Chapter 1: Mr.Blind Newbie

63 2 0
                                    


1. Watch where you're going

"Tignan mo nga Axene, napaka-gwapo talaga ng Jungkook ko" sabi nya habang hawak ang poster ng Bangtan Boys with matching patalon-patalon.


Ibang level talaga kiligin tong si Jona. Kung pwede lang ipakain ang poster matagal ko nang pinalamon sa kanya ang mukha ng idol niya. Eh, kulang na lang ay ipang-ulam niya ang poster, kung makatitig malapit na tumulo yung laway.



Geez. Anyways kanina pa ako gustong makipag- change topic pero kahit anong itanong ko. Jungkook, Jungkook, Jungkook. Haisst! Hirap talaga ng life pag sa artista ka na-inlove ang hirap ma-reach. Kaya picture lang at TV ang nasa sayo.



Tatlo sana kami ngayon pero dahil sa sumasagabal na classes at di daw sila maka-tsempo. Ayun si Rejine nakikipag-date sa boyfie niya. Every lunch nila ginagawa yun. Kaya every lunch naman ako ma-stuck sa pau-ulit ulit na kwento ni Jona.


May biglang pumisil sa pisngi ko.

"Axene, Nakikinig ka ba?"


Napatingin naman ako kay Jona na kumakaway sa harap ng mukha ko. Ay! Oo nga pala. Binalik ko ulit ang atensyon sa kanya. Hay, kawawang bata nagsasalitang mag-isa.


"Hehehe, Oo naman.. San na nga tayo?" I questioned her and she gave me a deadly glare. She crossed her arms at inilayo ang tingin sakin.

Hay! Naku ang cute talagang magtampo nito.



"Kita mo na hindi ka nakikinig sakin. Binibigyan nga tika ng advice kasabay sa mga kwento ko ni Jungkook. Palibhasa, ngayon wala kang lovelife."


Hindi parin siya tumitingin sakin. Ako naman natatawa sa actions niya. Hihihi, ganito pala ang ginagawa ko every lunch kay Jona. I did everything on purpose lalo na sa hindi pakikinig kasi ang cute talaga niya pag ganito.


"Sorry na Jona, Sorry na" I said in a dramatic sad voice with matching fake tears.

"Bati na tayo, sige na Pleaasse??" hinawakan ko ang shoulder niya and VIOLA! marunong din palang lumingon.

Time to put the finale.


"Jona? Ok na tayo?" with my puppy eyes tinitigan ko siya at tinitigan niya naman ako. We had a brief staring contest.

Nang bigla nlng siyang..


"BWAHAHAHAHAHA" bigla siyang humalakhak ng tawa.



Hinampas niya ko sa balikat.

"I warned you before na hindi mag-puppy eyes sa harap ko. Ako ang cute dito dapat ako lng ang may karapatan na gawin yun HAHAHA" napahawak na siya sa tiyan niya sa katatawa.



See? My big finale worked. Ayaw kasi niya akong mag puppy eyes kasi ampanget ko daw. Trying Hard! Offensive siya nuh? Pero di bale na lang pasalamat siya bespren ko siya. Or else matagal ko na pinalapa sa leon yan. O itinulak sa bumubuga na apoy.



"JONA!!! AXENE!!"


Napatigil si Jona sa pagtawa at ako naman nakataas ang kilay nang marinig namin may boses sumisigaw. Napatingin kaming dalawa ni Jona sa pintuan at ayun si Rejine humihingal-hingal sa pagtakbo.

Secret GoddessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon