Prologue

26 1 0
                                    

Sa isang eskinita na daanan ng sari-saring tao na may sari-saring amoy ay pasalampak na naupo ang hapong katawan ng isang dalaga. Kita sa mukha nito ang pagod at lungkot. Ang dala-dala niyang supot ng pagkain na nabili sa karendirya ang siyang agad niyang binuksan upang kainin. Wala siyang pakialam sa mga taong dumaraan sa harap niya. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay malamnan ang nagmamarakulyong tiyan.

Alam niya, nakikita niya sa sulok ng mga mata niya ang mga mapang-usyusong tingin ng mga taong dumaraan. Nagtataka marahil sila kung bakit siya naroon at kumakain habang ang lahat ay abala sa pagdaan upang marating ang kani-kaniyang opisinang pinapasukan. Ngunit hindi siya tumigil. Wala na siyang pakialam pa. Ngayon pa ba siya mahihiya? Ngayong nangangalahati na rin siya sa pagkain?

Wala pang ilang minuto ay naubos niya na rin sa wakas ang pansit na laman ng supot na kanyang binili. Sunod na ginawa niya ay kinagat ang dulo ng tubig na nasa loob ng ice wrapper pack. Ice water ang tawag niyon sa kanila. Walang pakialam na ininom niya ang laman niyon. Wala siyang pakialam sa mga tao. Taga-masid lang naman sila buhat noon magpahanggang ngayon.

Hanggang tingin lang naman sila. Hindi sila kailanman nagkaroon ng oras para sa isang tulad niyang hindi kilala. Napaismid siya. Bakit nga naman siya makikilala eh hindi naman siya nakasuot ng magarang damit at sapatos? At sino ang mag-aaksaya ng oras para kilalanin siya? Wala. Para sa mundong ito, kung hindi ka sikat, hindi ka kilala. Kung wala kang class, hindi ka kilala. Kung wala kang talento, hindi ka kilala.

Nagpatuloy siya sa ginagawang pag

Paano niya haharapin ang buhay ng mag-isa? Makakaya kaya niya?

Katanungang biglang nagsumiksik sa kanyang isipan. Ngunit sa halip na pakaisipin pa iyon ay agad siyang tumayo habang kasalukuyang iniinom ang natitirang tubig mula sa kanyang hawak na ice water.

Hindi na siya mag-aabala pang pansinin ang mga nasa paligid. Muli niyang dinampot ang backpack na dala-dala niya. Ito na lamang naman ang tanging natira sa mga gamit niya. Kung saan siya dadalhin ng mga paa ay hindi niya rin matukoy. Ang mahalaga ay makapaghanap siya ng bagong mundo, bagong espasyo para sa sarili.

VincentWhere stories live. Discover now