto ko ng big burger steak na may french fries!"
"Ayun lang? Wala ka ng idadagdag?" Tanong niya
"French fries large and palabok! Yung drinks ko ay Ice tea ah."
"Napakatakaw hindi naman tumataba" bulong niya
Bulong bulong ka pa diyang bakla ka akala mo naman di ko narinig.
"Ano sabi mo?" Tanong ko na may ngiting peke
"Wala, sige pipila na ako" ngumiti muna siya bago pumila
Nandito kami sa Jollibee. Paborito ko kasi ang joby kahit malaki na ako. Hindi kasi nakakasawa at syempre libre nung bakla!
Si Jacob hindi naman talaga siya bakla. Ang pogi niya sobra! Pwede siya mag artista sa mukhang yan. Naka V-neck na black, pants na white at brown na shoes.
Yung mukha niya parang anghel. Yung kulay ng balat niya ay moreno at bagay na bagay sakanya. Ang hahaba ng pilik mata niya, mapula ang labi, matangos ang ilong, at ang mata niya! Ang sarap titigan hindi nakakaadik--
"Aish! Ano ba itong iniisip ko. Kaderder eew" sabi ko habang hinahampas ang pisngi ko.
"Anong ginagawa mo Alex na panget?" Tanong niya ng nakangisi
"Wala! Ang tagal kasi ng pagkain! Akin na nga!" Sabi ko at kinuha ang mga pagkain kong masasarap "Salamat sa libre ah, mas masarap talaga pag libre"
"Tsss, ngayon lang yan kasi late ako"
"Ah! Bakit ka nga pala late?" Tanong ko habang sumusubo ng kanin at burger steak
"Mahabang storya" sabi niya habang kinakain ang inorder niyang spaghetti
"Kwento mo na dali, mahaba pa naman ang oras natin oh" sabi ko ng hinahalo-halo na ang palabok
"Hindi ka pa nga tapos sa burger steak mo kinakain mo na yung palabok mo!"
"Pake mo ba!" Sigaw ko na may palabok pa sa bunganga. "Masarap pag dala-dalawa no"
"Hays, ganyan ka naman mahilig sa dalawa. Parang pagibig lang, meron ka na nga, naghahanap ka pa ng iba" sabi niya
"Nilalayo mo ang usapan bakit ka nga late? May pa hugot-hugot ka pa diyan" sabi ko habang tumatawa
"Mahaba ngang storya"
"Dali na!"
"Aish, kasi nga. Makinig ka mabuti ah"
"Oo dali! Ano yun?"
"Lapit ka dito. Bubulong ko sayo"
Nilapit ko sakanya ang tenga ko atsaka siya bumulong
"Kahshi halit ahu hisig"
"Ha? Ang hina! Lakasan mo!" At mas lalo ko pang nilapit ang tenga ko
"Kasi nalate ako ng gising" sabi niya na pangiti-ngiti pa
Nilayo ko kaagad ang aking tenga at syaka inisip ang sinabi niya
"Potakte naman! Napakahaba naman ng storya mo!" Naiinis ako na ewan na ngumingiti
Ayan nanaman ang tawa niya, lalo siyang gumagwapo
"Kanina ko pa napapansin yang buhok mo ang gulo-gulo na. Takbo pa more" sabi niya ng nakangiti. Tumayo siya at kinuha ang tali sa kamay ko atsaka tinali saaking buhok
"Ang galing mo talaga mag ayos ng buhok bakla." Sabi ko pagkatapos niya ako talian
"Aah. Kasi nga diba may kapatid akong babae. Ako na nagtatali sakanya tuwing papasok siya" paliwanag niya "Oy! Lagi mo ako tinatawag na bakla. Etong mukhang to bakla?"
"Bakit? Ano ba meron sa mukha mo?" Tanong ko habang tinitignan ang mukha niya at hinahawakan ang mukha niya.
"Potek! Buksan mo mga mata mo! Eto oh ang gwapo-gwapo ko"
"Ah wait may hahanapin lang ako" sabi ko nang tinitignan ang ilalim ng lamesa
"Ano hinahanap mo?" Tanong ni Jacob
"Hinahanap ko yung pake ko. Biglang nawala eh" pangaasar ko
"Loko ka talaga no? Best friend talaga kita. Wait, Naisip ko na bagay tayo." Sabi ni bakla
Napahinto ako sa pag inom ng ice tea sa sinabi niya. I don't know why but I can feel that my cheeks became red
"A..a.. Haaaano?" Gulat na tanong ko at di makatingin sakanya
"Oo, bagay tayo. The handsome and the beast" He said and laugh so hard that he can't even breath
Pagkarinig na pagkarinig ko sa sinabi niya. Bigla akong nainis at kinotongan siya ng marami.
"Oh? Bakit mo ko kinotongan?" He said while smiling
"Ano. Kasi ano. Ang pangit mo!" I said
Then he laugh again
Tumahimik na ako at kain lang ng kain.
"Bilisan mo na diyan at magsha-shopping pa tayo" sinabi niya "Akin na nga tulungan na kita sa pagkain" kinuha niya ang fries at natitira kong palabok
"May sasabihin ako sa'yo ah wag kang maingay." Sabi niya ng lumapit saakin
"Oh?"
"Sungit naman"
"Ano nga sasabihin mo?"
"Uu...uu...uuto..uutot ako! Nararamdaman ko na kaya alam mo na kung ano gagawin mo ah." Sabi niya na parang pinipigilan
"Pfffffft. Oo alam ko na, dating gawi." Sabi ko na tawang-tawa
"Poot pooooot POOOOOOT"
"Caugh! Caugh! CAUGH!"Sabay kaming tumingin sa kanan, kaliwa, likod at harap kung may nakapansin. Pero wala naman kaya
"SUCCESS!"
"SUCCESS!" Sabay namin nasabi"Pero kadiri ka nasa joby tayo oh!" Sabi ko na may mukhang pandidiri pero napapatawa pa rin.
"Naamoy ko na. Tara labas na tayo!" Sabi ni Jacob at syaka kami lumabas sa masamang hangin.
BINABASA MO ANG
Hindi ko kinaya
Teen FictionYou will never know what you want if you will not accept it.