CHAPTER ONE

117 7 0
                                    

"Have you gone insane?" Inis na baling ko sa manager ko. "Why would you send me back in the Philippines?"

Umayos ako ng pagkakaupo at matalim na tinignan ang manager ko habang nagda-drive.

"Oh? Bakit ako naman ang sinisisi mo ngayon? Hindi ba at ikaw mismo ang kinausap ni big boss tungkol sa project na iyan?" She answered pertaining to our CEO.

Nginisian lang ako nito ng magtama ang mata naming dalawa sa rearview mirror.

"Hindi na ba magagawan ng paraan iyon Yoora?" Tanong ko pa rito.

"I mean madami namang talents ang kompanya so maybe pwede namang may pumalit sa akin." I sighed.

Yoora Youn is my friend wayback in highschool. Siya din ang nagpasok sa akin sa mundo ng modelling at nagsilbing manager ko sa mga nakalipas na taon.

"I already tried talking to our CEO but still ikaw ang gusto nya na pumunta sa Manila para maging cover ng magazine." She chuckled. "You can't escape your fate Mira. It's inevitable."

Marahan akong napapikit dahil sa sinabi nito. Ni sa kaliit-liitang bahagi ng utak ko ay hindi ko naisip na bumalik ng Pilipinas. Para saan pa? Ano pa bang babalikan ko sa Pinas? Pains and sufferings?

------------------------------------------------------

"Dude!" Masiglang bati sa akin ni Adam. "I have some good news to you."

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi nito. "Ano naman iyon at talagang sinadya mo pa ako dito sa office ko?"

"Well, I got you some work Johanne." Balita nito sa akin.

"And what's new about that?" Sagot ko habang nililinisan ang lens ng camera ko.

"Cousin, ikaw lang naman ang napili ng editor-in-chief ng B.Production Magazine para maging photographer sa annual release ng most anticipated magazine nila." Wika nito at inakbayan pa ako.

"And so?" Balewala kong tanong.

"Dude! Hindi mo ba alam kung gaano kaengrande iyon? Mga famous models around the world ang kukuhaan mo ng litrato."

Hindi na ako sumagot pa sa sinabi nito dahil bukod sa hindi ko naman alam ang sinasabi nito, wala na din naman akong gustong sabihin.

"Kung hindi lang ako nakapirma sa kontrata ng pag-cover sa kampanya ng isang presidential candidate ay talagang hindi ko papalampasin ang pagkakataong iyon. Iwan ko na lang dito sa table mo ang listahan ng mga models pati ang portfolio nila." Dagdag pa nito bago lumabas ng office ko.

Napailing na lang ako ng makitang ko ang makakapal na portfolio na nilapag nya sa table ko. Adam is a professional photographer sa napakadaming artista dito sa bansa. He built a three-storey building na syang naging office namin.

"That bastard." I whispered.

Kaya lamang siya napunta sa poder ni Adam ay dahil sa hilig nya sa pagkuha ng mga litrato. Kung tutuusin nga ay wala naman siyang proper education tungkol sa pagkuha ng litrato. Uma-attend lang siya sa ilang mga seminar na may kinalaman sa photography pagkatapos ay pina-practice nya ang mga ito. That's how Adam discovered his passion.

"Yes Ma?" Saglit kong binitawan ang camera ko at sinagot ang tawag ng nanay ko.

"Uuwi ka ba ngayong bakasyon?" Tanong nito sa kabilang linya.

Saglit kong tinignan ang kalendaryo ko na natatakpan ng mga portfolio.

"I don't think so---" Natigilan ako ng makita ang isang portfolio na bahagyang lumihis sa pagkakasalansan nito. "Ma. I'll call you back later."

My heart beats fast. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko habang tinatanggal ang mga nakapatong na portfolio.

"Mira Gywneth." I whispered habang hawak ang isang portfolio ng model na sobrang pamilyar sa akin.

------------------------------------------------------

Copyright ©2015 jangmi_mt

All rights reserved ®

10,000 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon