OUR LOVE STORY.
How can a beautiful relationship come to an end?
_____________________________________________________________
Tulad ng mga typical na love story nagstart din kame sa social network. Chat, likes ng mga picture, comments, private messages, mutual friends and it all started being friends.
Pareho kami ng set of friends sabi nga nila " SMALL WORLD" diba? So yun hanggang lumalim ung friendship namin and it turns out to a beautiful relationship.
Tulad ng pinapangarap ng lahat eto ung "true love". ung matagal kong pinagdasal na relationship. Ang sarap sa pakiramdam, para bang wala ka ng hahanapin pa.
Alam nating lahat na walang relasyong madali sangkap na ng pagmamahal ung sakit at problema. May mga problemang dadaan sa inyo, taong pipiliting sirain kayo, at pagkakataong susubok sa tatag ng pagmamahal niyo sa isat isa. Tulad nung samin nung nagsisimula palang kami nagka issue din na other woman. Natural lang naman siguro yun kase lahat ng tao natutukso lalo na sa panahon ngayon at isa un sa mga kahinaan ng mga lalaki kaya pati lesbian sure na sure ako na yan din ang kahinaan. Sabi nila pag lesbian faithful daw at loyal kasi they are able to understand daw ung feeling ng partner nila kasi nga pareho naman silang girl. Pero di sila faithful loyal lang kasi para din silang lalaki. Naattract din yan sa iba kahit na nga naka in a relationshionship pa sila. Dahil mahal ko binigyan kong chance ung relation namin if my changes ba na mangyayare kase alam ko na sa bawat pagsubok na dadaan lalo lang kayong tumatatag and you both grow. Natututo tayo sa bawat pagkakamali na nagagawa naten. Marami kaming mga pagsubok na nalampasan at mga bagay na sinakripisyo para maging matatag.
Pero minsn pala kahit gano mo kagusto ung isang tao sa buhay mo my isang bagyo na sisira sa relasyong matagal nyong iningatan. Totoo ung kapag nasira ung tiwala mahirap ng ibalik. Alam ko na sa sarili ko napatawad ko na siya pero minsan hindi mo parin maiiwasan na mapaisip na minsan bumabalik balik parin ung sakit. Nakakatakot kase na baka gawin nya ulit ung bagay na naagwa niya date.
Simula nun parang nagkalamat ung relasyon namen. Laging away-bate. pero at the end of the day maaayos at maayos parin kami. Yun ung gusto ko sa kanya ung hindi siya papayag na hindi namin maayos ung problema namen bago matapos ung araw.
Pero dumating din sa point na parang nkakapagod na ung ganon. Ako kase ung tipo ng babae ng gusto ko lahat ng gusto ko nasusunod. Yun ung problema saken. Mataas din ung pride ko. Gusto ko lagi akong sinusuyo. natural lang din naman ung ugali ng babae na nagagalit agad kahit wala naman talagang dahilan. Ang totoo nun e gusto lang namin magpalambing.
One day I asked her to break up with me kase feeling ko minsan sumusobra na ako. Pakiramdam ko hindi nya ako deserve. Sabi ko sa kanya na mas makakahanap siya ng mas better pa saken (pero ung totoo gusto ko lang iparamdam niya saken na she want us to be okay na mas mahal nya ung relation namen more than i do) pero siguro napagod na din sya sa kakasuyo saken. Lagi ko siyang binibigyan ng hard time. So yun it came to an end na nga.
Maraming nagsabi na sayang ung relationship namin. Na akala daw nila kami na talaga till the end. Akala ko din e. Akala din namen. Pero siguro ganun talaga e. Minsan akala mo siya na talaga pero sabi nga nila "nothing is permanent". After ng break up namin parang naging bitter kami sa isat isa. Siguro pareho pa naming hindi tanggap na wala na talaga kame. Pero deep inside I'm still hoping na maaayos pa namin lahat. Na mag-eeffort siya to win me back tulad ng ginagawa niya date.
Kaso may mga point na sa sobrang sama siguro ng loob niya saken may nasasabi at nagagawa siyang mga bagay na hindi ko akalain na magagawa nya. Kaya naisipn ko nalang na magmove on ng tuluyan at di na umasa na maaayos pa. Minsan kase ang hirap mag'let go kapag marami kayong pinagdaanan. Lahat ng mga memories, sweet moments, at lahat ng bagay na naging part ng relationship namin. Lalo na parehong okay kami sa side ng family ko at family niya. Alam kasi nila bestfriend kami pero halatang halata naman na kami hinahayaan nalang siguro nila kami kasi dito kami masaya e. Yun ung isang reason kung bakit mahirap talaga. Pero kelangan e.
Ang gusto ko lang din naman sa sarili ko e kapag nagdecide ako magmove on makakapag move on agad ako. Ang ayoko lang kase ung bigla siyang magpaparamdam kapag okay ka na. Back to zero ka ulit. Hanggang dumating ung time na pareho na naming natanggap sa sarili namin na kaya na namin wala ung isat isa at nagdecide kmi na mging good friends nalang.
_____________________________________________________________
Moral lesson: Ang relasyon hindi lang dapat sa una masaya. Hindi lang sa una ung effort, and most important thing "be loyal" kase sa ayaw at gusto niyo malalaman at malalaman naming mga babae kapag may ginagawa kayong karumaldumal. :> Kapag nasira ung tiwala hindi na kailan man maibabalik pa. Minsan nasayo na ung taong para sayo pinakawalan mo pa. </3
BINABASA MO ANG
Falling in Love...Letting Go...Moving On (One Shot)
Teen FictionOUR LOVE STORY. How can a beautiful relationship come to an end?