"Napakatagal naman ng tukmol na 'yon! Tama bang paghintayin niya ako ng kalahating oras? Susuntukin talaga kita pag nakita ko 'yang mukha mo!" I said angrily
May nakita akong tumakbo pero di ko nakita masyado 'yung mukha, ang bilis kasi kaya di ko nalang pinansin kakaisip sa tukmol kong kaibigan na pangit, bakla, maitim, mataba at pinipig!
I am Alexis Jane Ramos, 2nd year college sa FEU Manila. Tourism ang kinukuha kong course. Maraming nagsasabing madali lang daw ang tourism puro paganda at papogi lang pero para saakin mahirap rin at tsaka wala namang madaling course, lahat mahirap.
Palakad-lakad ako dito sa harap ng SM North at kanina ko pa kausap ang aking sarili na halos lahat ng taong dumadaan sa harap ko ay tinitignan ako. Kanina ko pa hinihintay ang aking best friend na ang kapal ng mukhang paghintayin ako. Pasalamat siya mahal ko siya. Nakasimangot akong patingin-tingin sa paligid hanggang sa tumunog ang aking phone.
Galit kong kinuha ang aking phone at mas lalo akong nainis ng makita ko kung sino ang tumatawag.
Bakla Calling...
Kaagad-agad kong pinindot ang accept button ng pagkadiin-diin at sana madama niya!
"Pangit na bakla nasaan kana?! Humanda talaga 'yang mukha mo gagawin ko 'yang pinipig! pagtutusok-tusukin ko iyan!"
"Wow best, hindi ka man lang nagalala saaakin. Hindi mo man lang naisip kung okay lang ba ako? may nangrape ba saakin? Buhay pa ba ako?" He said
"Ah sorry best. Buhay ka pa ba?"
"Okay lang best. Buhay pa ako at makinis pa ang mukha."
"Buti naman at buhay ka pa." I said calmly "PAGDATING MO KASI DITO PATAY KANA!" and shout
"Eto talaga si best mahilig magbiro" I heard him laugh "Nandito na ako kanina pa sa SM North about 10 mins ago. Nakita na nga kita at nilapitan eh."
"Ha? Kanina ka pa dito? Bat Hindi mo ako nilapitan! Nasan kanang bakla ka!"
"Naghahanap pa ako ng pantakip sa mukha!"
"At bakit? Sanay na ako sa kapangitan mo at hindi na ako matatakot sa mukha mo."
"Anong panget pinagsasabi mo? Gwapo itong best mo. Narinig kasi kita kanina--"
"Oh? ano sabi ko?"
"Ang sabi mo susuntukin mo ako sa mukha pag nakita mo yung mukha ko." Sabi niya na may malungkot na tono.
Eto talaga mahilig magpaawa hindi naman bagay sakanya... Pero ang cute
"Lumabas kana. Wag kana maghanap ng pantakip sa mukha. Hindi na kita susuntukin." I said while laughing
Yung lalaking kausap ko sa phone, he is John Jacob Ramirez kaibigan ko na siya simula pagkabata. HRM naman ang kinukuha niyang course, second year rin sa FEU Manila.
Patingin-tingin ako sa paligid pero wala naman siya.
"Nasan kana?" Sabi ko
"Nakikita ko na yung mukha mong pangit, iend call mo na" He said while laughing
Binaba ko na ang tawag at pag tingin ko sa harap nakita ko na siya. Hindi naman totoong pangit siya, kabaliktaran lahat ng sinabi ko. Para siyang artista kulang nalang kapartner niya--"
"Oh, bakit ka nakangiti dyan? Crush mo ko no?"
"Ako? As in ako talaga? Akong ako?"
"Oo ikaw! Ngiti mo abot tenga o, pumapalakpak pa yang tenga mo." He said while laughing, he really loves to joke around.
"Ang galing naman yung tenga ko pumapalakpak Ha-Ha-Ha."
"Umamin kana kasi" sabi niya na nakangiti.
"Sige aamin na ako"
Nakita ko yung expression ng mukha niya parang nagulat.
"Sa totoo lang best di kita type. Hindi ako pumapatol sa bakla eh!" Sabi ko habang tumatawa at tumakbo papasok sa enrance ng mall.
"HUMANDA KANG PANOT KA!"
BINABASA MO ANG
Hindi ko kinaya
Teen FictionYou will never know what you want if you will not accept it.