Chapter Twenty Six

84 2 2
                                    

Tanaw ni Tracy si Eyron sa loob ng isang aquarium. Sukat na sukat lamang kay Eyron ang aquarium na iyon dahilan upang hindi ito maka-upo. Habang si Tracy naman ay nakatali sa isang upuan na nakatali naman sa isang makapal na lubid, dahilan upang lumutang siya. Tanaw niya rin ang bilog na buwan sa langit, ang mga iba't ibang klaseng mga establisyamento't gusali sa ibaba, dahilan upang malula siya. Napansin din niya ang isang napakalaking Mass Machine sa tabi ng aquarium.

"Eyron! Eyron!" sigaw ni Tracy habang sinasalubong ang malakas na hangin mula sa kalangitan.

Kahit ano'ng sigaw ni Tracy ay baliwala lamang ito dahil nakakulob sa loob ng aquarium si Eyron. Samantalang kahit ano'ng palo sa salamin at sigaw ni Eyron sa loob ay baliwala rin.

Napatitig na lamang si Tracy sa tapat ng buwan. Napaluha na lamang siya dahil alam niya'ng sinisingil na siya ng pagkakataon.

"Dala na namin ang lahat!"

Hindi nagtagal, dumating na rin sina Jan at Kristina. Dala-dala nila sina Daniah at Douglas na hanggang ngayon ay nakasako ang mga mukha at nakatali ang mga kamay. Kinaladkad nila ito sa sahig at iniwan na nakalupasay rito.

"Grabe! Reunion ba ito?!" bulalas ni Jan sabay halakhak sa tawa. "Sayang nga lang wala na 'yong iba," wika pa nito.

"Jan?!" pagtatakang tanong ni Tracy. Pati si Eyron ay nagulat din sa pagdating ng kanyang kaibigan. "Jan? Tulungan mo kami Jan!" bulalas ni Eyron kahit hindi siya naririnig ni Jan.

"Wow naman," wika ni Jan habang pumapalakpak. "Wow talaga, huwag niyong isipin na hindi niyo ako nahahalata sa tuwing papatay ako?"

"P-paano ka nabuhay?" tanong ni Tracy.

"Magandang tanong 'yan," tugon ni Jan habang pinaglalaruan ang hawak na tungkod. "Ganito kasi 'yan, una nagkamali kayong patayin ako, pangalawa, naloko niyo ako pero ito ako ngayon maninigil lamang naman, panghuli? Hmp, tinulungan ako ni Kristina," wika pa nito sabay ngiti.

"Tulungan mo kami Jan!"

Kahit papaano'y dinig ni Jan ang sigaw ni Eyron sa loob ng aquarium. Tumungo siya rito at tinitigan si Eyron.

"Akala mo maloloko mo 'ko?" bulong ni Jan. "Nakakatuwa kang panoorin,"

"Jan, simulan na natin," wika naman ni Kristina.

Simula noong mamatay at mailibing ang pamilya ni Jan, saksi si Kristina sa mga hirap na pinagdadaanan ni Jan kaya naman nagmasid ito. Matagal ng binalaan ni Kristina si Jan simula pa noong ilibing ang mga magulang ng binata sa sementeryo, subalit hindi nakinig si Jan bagkus mas pinaniwalaan pa ni Jan ang mga traydor sa buhay niya.

Nang mangyari naman ang paglilibing ng buhay kay Jan, naroon si Kristina upang tulungan ang binata. Hindi na siya tumawag ng mga pulis dahil alam niyang wala siyang laban kumpara sa yaman ni Eyron. Pagkatapos ilibing si Jan, saka hinukay muli ni Kristina ang puntod nito. Hanggang sa mabuksan niya ang pridyider at bumungad sa kanya ang katawan ng binata. Puno ng pasa at sugat. Kasabay pa nito, naliligo ito sa sariling dugo dahil pinutulan ito ng kanang paa. Akala noon ni Kristina ay imposible pa'ng mabuhay si Jan sa mga oras na iyon, subalit maya-maya ay huminga ng malalim ang binata dahilan upang dalhin ni Kristina sa isang tagong ospital ito. Itinuring niya'ng himala ang pagkakataong iyon.

Halos limang buwan na-comatose sa isang pampublikong ospital si Jan. Nanatiling lihim naman ang pangalan ni Jan sa mga doktor at nars upang hindi siya mahanap ng mga pulis. Habang si Kristina naman ang naging pamilya niya sa loob ng ospital, hanggang sa unti-unting nahuhulog ang loob ng dalaga sa binata. Pagkatapos nang mahigit isang taon ay nagising na rin ang binata dahil sa mga paputok mula sa bagong taon. Masayang isinalubong ni Kristina ang bagong taon dahil sa wakas ang kanyang kaibigan ay nagising na. Tuwang-tuwa na tila nabigyan pa ng isang pagkakataong mabuhay ang kanyang kaibigan. Subalit nagising si Jan na walang maalala ni isa. Pagkalipas ng ilang buwan ay napagdesisyunan ni Kristina na iluwas sa probinsiya ang kanyang kaibigan, malayo sa mga pulis. Doon nanirahan ang dalawa. Inalagaan ni Kristina si Jan sa loob ng tatlong taon. Maraming nakilalang tao si Jan at tila bagong pamilya ang natagpuan niya. Naging kilala ang binata sa bayan nila dahil sa kabutihan nito. Na kahit pilay ay nakakayanan pa rin nitong tumulong sa mga gawain ng mga katutubo. Ngunit habang tumatagal ay unti-unting bumabalik sa isipan ni Jan ang nangyaring krimen sa buhay niya. Isang dapit-hapon kung saan naglalaro siya ng basketbol kasama ang mga bata, bigla na lamang ito nadapa dahil sa kanyang kapansanan. Hindi nagtagal ay bumalik sa kanyang isipan ang lahat. Ang kanyang alaala mula sa kanyang mga magulang hanggang sa patayin siya ng kanyang mga malalapit na kaibigan.

Matagal kinimkim ni Jan ang galit mula kay Kristina dahil sa pagsisinungaling nito, subalit pinatawad din niya ang dalaga dahil minahal na niya ito. Hanggang sa pumasok sa isipan ni Jan ang paghihiganti. Ang kanyang pagbabalik ang makakatulong sa kanya upang makamit ang hinahangad na hustisya. Kahit delikado sa mga mata ng pulis, mag-isang pumunta si Jan sa Maynila upang hanapin ang laman ng Money Vault na matagal nang katago-tago ng kanyang amahin. Nagbabasakali na baka makakuha ng yaman para sa pagpapagaling sa kanyang kakang paa. Subalit hindi siya nagtagumpay sa paghahanap nito, hanggang sa makahanap siya ng trabaho mula sa mga sindikato. Tutal mainit din naman siya sa mga mata ng pulis, bakit hindi na lamang siya pumasok sa pagbebenta ng mga mamahaling droga sa mga mayayaman? Tumanggi si Kristina subalit napa-intindi ni Jan sa kanya ang hangarin na paghihiganti. Hanggang sa pagkalipas ng dalawang taon ay tuluyan ng umunlad ang buhay ni Jan kasama ang kanyang kasintahan na si Kristina. Dalawang taon nanirahan sa bansang Germany ang dalawa, upang ipasaayos ang kapansanan ni Jan sa kanyang paa at ang mga naiwang pasa't peklat sa kanyang buong katawan.

Pagkalipas ng ilang buwan ay nagdesisyon silang bumalik sa Pilipinas. Matagal nilang sinaliksik ang mga buhay ng mga suspek. Hanggang sa malaman ni Jan ang isang malaking sikreto. Ang kanyang pinsan at matalik na kabigan na si Eyron ang may pakana ng lahat. Hindi rin nakatakas ang kanyang kasintahan na si Tracy na isa rin sa mga suspek. Nagpanggap lamang ito habang hinahalay ni Eyron sa harapan ni Jan. Kaya naman sobrang kinimkim ito ni Jan. Galit at poot ang kanyang namumutawing emosyon. Tila naging manhid na ito sa mahabang panahon. Hindi niya akalaing kaya siyang lokohin ng kanyang pinakamamahal. Hanggang sa napagdesisyunan niya na patayin isa-isa ang mga taong nag-agrubyado sa kanya.

"Jan, simulan na natin ang laro," suhestiyon ni Kristina sabay halik sa labi ni Jan. "Huwag naman masyadong sweet at baka mainggit 'yong babae sa itaas," wika ni Jan habang hinahalikan sa labi si Kristina. "Wait, may kukunin muna ako,"

Isang Money Vault ang inilabas ni Jan mula sa pinto. Inilagay niya ito sa gitna na kung saan naroon ang isang maliit na lamesa. "Naaalala mo pa ba ito Eyron?" tanong ni Jan. "Ay oo nga pala, hindi ka namin naririnig, sandali lang." Nagtungo si Jan sa kinatatayuan ni Eyron, at saka niya inalis ang malaking takip sa gitna ng aquarium upang magkarinigan silang dalawa.

"Kamusta? Naririnig mo na ba ako?" tanong ni Jan.

"Oo, tulungan mo kami!" bulalas ni Eyron. "Kaibigan mo ako 'di ba?"

"Ulol, hindi mo ako maloloko," wika ni Jan sabay tawa. Bago pa tuluyang bumalik si Jan sa lamesa, nagbigay mo na ito ng mura sa pamamagitan ng pagtaas ng gitnang daliri.

"Ito ang Vault na naglalaman ng importanteng impormasyon, siguro naman alam niyo ito," wika ni Jan. "Kanina ko lang ito nahanap, nasa loob lang pala ng kompanya,"

"P-paano mo nakuha 'yan?" tanong ni Eyron.

"Secret... Oo nga pala, pinatay ko rin si Tito masyado kasing gahaman tulad mo," wika pa ni Jan.

"Hayop ka! Hindi mo 'yan mabubuksan!" bulalas ni Eyron. "Wala na 'yang laman!"

"Oh? Hindi rin naman nakakapagtaka, kasi halos lahat ng yaman ko, kinuha mo," maangas na wika ni Jan. "Hmp... Sa pagkakaalam ko lahat yata na mayroon ako, kinuha mo rin," pahabol pa ni Jan sabay tawa.

"Kung sa tingin mo minahal ka ni Tracy, isang napakalaking hindi!" tugon ni Eyron. "This all of bullshit are made from us! Balak talaga naming patayin ka!" pahabol pa nito.

Naglakad-lakad si Jan sa gitna habang tumatawa, tila iniisip ang lahat ng sinabi ni Eyron sa kanya.

"Hmp, hindi ko rin naman kayo masisisi dahil inggitero't inggitera kayo," wika ni Jan habang nakatititg sa kalangitan."Pero sana kung papatay na lang kayo, nilubos-lubos niyo na," pahabol pa nito sabay turo ng tungkod kay Tracy.

"At ikaw naman babae, dapat sana nagka-anak muna tayo nang sa ganoon, may malaking mamanahin ang magiging anak mo," wika ni Jan sabay tawa.

"Patawarin mo ako Jan! Hindi ko sinasadya'ng saktan ka," wika ni Tracy habang lumuluha sa lungkot.

"Oh bakit ka umiiyak?" Tumungo si Jan kay Tracy. "Alam mo naman na ayaw kita'ng nakikitang nasasaktan e," malungkot na wika ni Jan. "Boo!"

Itinulak ni Jan ang kina-uupuan ni Tracy gamit ang hawak niya'ng tungkod, dahilan upang magduyan-duyan ito, hanggang sa makarating ito lagpas sa tuktok ng gusali. "AH! Huwag!" halos lumuwa ang mga mata ni Tracy nang makita ang ibaba ng gusali. Tanaw niya ang mga naglalakihang sasakyan at gusali. "Tulong! Nalulula ako! Tama na!"

"Fuck you Jan! Fuck!" bulalas ni Eyron sa galit.

lok:}N

His Painless Homicide #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon