Chapter 3

51 3 0
                                    

Isabel's Pov

Umuwi na ako, tutal alam ko naman lahat eh. Kailangan ko silang kontakin, para mas ma excite sila bukas

[ Bel Ganda: Bruhaa! May laban ako bukas, gusto nyo sumali? ]

[ Danica Bruha: Oo bruha, sasali ako. Kayo? ]

[ Autumn Kulangot: Leche! Hoy sino sa inyo nag change ng name ko sa group chat? ]

[ Sammie Dyosa: Ang random mo masyado -,- ]

[ Bel Ganda: Leche kayo! Wag nyo nga akong iignore! May laban nga ako bukas sasali ba kayo?! ]

[ Sammie Dyosa: Hala? Galit agad? Basta laban okay na! Oo sasali ako, ilan sila? ]

[ Autumn Diwata: Oh ayan! Bagay na bagay! Oo sasali ako! Ang ganda ng school na yan no? ]

[ Bel Ganda: Oo, dream school nyo! Yung puro gulo ]

[ Sammie Dyosa: Ang sama mo Bel! =3= sino nga sila! ]

[ Bel Ganda: Malalaman nyo bukas, sige na out na ako mag beauty rest lang! :P ]

[ Danica Bruha: As if may nalalalaman ka pang ganon! Hahaha XD ]

[ Autumn Diwata: Nga naman! ]

[ Sammie Dyosa: Hala Bel oh, pinag tutulungan ka! XD ]

[ Bel Ganda: Sige pag tulungan nyo ko, bukas kayo saken! ]

[ Autumn Diwata: Joke lang Bel! :* ]

[ Danica Bruha: Eto naman, nagbibiro lang eh! Bye na mga bruha! Kita nalang tayo bukas! ] ° Offline

[ Sammie Dyosa: Bye sa inyo! Bukas ulet! XD ] ° Offline

[ Autumn Diwata: Byebye! Mag beauty rest nadin ako! :P ] ° Offline

[ Bel Ganda: Mga engot! ] ° Offline

Haay! Excited na ako bukas! Shiit talaga, makakatulog pa ba ako neto? Hahaha tanga lang?! Ano to love? Hahahaha leche makatulog na nga

Tinignan ko yung digital clock sa tabi ko [ 9:47 pm - Monday ]

Bumangon na ako para mag half bath, gusto ko kasi fresh para makatulog ng maayos at walang kati kati sa katawan hahaha

---

*KRING*

Inoff ko na yung digital alarm clock ko, ayaw ko ibato sa dingding no. Pumasok na ako ng banyo at nag morning rituals pero before that kinuha ko muna yung morning glory ko hahaha yung nandyan sa mata mo kapag kagigising mo hahaha

Kumain na ako at nag toothbrush na, excited na talaga ako!

G.M Academy

I'm hella excited! Wohooo, pumunta muna ako sa first subject ko. Lunch break nalang daw gaganapin yung laban, mabuti naman gusto ko'ng kumain ng mango float mamayang break time no!

Math yung first subject ko, ang ginawa ko? Ayon lagay ng earphones sa tenga at natulog.

May kumalbit saken, kaya nagising ako. Mabuti naman at di chalk hahaha

"Break time na, gumising ka na. Tapos na yung dalawang subject" sabi ng gumising saken, at lumakad na tumayo na ako at umalis. Gusto ko na kumain ng mango float!

"Bat ba ang tanga mo?!" Sabi naman ng isang lalaki, si Austin ata yun eh.

"Alam mo naman pala eh, bat bingga mo ko pati ikaw tanga rin?" Sabi ng isang babae rin, teka alam ko kaninong boses to ah!

"Wag mo ko idamay sa katangahan mo!" Sabi naman ni Austin, hahaha wala sha'ng mapapala dyan! Si Danica ba naman yung kinalaban, ang bilis mambasag nyan eh!

"Wag mo ko idamay sa kapangitan mo! Pati kasama mo nadadamay narin" sabi nya ng naka evil smirk, hahaha kasama nya pala si Sammie.

"Tama na yan, takot ata kaibigan mo eh. Ang dami kaya namin, kaya kung ako sayo umalis kana baka paglamayan ka pa namin" sabi naman Jake, ang yabang talaga. Wala yung mga babae nilang ka grupo, nag girl's day out ata hahaha

"Ako takot? Sa dami nyong yan? Ako matatakot? Asaa, ang hihina nyo naman ano pa silbi ng dami?" Sabi naman ni Sammie at biglang nag evil smirk, hahaha hinayaan ko nalang sila dun at umalis.

Tinext ko nalang sila na magkita nalang kami sa gym, sumangayon naman yung dalawa. Asan kaya si Autumn ano? Tinanong ko si Sam kung san, sabi nya nag cr lang daw.

Lunch Break

Nagkita kita kami sa entrance ng gym, andun ata sila sa loob ang ingay eh. At infairness, ang dami nila!

"Ready na ba kayo?" Tanong ni Dani ng naka evil smirk, nag evil smirk din kaming tatlo at sinabing

"We are born to be ready!" Sabi namin sabay suot ng signature namin, ang aura na NO MERCY, ang expressionless face, at cold voice namin.

Binuksan namin ang gym at tama nga ako, dami nila. 3/4 of the gym ay nakuha ata nila sa sobrang dami, ang duduwag naman

"Ang duwag naman!" Reklamo ni Autumn, naka mask kami ngayon half faced mask lang.

"Sino satin ang duwag? Kayo nga naka mask eh!" Sigaw pabalik ni Natalie, nag evil smirk narin kami

"Baka madaplisan ng dugo ang mukha namin, kaya mas okay yung mask nalang hahahaha" sabi naman ni Autumn, at biglang nag evil laugh hindi sha malakas na tawa yung mahina lang

"Oh bat nadyan kayo sa likod?" Tanong ko, bigla namang sumabat si Stefan "Titingnan lang namin if worth it ba kayo na pag aksayahan pawis namin, kaya kung matalo nyo sila mga nasa 300+ yan. Most of the student of the school ay kasali, kaya kayo na bahala hahaha!" Sabi nya, pfft ang bakla nya tumawa! Hahaha

"What a piece of shit" sabi naman ni Sam, at ayon nag bilang kami ng 1-3 na pabulong. Hahaha kala nila?

Yung mga tingin nila ay nakatuon lang samin, kumbaga ina analyze nila yung movements namin or kung kelan kami susugod kaya imbes na sumugod kami ay nagbilang kami ng

1

2

3

at sa paningin nila ay bigla kami nawala, hahaha tumawa naman yung mga 10 Aces. Akala ba nila tumakas kami? Pwes akala lang nila yun dahil ang totoo ay nandito kami sa kesame, yung kisame ng basketball court. Ganon na ganon

"Tssk" saad naman ni Autumn, ang strict nya talaga pag ganito. Ayaw na ayaw nya yung minamaliit kami

"Oh tumakas pala eh! Mga mayabang nga naman! Puro salita!" Saad naman ni Jake, ang yabang ng mokong to ah!

"Go blast!" Sabi ko nag nod lang sila at ayon bumalik kami sa lupa, pinalibutan nila kami. Nag stretching naman si Sam at nag ready, ganun din sila Dani at Autumn. I smirked mentally this is gonna be a wrecked!

---

End of Chapter 3

[ Sorry for the mispells, at sa grammar na din ]

Ang Masungit Is A Mafia Queen?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon