3rd Person's POV
''Ang pagkakaibigan natin ay parang musika ikaw ang tono at ako ang liriko. Ang samahan natin ay parang bato na ganoon katibay tulad ng ating pagkakaibigan at tayong dalawa ay parang magnet na hindi mapaghihiwalay pero ang nais ko lang sabihin ay...Sana ikaw at ako ay mananatiling matalik na magkaibigan.'' paulit-ulit na pumapasok sa isip ng dalaga ang mga katagang iyon.
''Matagal-tagal na rin akong hindi nakakadalaw sa'yo pasensya ka na marami kasi akong ginagawa sa eskwelahan.'' tinanggal ng dalaga ang mga lantay na dahon at pinagpag niya ang mga buhangin na nakaharang sa harap nito at nag-tirik na ng kandila at inilapag ang paboritong bulaklak ng kaibigan niya sa harap nito.
''Natatandaan mo pa ba yung madalas nating puntahan na dagat sa likod ng bahay namin.'' biglang napatawa ang dalaga nang maalala niya ang mga pangyayaring noong sila'y nasa dagat.
FLASHBACK
Malakas ang hangin na nakikisabay sa lakas ng alon ng dagat at papalubog na araw. May dalawang dalaga ang nakaupo sa pampang ng dagat.
''Sabi nila kapag kasama mo daw ang taong sa paningin mo ay totoo sa'yo sa ilalim ng sunset pwede daw kayo mag-wish at magkakatotoo daw ito.''
''Naniniwala ka ba doon?''
''Oo naman! Ikaw kasi ang kasama ko.'' kasabay ng pag-sabi ng dalaga ang pagpikit ng mga mata niya at dinama ang simoy ng hangin.
''Nag-wish ka ba?''
''Oo.'' at minulat nang dalaga ang kanyang mga mata.
''At ano ang wi-nish mo?''
''Na sana ikaw Mina 'wag ka ng maging masyadong seryoso nagmumukha ka kasing matanda.''sabi nito at tumakbo-takbo dahil hinahabol siya ng kanyang kaibigan pero hindi mawawala ang mga ngiti at tawanan sa kanilang mga labi.
''Ang sama mo! Di mo ba alam nag-wish din ako.''
''At ano naman iyon?''
"Na sana ikaw Shan mabawasbawasan ang pagka-overeacting mo.'' Sabay tawa ng dalawang dalagang magkaibigan.
Ang pagkakaibigan nila ay laging nadadaan sa lokohan pero kahit ganoon ay mahal na mahal nila ang isa't isa.
END OF FLASHBACK
"Paalam na muna shan huwag kang mag-alala dadalaw ulit ako." Pagkatapos sabihin iyon ng dalaga ay nagsimula na siyang maglakad palayo.
BINABASA MO ANG
Memories With My Bestfriend
Teen FictionEvery memories leaves a painful mark that everyone can't forget. It includes happiness and sadness. Everytime we notice, it'll start to heal. Half of the people leave and forget what had happened but most of the time people choose to embrace and sta...