CHAPTER NINE

30 1 0
                                    

I kept my mind busy with everything. I unpacked my luggage and started to hang my clothes on the closet on my room. Isa-isa ko itong nilagay sa hanger at inayos ang mga iyon. Nang matapos ay pumasok naman ako sa banyo upang ihilera ang mga toiletries ko.

My hands are shaking. I'm really furious. Kanina pa natapos ang shoot pero ang galit ko ay nandito pa rin.

"How dare he do this to me?!" gigil kong sabi at hinawi ang mga toiletries na kakatapos ko pa lamang ihilera. "Fuck that Johanne."

Nawalan na nga kulay ang mga kamao ko sa tindi ng pagkakayukom ko doon.

"This won't do." iling kong bulong sa sarili ko at lumabas ng banyo.

I'm here to work and not to stress myself. Humugot ako ng bikini sa mga damit ko at mabilisang sinuot iyon. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa labas ng resort na tinutuluyan ko.

Ang malamig na simoy ng hangin ang yumakap sa katawan ko. Somehow it helped me relax a bit.

Sino ba naman kasing hindi mai-stress at magagalit kung sa bawat pose na ginagawa ko ay may komento siya. Even after that damn seductive photoshoot ay pinapakielaman niya ang mga pose na ginagawa ko.

"Bakit hindi na lang siya ang nag-model?" inis kong sabi at sinipa ang buhangin.

Nagpasya akong maglakad-lakad muna sa paligid ng resort. Tahimik ang paligid at tanging ingay lang sa seaside bar ang maririnig mo.

I sighed habang tinitignan ang reflection ng buwan sa karagatan. It was very clear. It's picturesque beauty left an impression on my mind. Nang makita ko ang isang 'di kataasang bato ay napagpasyahan kong umupo na lamang doon tutal ay medyo malayo na ang nalalakad ko.

"Aaaaaaaaaahhhhhhh!" I screamed at the top of my lungs releasing all my frustration. "Putang ina mo kang gago ka! Animal ka Johanne! Bakit ikaw pa?! Sira ulo ka dahil pinakawalan mo ako! Nagmahal ako, oo! Nasaktan ako, oo! Pero gumanda na ako ngayon! I am now Mira Gywneth version 9.9! Maglaway ka ngayon!"

Hingal na hingal ako pagkatapos kong sabihin iyon but hey, it felt really good. Matapos kong magpahinga ay napagpasyahan ko ng lumusong sa dagat.

The water is cold and salty which by the way reminds me that every beauty has it's own flaw. Pinagod ko ang sarili ko sa paglangoy ng paulit-ulit. How I wish na sana sa pag-ahon ko ay matangay ng mga alon ang sakit na nararadaman ko.

I thought sa paglayo ko ay makakalayo na din ako sa mga sakit na naranasan ko. Buong akala ko ay ayos na ako, that I have already fixed myself. Akala ko lang pala iyon because deep inside I am still hoping that one day, we can be like the old times, but I know it's already too late and things are already complicated.

------------------------------------------------

"

Adam, she's here." iyon ang unang lumabas sa bibig ko ng mag-facetime kami ng pinsan ko. Kakatapos ko lang kausapin ang pamangkin ko at ngayon ay si Adam na ang kaharap ko.

Ang pag-uusapan namin dapat ay ang plano sa tinatrabaho ko ngayon but then the topic shifted to Mira.

He chuckled on the other line. "I know."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.

"How come?"

"Its a common thing to check the background of your client before agreeing to do the work, Johanne." iling na sagot nito sa akin.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" inis na tanong ko dito habang hinahalo ang cup noodles na binabad ko kanina.

"Matanda ka na Johanne. Alam mo na ang gagawin mo. Maybe you two are really destined to meet, to finish your unfinished business or whatever you need to finish." he said seriously.

Natahimik ako dahil sa tinuran nito. Siguro nga ay tama ito. Afterall ay wala kaming closure ni Mira. There's so much that needs closure. There's so many things that were left hanging and so many words left unsaid.

"Set things right this time, Johanne. I get your point dude. You did what you think was the best for her way back who knows when. But the thing is, was it also the best for you? 'Wag mo ng pahirapan ang sarili mo Johanne. Make a move. Hindi ka Lucax kung tutunganga ka lang dyan. You spent your years stalking her. We both know what you feel. You still love her. Chase her just like how she chased you back then."

"I....I don't know where to start." nahihiyang sagot ko.

Adam laughed. I gave him a glare but he didn't stop. Sa inis ko ay pinatay ko na lang bigla ang laptop. Putang ina ng lalaking iyon! Hindi naman nakatulong sa akin! Lalo lang akong naguluhan!

Padabog akong tumayo at hinila ang jacket na dala-dala ko. I need to clear my mind.

Dinala ako ng paa ko sa dalampasigan. The air is too cold marahil ay dahil nasa norte kami. I looked up and saw one of the greatest thing I have seen.

Stars. Million of stars.

Humiga ako sa buhanginan at pinagmasdan ang kalangitan. Ang sabi sa akin dati ng lola ko, kapag may namamatay daw ay nagiging bituin sila. They are there to guide their loved ones just like how Polaris guides navigators.

But what if those stars represent the pains and sufferings an individual felt? Would I still appreciate the beauty of the night sky knowing that it is made up of tears?

I shook my head with that thought. Tumayo na ako at pinagpag ang short na suot ko. I was about to leave ng matanaw ko ang isang babae na nakaupo sa batuhan.

Her hair is soaking wet. Naka-one piece bikini lang ito habang pinagmamasdan ang karagatan. I don't know why but instead of leaving her alone ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na lumalapit dito.

"...I tried to run from your side...but each place I hide...it only reminds me of you..."

Napatigil ako sa paglapit ng marinig ko ang boses na iyon. Instantly,  my heart skipped a beat.

"Mira.."

------------------------------------------------------

Copyright ©2015 jangmi_mt

All rights reserved ®

10,000 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon