Chapter10: no chance at all

48 0 0
                                    

***

Bigla syang ngumiti.

"Nakakamiss yung babaeng, tawag ng tawag sakin ng Bunny dati e." yung ngiti nya, naging mapakla.

Namimiss nya na ko..

***

----- September30|3:27PM @DTA's mini-park

Taline's POV

NAPAG-USAPAN naming tumambay muna dito sa park ng school namin, bukod kasi sa coffee shop na pinupuntahan namin at sa playground sa village namin ay ito na din ang sanctuary naming magbabarkada.

"Ano na girls? Nakapag decide na ba kayo?" Kea.

"I'll go for Insidious!" Jane.

"Me too!" Ako.

"Cloudy with a chance of meatballs!" Silver.

"Ako din! Cloudy!!" Drea.

Lahat kami napatingin kay kea. Sya na lang ang hindi pa nakakapili.

"Uhm.. Insidious? Ay no. Cloudy with a chance of meatballs na lang. Ay sige, insidious!" Sagot nya.

"Ano ba talaga?" Natatawa naming tanong sa kanya, nahihirapan sya dahil sabay sabay naming napanuod ang first part ng mga movie. At parehas naming nagustuhan.

"Pwede naman sigurong parehas nating panuorin." Sabi ko.

"Oo nga no. Hahaha. Sige." Sang ayon ni drea.

"Let's have a dare!" Si silver.

"Dare??" Sabay sabay naming tanong.

"Kailangan may date tayong lahat kapag nanuod tayo sa sine."

"Eh! Wag na. Lugi ako!" Hahahah. Nbsb kasi si Jane.

Nagtawanan kami.

"Ako meron na!" Si kea, may boyfriend kasi sya.

"Ako, uhm, siguro, baka pumayag." May nanliligaw kasi kay drea.

"Ako, ewan ko lang." Sabi ko. Dahil ewan ko lang talaga kung sinong pwedeng yayain.

"Teka nga, bakit ang lakas ng loob mo silver? Eh wala ka namang boyfriend o manliligaw ngayon ah." Jane.

Tama si jane. Walang nanliligaw o bf si Silver ngayon, o wala lang syang sinasabi samin?

"Bukas, meron na." Nangingiting sabi pa ni silver. Nagtawanan na lang kami.

"Oh, tama na, sino pwedeng pumunta sa cafeteria? Bili naman kayong snacks gals." Si kea.

"Ang galing ng idea mo kea, bat hndi na lang kaya ikaw ang bumili?" Drea.

"Kaya nga nag uutos ako kasi im lazy to do that."

"Aong feeling mo? Reyna ka dito? Uutos utusan kami?"

Alam kong nagbibiruan lang sila kaya hinayaan ko na lang.

"Kayo na lang magkatunong pangalan dyan, nag aaway pa kayo. Sge, taline. Ikaw ng bumili para wala ng away." Napatingin ako ng masama kay Jane. Luka luka to. Nananahimik ako dito, ako pa ang napagdiskitahan.

"Hays! Ang tatamad naman kasi, sarap nyo lang upakan sa mga kili kili nyo e." sabi ko at natatawang tumayo. "Hoy drea. Sàmahan mo ko!" Tmayo din siya at nag simula kaming maglakad.

Nagkkwentuhan at nagtatawanan kami ni drea ng biglang may humarang sa dadaanan namin. Tinitigan ko sya.

"Hi taline.." Sabi nya.

Teenage LDR (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon