Chapter 5
Mina's POV
Hindi ko talaga inaasahan ang pagbabalik ni Shawn dito sa Pilipinas. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. His more attractive now than he is when I last saw him. He carry this kind of attraction that can make every woman's heart melts. He stand with authority. Nang makita ko ito sa T.V hindi ko maiwasan ang matuwa at lalong lalo na ang pagtibok ng puso ko para dito.
Nasa T.V palang ito paano pa kaya kung makita ko ito sa personal. Siguro hanggang pangarap ko na lang ito na makita in personal. Mahirap na itong maabot at saka hindi niya na rin siguro ako makikilala dahil matagal na rin kaming hindi nagkita.
Just thinking of the thoughts seeing him in personal makes my heart thump a little beat.
Napangiti na lang ako sa mga pinag-iisip ko.
"Hoy! Mina ano tulog ka na? May pangiti-ngiti ka pa." Iritang tanong sa akin ni Joyce.
Isa din si Joyce na naging ka-close at kaibigan ko sa school na pinapasukan ko.
Medyo nawala yung pag-iisip ko sa mga imposibleng pangarap ko.
Tinignan ko ito at binigyan nang simpleng ngiti. "Nakadilat yung mata ko masasabi mo bang tulog ako." Mahinahong sagot ko rito.
Inirapan lang ako nito. Minsan talaga madaling mapikon ito si Joyce.
"Sasama ka ba sa amin sumakay sa Viking?" Napalingon ako kay Kristin nang tanungin ako nito.
Itinuro nito ang isang napakalaking barko na nasa harap namin pinagmasdan ko ang mga taong nakasakay dito sumisigaw ang mga nakasakay dito habang pataas ng pataas ang pag-swing nang malaking barko.Kung tutuusin hindi ko kayang sumakay sa ganyang mga rides. Baka nga hindi pa nagsisimula ay nahimatay na ako sa sobrang takot.
Lumingon uli ako kay Kristin, nakatingin ito sa akin at hinihintay ang sagot ko.
Umiling ako. "Ayoko dito na lang ako panonoorin ko na lang kayo."
"Ano ba iyan ang KJ mo Mina sasakay ka lang diyan. Hindi mo naman siguro ikamamatay sumak---Aray!" Napahiyaw sa sakit si Joyce napahawak siya sa ulo niya kung saan siya binatukan ni Kristin.Medyo natawa ako sa ginawa ni Kristin kay Joyce. Minsan kahit mahirap makalimot sa mga pangyayari noon pinilit ko pa ring bumangon. Buti na lang at nandiyan silang dalawa para ibalik ang saya at ngiti sa labi ko.
Nagpapasalamat ako at nakilala ko sila nandiyan sila para ma-fill up uli ang kasiyahan at pagmamahal sa puso ko. Pero parang kulang pa rin, parang may hinahanap pa ako. Kung baga sa isang bottle ay kalahati pa lang ang laman nito pero hindi ko makapa sa isip ko kung ano ang aking hinahanap at ano ang kulang."Pabayaan mo na si Mina."sabi ni Kristin.
Hinila niya na si Joyce papunta sa booth para magbayad ng ticket nilang dalawa. Huminto na ang Viking at nagsibabaan na yung mga nakasakay kanina.
Nang makabili sila ng ticket ay pumila na ang mga ito at isa-isa nilang ibinigay sa lalaki na nasa entrance yung ticket nila.Nang makasakay na ang mga ito ay kumaway ako sa kanila at kumaway naman sila pabalik.
Wala akong balak na panoorin sila habang ako nandito at nag-iisa na pinapanood sila.Susubukan ko munang maglakad-lakad saka na lang ako babalik kapag tapos na yung rides na sinasakyan nila. Pinagmasdan ko ang kabuuan nang Carnival medyo may kalakihan din ang sakop na lugar nito maraming rides na pwedeng sakyan. Sa likod nang Carnival ay matatagpuan mo ang Nightmarket. Nilibot ko ang paningin ko makikita mo ang mga masasayang pamilya na magkakasama habang binabantayan ang mga anak nito na sumasakay sa mga pambatang rides. May mga studyante at magkakaibigan na masayang nagtatawanan. Malungkot na napangiti ako pilit na iwinawaksi sa isipan ang bumabalik na ala-ala.
Meron din akong nadadaan na mga couples. Medyo nainggit ako dahil buti pa sila nakaranas na nang lovelife habang teenager pa.
Nababalot din nang malalakas na tugtog ng music at sigawan ng mga tao ang Carnival halos pati puso ko ay sumasabay na rin sa bawat pag-beat ng music.
Napahinto ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ng pantalon na suot ko. Kinuha ko ito. May isa akong na-receive na message na galing kay Kristin.
Binuksan ko yung message.
'Saan ka na? tapos na yung rides namin sa Viking hihintayin ka namin. Nandito kami sa booth ng rollercoaster. Punta ka na lang dito ha.'
Hindi ko na na-replayan ito dahil wala akong load. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko habang nakatutok ang aking mga mata sa screen nang phone ko.
Ngunit hindi ko napansin na may tao pala akong makakasalubong kaya nabangga ko ito at nabitawan ko ang phone ko kaya nalaglag ito sa sahig. Akala ko noong una ay poste nang ilaw yung nabangga ko dahil ang tigas halos mabali siguro yung buto ng ilong ko. Naging masyadong assuming ako dahil bumagsak din ito.
Naramdaman ko ang impact nang pagbagsak namin sa sahig. Nakapikit ako habang nakatukod ang dalawa kong kamay sa dibdib nitong kasabay kong mahulog. Tumingala ako at nakita kong isang mascot na bear na nagtitinda ng balloons ang nakabunggo ko. I felt it's hands wrap around my waist. Nasa ibabaw ako nito samantalang ito naman ay nasa ilalim ko.
Hindi ko mapaliwanag pero bigla na lang akong napatitig sa malaking mata nang bear mascot na ito. Sa pagkakataon na ito naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko mapigilan ang mapa-hinga nang malalim dahil piling ko mawawalan na ako ng hininga. Iniwas ko na lang ang pagtitig dito.
'Huwag mo sabihin Mina na nai-inlove ka sa bear mascot na iyan'
Napailing na lang ako.Mas ikinabigla ko ang sumunod na ginawa nito he started stroking my hair na tila ba parang kilala ako nito. Doon ko lang napansin na marami na palang taong dumadaan ang napapatingin dahil sa posisyon namin ngayon. Medyo nahiya ako kaya ako na mismo ang unang umalis sa ibabaw nito at ganoon din ang ginawa nito.
Pinagpag ko na muna ang damit ko bago magsimulang maglakad papunta sa sinabing lugar ni Kristin sa message. Hindi pa ako nakakalayo nang tawagin ako ng naka-bear mascot. Huminto ako at humarap dito.
"Miss you forgot your phone." Itinaas nito ang phone ko. Kahit natatakpan ng mask ng bear ang mukha nito para bang pamilyar sa akin yung boses nito.
'Ano ba iyan naga-assume na naman ako eh stop assuming things that is imposibble to happen Mina.'
Mabilis ko itong nilapitan saka ko hinablot ang phone ko dito.
I mumbled a 'Thank You'.I was about to turn around and leave but he said something that made me stop and made my eyes widen in surprise.
"Nice meeting you again Mina."
BINABASA MO ANG
Memories With My Bestfriend
Teen FictionEvery memories leaves a painful mark that everyone can't forget. It includes happiness and sadness. Everytime we notice, it'll start to heal. Half of the people leave and forget what had happened but most of the time people choose to embrace and sta...