Isang napaka gandang umaga ang nasilayan ko kinabukasan.
Anong araw ba ngayon?
September 18.
August 19 ko sinagot si Krit.
Kaya bukas, September 19 wednesday ang first ever monthsary namin ng chuchu ko <3
Im so masaya. Kasi. Kasi. Kasiiiiiii.
First time ko mag cecelebrate ng monthsary.
Pero bakit ganun? Masaya ako. Totoo. Tunay. No doubt. Pero parang may kulang. -____-
Ni hindi ko nga alam kung pano icecelebrate ng maayos tong monthsary namin.
---- 7:30am at Infinitea
10:30 ang klase namin ngayon dahil may mass daw sa school pero ayaw naming umattend, pero dahil 7:30 talaga ang pasok namin e dito na lang kami nagkita kita ng mga bestfriends ko.
"Taline. Natutulala ka nanaman dyan." Puna sakin ni Drea.
"Baka nag iisip sya ng gift sa jowa nya. Diba bukas na monthsary nila?" Si kea.
"GIFT?!?!"
Napatingin sila lahat sakin.
Maski ako nagulat dahil napasigaw pala ako.
Kanina ko pa kasi iniisip kung paano magiging memorable tong first monthsary namin ni krit.
"Sorry." Sabi ko na lang na napangiwi pa.
"Makasigaw naman kase teh! Parang napakalayo namin sayo e no?!" Si Jane.
Jane Cassandra Villanes, kalog, madaldal, matakaw pero isa sa pinakamagaling mag advice samin. Naging close ko sya nung naging close ko si Drea, ang that was... Hmn, 7yrs ago? :))
Hindi ako sumagot at uminom na lang ng hot chocolate ko.
"Ano bang problema mo be?" Tanong sakin ni Drea. Lahat sila nakatingin sakin.
"Ang oa mo kasi mag reak eh!" Sabi naman ni Silver.
Haaays. Kailangan ko nga siguro ng tulong nila.
Humugot muna ako ng isang malalim na hininga atsaka nagsalita-----
"Sobrang lalim naman nyan teh. Ang lalim ng pinanghugutan ah?!" Si kea. At tumawa kami.
Hindi. Magsasalita pa lang pala dahil nauna na tong si kea. -_-
"Okay. Ganito kasi yun. Girls, alam nyo naman na first boyfriend ko si Krit diba?"
Tumango sila.
"At alam nyo din na wala akong alam sa pakikipag relasyon."
"Oh ano naman? Marunong ka na namang lumandi diba? Baka naman magpaturo ka pa samin kung paano landiin yang achuchupapabels mo. Hahahah." Si drea. At tumawa ulit kami.
"Hindi! Kasi, monthsary namin bukas eh diba, hindi ko alam kung paano magiging memorable to since LDR nga kami." Nalungkot nanaman ako.
"Sus. Edi magkita kayo. Para maging super memorable diba?" Si jane. Na sinang ayunan naman ng iba.
"Yun nga sana ang hiniling ko sa kanya. Kaso hindi pwede. Sobrang layo ng Davao, ano ba kayo?" Sabi ko sa kanila.
Na ikinatahimik naman nilang lahat.
"Sabagay." Pagbasag ni Kea sa katahimikan.
"Eh kung mag video call kaya kayo? Tapos sayawan mo ng nakahubad ka. Di yun tatanggi, lalake yun eh. Alam na. Hahahahahahah!" Sabi ng napaka lukaret at walang modong mag advice na si Drea.
Nagtawanan ulit kaming lahat. Gusto ko sana ng maayos at seryosong usapan, pero hindi ko na inasahan yun since sila ang hiningan ko ng advice.
"Cyber ampeg ampota. Hahahahahaha!" Natatawang sabi ni kea. At tawanan pa din kami.
"Memorable na, exciting pa!" Segunda pa ni Silver.
"Tse! Manahimik nga kayo! Seryoso na kasi." Sabi ko pa na humiling ng himala.
Tumahimik kami lahat na parang nag iisip ng kung anong magandang gawin na sorpresa para bukas.
"Kung gumawa ka kaya ng video para sa kanya?" Biglang sabi ni Jane.
Ngumiti ako. Hindi lang ako kundi kaming lahat at parang kumikislap pa ang mga mata namin.
Napagkasunduan naming lahat na gagawin at tutulungan nila ako sa pag gagawa ng video na yun mamayang uwian.
At pina usapan na namin kung ano anong gagawin para sa video na yun.
Nang mag 10am na ay napagpasyahan na naming pumasok.
----- 6:00pm at My room.
Dito kasi kami gumawa ng video para kay krit.
Ngayon lang nga kami natapos e. ang paalam namin sa magulang namin e project. Hahaha. Oh baket? Gawain nyo din yan. Wag kayong maano. XD
Dito na din nag dinner ang mga bestfriends ko, usapan namin yan. Yun na yung bayad ko sa pag tulong nila sakin sa pagtapos ng video na yun. Paborito kasi nila ang mga luto ni mama. HRM ang natapos ni mama. Naging manager sya ng restaurant sa isang hotel dati. Pero pinasya nila ni papa na itigil na yung work ni mama nung nagkasakit to dati. Kaya si papa na lang ang nag ttrabaho na pinaboran namin ni bambam. Nung parehas kasi silang may work, wala silang time para samin. Atleast ngayon, lagi ng nandyan si mama.
"Movie naman tayo kina kea next time!" Narinig kong sabi ni Jane. Nandito kami sa park ng village namin.
Krit: achuchu ko, tapos ka na bang kumain?
"Oo nga kea, sainyo naman!" Si silver.
Me: yes po. Ikaw po? Kumain ka na <3
"Alam nyo, wag na samin. Alam nyo namang may asungot akong kapatid dun na laging epal." Ang tinutukoy nito ay ang kapatid na babae nito na mas matanda sa kanya. Pero hindi nya kasundo.
Krit: tapos na din. Nasan ka na ngayon?
"Sus. Dahil lang dun? Anung silbe ng sarili mong kwarto?!" Si Drea.
Me: nasa park po. Kasama ko yung mga kaibigan ko. :) nag kkwentuhan lang kami.
"Oo nga naman kea, ang tagal ng panahon ng hindi kami nakakapunta sa inyo!" Si jane.
"Tsaka hindi naman yung ate mo pupuntahan namin ah!" Si drea.
"E alam nyo naman yun. Dakilang kontra bida ng buhay ko." Sagot ni kea.
Krit: okay. Keep safe there okay? Gabi na. Umuwi na din kayo, kung wala na naman kayong gagawin.
"Wag mo na pansinin. Sige na. Ano? Kailan ba pwede?" Si jane.
"Sabado na lang. Walang pasok. Linggo naman tayo gumagawa ng assignments e haha." Si silver.
Me: yes po babychu ko. <3 i love you po.
"Yes po baby chu ko i love you po." Napatingin ako sa nagsalita. Si Kea pala. Nasa likod ko sya. Nakaupo ako at si silver sa swing habang nakatayo sina kea, drea at jane. At ayun nga. Hindi ko namalayang may nagbabasa na ng text ko sa likod ko.
"Ayun, kaya naman pala busy nanaman sya kakatext." Si silver.
"Alam na. Hahahah." Si drea.
"Kaya pala hindi sya nakikisabay satin." Si kea.
Kumakain kami ng chocolates and snacks ngayon. Dito kami tumatambay kapag may time.
"Kayo naman, sa ganitong paraan na nga lang kami nakakapag usap e." sagot ko.
"Alam naman namin yun eh." Si silver habang nakangiti.
"Sana tumagal kayo girl." Seryosong sabi ni kea.
"Kita kasi namin kung gaano ka kasaya kapag katext o kausap mo sya. Kaya ka namin sinusuportahan ng ganito." Si drea.
"Pero alam mo yun? Alam naming di ka nya kayang saktan sa pisikal. Pero mentally masasaktan ka nya. At kapag nangyari yon.." Tumingin si Silver kina kea, drea at Jane. "..babaliktarin namin ang Davao makita at magulpi lang namin sya!" Sabay sabay na sabi nila at nagkatawanan na kami.
Sa sobrang tawa ni Jane at tumalsik ang kinakain nyang popcorn kay Kea kaya mas lumakas ang tawanan namin, habang bwisit naman si Kea.
"Prinaktis nyo ba yan? Hahahah." Tanong ko.
"Hindi naman. Napag usapan lang. Hahaha." Sagot naman ni Jane.
Tumambay pa kami saglit at hindi rin nag tagal at nag yayaan ng umuwi.
----- Sa bahay
Magdamag kaming magkatext ni Krit.
Hinintay namin mag 12am saka kami nag batian ng Happy 1st Monthsary.
Sinabi nyang may regalo sya sakin bukas, at ako din sa kanya.
Naexcite naman ako kung ano yuuuun <3
----- 6:00am Kinabukasan
Inupload ko na yung Video na ginawa namin para kay Krit.
Nilagyan ko ng description na ' This is for you achuchu. Dahil mahal kita. :P '
Excited na din akong malaman kung anong regalo na. :'>
Ito ang laman ng video na yun.
________________________
"HARANA" by PNE.
Ito ang pinili ko dahil ito ang unang kantang kinanta nya sakin.
Una, sa park ng village namin kung san dito shinoot tong video na to.
Pangalawa, sa kama ng kwarto ko, ksama sina Kea, Silver at Drea.
Pangatlo, sa sala namin.
May sulat muna na nakalagay sa Video
' This Video is for my babychuchu Krit. I love youuuu so much! '
Habang tumutugtog ang Intro ng Harana, nasa park ako nakaupo sa isa sa mga bench dun, katabi ko sa upuan si Jane na nag gigitara. Oo. Marunong syang mag gitara :D
"Uso pa ba ang Harana?" Pag simula ko ng kanta..
"Ako nga ay, nagtataka..
Sino ba tong mukhang gago,
Nag kandarapa sa pagkanta,
At nasisintunado sa kaba.."
2nd scene naman. Nakaupo ako sa kama at nasa likod ko ang tatlo at pumipitik pitik pa habang kumakanta ako. Sila nakaisip nyan. Si Jane ang camera woman namin. Haha. Inedit ito ni Kea kaya ang background namin ay magandang view. Hindi ko alam pero parang probinsya na puro puno at halaman.
"Meron pang dalang mga rosas,
Suot nama'y maong na kupas,
At nariyan pa ang barkada, nakaporma't nakabarong,
A awiting daig pa ang minus one at sing along.."
3rd scene. Nakatayo ako sa sala. Pero inedit yun ni Kea kaya ang nangyari puro bituin ang nasa background ko.
"Puno ang langit ng bituin,
At kay lamig pa ng hangin,
Iyong tingin ako'y nababaliw, giliw.,
At sa awitin mong ito, na naibigan ko,
Ibubuhos ko ang buong puso ko,
Sa isang munting harana,
Mula sayo.."
Naging background music na lang ang interlude ng kanta.
Bumalik sa first scene pero this time ako na lang ang nandun.
"Hi babychuchu ko. First of all, happy happy monthsary ulit." Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako.
"At dahil unang monthsary natin to. Gusto ko may magawa sayong memorable kahit ano pa man. Kaya sana nagustuhan mo to." Ngumiti ako.
"Hindi naman sya ganun ka effort. Hindi ko na din naman ginusto na mag effort pa masyado. Kasi babychuchu ko, kahit naman hindi ito lumabas na ganun kaganda o kabongga, isa pa din ang sasabihin ko dito sa huli.. Na mahal na mahal kita." Ngumiti ulit ako.
"Nakikita mo tong ngiting to? Dahil sayo kaya lagi akong nakaganito. Sana tumagal pa tayo no? Alam ko gusto mo na ding magkita tayo sa personal. Pero sabi mo nga, dadating din yung tamang panahon na yun diba? At ako. Maghihintay ako. Gaya ng pag hihintay mo. Hindi ako susuko, gaya ng pagiging matapang mo para sa relasyon nating to.
Sana, sana walang iwanan ha? Kasi ako, kasi ako, hindi ako mang iiwan. Kasi ako, seryoso ako sa mga sinasabi ko. Kasi ako, hindi ko na kayang mawala ka. Haha. Oha? Unang monthsary pa lang natin, ganyan na kita kamahal. Ayos no? Ang pbb teens much ko. Hahahah" natatawa pa ko.
"Sana tumagal tayo babychu. Hihintayin ko yung araw na magkita tayo. Hihintayin ko yung araw na yun kahit habang buhay pa! Maghihintay ako. Hahahah. I love you krit. Happy monthsary ulit!" Sabi ko, saka nag wave at ako na mismo ang pumatay ang nag pause sa camera.
____________________________
Pumasok na ko sa school ng mag 7Am na.
Sinabi ko sa kanila na nasend ko na yung video kay krit. Sigurado ako na tulog pa yun dahil bago ako umalis papuntang school ay nagtext na ko sa kanya na mag online na lang sya sa fchat.
Break time na ng mabasa ko ang reply nya.
Krit: babychu kooooooooo, haaays. Super naappreciate ko yung video mo. Ang cute cute mo talaga. Hahahah. I love you too babychu ko. At uulitin ko. Kung sobrang mahal mo ko, diba sabi ko sayo, mas higit pa dun ang pagmamahal ko sayo? :) sa dami ng sinabi mo, dalawa lang masasabi ko, hindi kita iiwan at mamahalin kita. Forever, as in forever. I love youuuu <3
Sobrang natutuwa ako habang binabasa ko yung reply nya. Sobrang kinikilig akooooooooo. Hahahaha.
Kumakain kami ngayon sa canteen, nakatingin pa din ako sa cp ko ng biglang siniko siko ako ni Drea, napatingin tuloy ako ng What-The-Fuck look sa kanya saka sya biglang ngumuso, ng mapatingin ako sa direksyon ng nguso nya, nakita kong papalapit samin sina Eduard aka BUNNY at ang mga kaibigan nya.
Nagulat ako ng tumigil sya sa harapan ko.
"Hi Taline." Ngiting bati nya sakin.
ISA ITONG PANAGINIP SLASH PANGARAP KO. NOON.
Noong patay na patay pa ko sa kanya.
Noong sya lang ang nakikita kong lalaki sa mundo.
Noong pinapangarap ko pa sya.
Noong mahal ko pa sya.
"Hi." Sagot ko at ngumiti din sa kanya.
"Namiss na kita eh. Hindi ka na pumupunta sa room ko." Sabi nya, na may himig nagtatampo pa.
Napatingin ako sa mga ksama ko na nakatingin din pala samin.
"Aah, busy na kasi e." sagot ko na lang. Nagpapaka casual na lang ako sakanya. Wala na sya sakin e. may babychu na ko.
"Pero dati, kahit mag eexam na tayo, may time ka pa din sakin." Kung makapag demand sya akala mo may karapatan sya. Nakaupo na pala sya sa harap ko. Tinitigan ko sya. Gwapo pa din sya.
Jusko naman. Magkakandarapa ba ko dyan kung panget yan? xD
Hindi ako nakasagot sa sinabi nya.
"Free ka ba tomorrow? Pasyal lang tayo." Nakangiti nya pa din sabi.
Nagkatinginan kaming lahat ng bestfriends ko. Lahat sila nagugulat at naguguluhan sa nangyayari o sa mga pinagsasabi nito.
Maski ako gulat na gulat. As in.
_____._____._____._____._____._____._____._____._____._____._____
Luh? Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Hmn.
Ano kayang meron at nilapitan sya bigla ni Eduard?
Magiging good or bad ba to sa kanya?
Okaaaay. Tinapos ko to kahit antok na antok na ko. Hahaha. Sorry kung may typo. -_-
Salamat sa mga nagbasa. <3
Nagsisimula pa lang pooooo ü
Take care po ^_^
Love,
Yasui91
PS: try ko mag update tom. Kung hindi man, next week na lang ^_^
BINABASA MO ANG
Teenage LDR (ON GOING)
Teen FictionLahat ng tao alam kung ano ang tinatawag nating Long Distance Relationship o mas kilala sa tawag na LDR. Pero hindi nila alam kung gaano kahirap ito. Hindi naman kasi lahat eh nararanasan ito. May mga masweswerteng tao na hindi dumadaan sa ganitong...