CHAPTER THREE

46 3 0
                                    



"God Mira! You're hot as sun!" Yoora exclaimed ng makita nya ako.

"I know right." Kindat ko sa kanya.

"For sure you'll become the scene stealer sa bar."

Ngisi lang ang sinagot ko dito at tuloy-tuloy na naglakad.

Dahil hindi naman daw formal ang party na magaganap, simple lang ang pinasuot sa akin ng coordinator ko. Isang white scalloped crop top ang pantaas ko which match perfectly my black twisted asymmetrical skirt and hot red stilletos. With what I'm wearing right now, litaw na litaw ang abs ko which they refer as "11 abs" or "Sexy Abs".

"You're drop-dead gorgeous Ms. Rami." Bati sa akin ng staff na pinadala ng B.Production para sunduin ako.

Nginitian ko ito before I said my thanks.

"Ano bang theme ng party?" I asked my manager habang kinakabit ang seatbelt.

"Bold and Fierce."

Napa-"oh" na lang ako. So that explains my make-up for tonight. Wala na kasing ibang kulay na ginamit ang make-up artist ko kung hindi black at red. The highlight of my make-up for tonight is none other than my red matte lipstick.

"You're such a head-turner." Walang tigil na puri sa akin ni Yoora hanggang sa makarating kami sa bar na pagdadausan ng party.

Pagbukas na pagbukas pa lamang ng pinto ay agad na sumalubong sa akin ang nakakarinding tunog na minamanipula ng isang DJ. Nakaka-suffocate din ang usok na malalanghap mo.

"Mira. I need to use the bathroom." Sigaw sa akin ng manager ko.

"What?" Sagot ko na medyo mataas ang boses dahil hindi ko ito maintindihan.

"I said I'm going to use the bathroom. Stay here and wait for me." Paalala nito sa akin at tinungo ang daan papuntang CR.

Umupo muna ako sa isang bar stool at pinagmasdan ang paligid.

Most of the people here are already drunk. Marami ding nagd-dirty dancing sa dance floor. As far as I know, this is high-end bar pero taliwas ang inaakto ng mga tao dito.

"I can't generalize people." I shrugged my shoulder.

Kinalkal ko ang pouch ko para hanapin ang phone ko ng maramdaman kong may tumabi sa akin.

"Who is this fine lady?" Tanong nito sa akin na siya namang nilingon ko.

"I'm sorry but I don't talk to strangers." Magalang kong sagot.

I don't want to be rude pero hindi ko feel ang makipagkilala lalo na sa ganitong klase na bar.

"You're exactly my cup of tea. Pakipot." He said and winked at me.

Muntik ko na siyang murahin dahil sa ginawa nito. The way he winked at me creeped the hell out of me.

"I'm Jude. Thomas Jude." He said and offered his hand.

Tinignan ko lang ito. Siguro naman ay titigil na ito pag sinabi ko ang pangalan ko.

"Rami." I plainly said and took his hand. Agad ko ding binawi ang kamay ko bago nya pa mapisil ang mga iyon.

"So---"

"Mira let's go."

I thanked God ng dumating si Yoora. I muttered my thanks to her for saving me.

A man in suit guided us upstairs hanggang sa mahanap namin ang room na nakalagay sa invitation. Nang buksan naming ang pinto ay marami ng tao ang nandoon.

"Everyone, I would like you to meet Ms. Rami, the world's most in-demand model!" Pagpapakilala sa akin ng editor-in-chief ng magazine.

I gave them a smile bago umupo sa bakanteng upuan katabi ng isang lalaking model. Si Yoora ay lumipat sa kabilang side para magpakilala sa mga managers ng ibang model dito.

"You look like you came out from fairytale books. You're such a princess." Bati sa akin ng lalaki pagka-upo ko.

"Thank you. You're breathtakingly handsome as well." I said giving my compliment.

"You're making me blush." He jokingly said and we both laughed. "I'm Kent Harvey. You are?"

"Rami." I smiled and took his hand. Sinadya ko talagang stage name lang ang ibigay dito.

"So where are you from?" he asked after he sipped his vodka.

"My company is based in Korea but I'm pure Filipino." I answered.

He poured vodka in a shot glass and gave it to me.

"I don't drink." I politely decline.

"Really?" Gulat nitong tanong sa akin. "Sorry about that. Anyway, when did you start modelling?"

For hours ay ganoon lang ang naging scenario namin. Magtatanong siya, sasagot naman ako. Pinakilala niya din ako sa iba pa naming katrabaho. Nalaman ko na iba't-iba pala kami ng lugar na pinanggalingan. Mayroong galing sa Greece, sa Taiwan, sa Malaysia at marami pang bansa.

I felt a guilt dahil hindi ko man lang binasa ang profile na binigay sa akin ni Yoora. Halos lahat kasi sila ay kilala na ako samantalang ako ay walang ideya kung sino sila.

"Okay guys listen." Tawag pansin ni Ms. Sandoval, the editor-in-chief. "We'll wrap up the party after 30 minutes."

Biglang umingay ang paligid dahil sa mga reklamo. "I know guys. It's too bad to end this party but it's already past midnight and we have to attend the press conference tomorrow. Actually, we are waiting for the photographer in-charge but we were informed that he can't come due to some reason."

Oo nga. Hindi sumagi sa isip ko ang photographer namin. Kalimitan naman kasi ay pinapakilala sa amin ito bago ang photoshoot.

"But we already talked to his company and they assured us that he can attend our meeting tomorrow. So for now, let's party hard!"

------------------------------------------------------

Copyright ©2015 jangmi_mt

All rights reserved ®

10,000 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon