Chapter 6

94 29 18
                                    

Chapter 6

Mina's POV

"Nice meeting you again Mina." The Bear Mascot said softly. His voice is so deep dahilan para magsitayuan ang balahibo ko sa batok.

Hindi ko ito kilala pero paano niya ako nakilala? Paano niya nalaman ang pangalan ko? I didn't even know who is this bear mascot guy talking to me. But behind that mascot I know that it's a guy who is wearing it.

Isang tao lang ang sumagi sa isip ko but I shook the thought out of my mind. Napaka-imposible na siya ang nasa loob niyang mascot.

Nilingon ko ito na nakakunot ang aking noo. I was about to speak when this guy suddenly grab my wrist and we started walking the opposite direction. Nagulat ako sa ginawa nito kaya pilit kong inaalis ang kaliwang kamay ko na hawak-hawak nito."Paki-bitawan naman po yung kamay ko." Pero kahit anong gawin ko hindi ko mabawi ang kamay ko kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod na lang dito.

No choice! Hindi naman kasi mapagkakaila na malakas ito dahil na rin sa build nang katawan nito kesa naman sa katawan kong pagkapayat-payat kaya wala akong laban dito.

Nagtaka ako dahil palabas na kami ng exit ng Carnival. Tumingin ako dito "Teka! Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko dito pero no response.

Medyo naiilang ako dahil napapatingin sa amin ang bawat taong nadadaanan namin.

Maya-maya ay huminto na kami kaya nabaling ang paningin ko sa paligid. Dinala niya ako sa isang park na kung saan makikita mo ang naglalakihang barko sa dagat. Malakas ang bawat paghampas nang alon sa mga bato na nakatayo sa mismong dagat.

Mararamdaman mo ang lamig ng simoy nang hangin, humahalo dito ang amoy nang dagat. Bawat ihip nito ay tumatama sa mukha ko. Kasabay na rin ang magandang view nang papalubog na araw.
May kakaunting tao na namamasyal dito. May mga batang naglalaro sa playground habang inaalalayan sila nang mga magulang nila.

Nang umihip uli ang hangin saka ko naman dinama ito ipinikit ko ang aking mata at huminga ako ng malalim. Sumabay ang aking mahabang buhok sa lakas nang hangin. Gumaan naman ang aking pakiramdam.

"Hey!" Ang pagtawag nito ang agad na nagpalingon sa akin. Nakatitig ito sa akin. Binaling ko sa iba ang paningin ko iniiwasan ang titig nito. Nakalimutan kong may kasama pala ako. Dumako ang paningin ko sa kamay naming magkahawak ngayon.

Nang mapansin nito ang pagtitig ko sa kamay namin bigla naman niya itong binitawan. Kaya ako naman ang napatingin dito.

Tinaas nito ang kamay nito papunta sa suot nitong mascot. At dahan-dahang tinanggal ang ulo ng bear na suot nito. When he already removed it I didn't get the chance to see his face. Madilim na ang paligid.

Pero sakto naman ang pagbukas ng lamp post sa likod ko dahilan narin para makita ko ang mukha nito. Napasinghap ako.

Hindi, Hindi totoo ito sabihin niyong nanaginip lang ako.

Ang palaging umuukupa sa aking isip. Andito siya. I can't believe he was standing infront of me.

"Shawn!" Pasigaw kong sabi sa buong pangalan nito. Hindi ako nananaginip nandito talaga siya sa harap ko. It's really been a long time. He looked more handsome in personal kulang na lang malaglag ang puso ko. I can't take my eyes off of him.

Tumawa ito sa reaction ko. "How are you Carmina?" He asked me. I looked at him

I answered him "Okay lang." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Kahit ngayon may epekto pa rin ang pag-ngiti at pagtawa niya sa akin. It makes my heart skips a beat. Shawn is Shan's older brother. Oo, magkapatid sila kaso si Shawn kinakasama niya ang ama niya sa pagha-handle ng business na kung saan pinaka-malaking corporation sa buong lugar nila kaya kilalang-kilala sila sa buong mundo.

Memories With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon