MULOTB 32 : Tongue tied

2.1K 76 0
                                    

*BOOOOOGSH* (tunog yan ng pinto na lumagabog)

"You twin should move!" untag ni Chino. Agad naman kaming napahiwalay ni White sa pagkakayakap dahil sa gulat.

"Why would I?" kalmadong tanong ni White.

"Reckless. Baka may makakita sa inyo and who knows? Maybe he or maybe she'll get a stolen shot then post it in the bulettin board or spread it in cellphone or even in internet." litanya ni Chino habang unti-unting lumalapit sa amin ni White.

"Then good. Malalaman ng buong mundo na mahal ko ang kayakap ko." hinampas ko si White sa braso sa eksplanasyon niya na yun.

"White." pagbabanta ko kay White.

"Why Stella? I'm only saying the truth. Hindi ako katulad ng iba diyan." nakakunot niyang sagot sa akin na may halong panunuya.

"Tss. There is always the right time." biglang sabat ni Chino.

"When is the right time Chino? Napaka-duwag mo kasi." inis na sabi ni White sa kapatid niya.

Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila kaya tameme lang ako dito nang biglang dumating si Ivan.

"Good that the two of you are here." sigaw ni Ivan mula sa pinto.

"Who's the two that you're pointing out? And why?" tanong ni Chino at tumalikod ng bahagya para makita si Ivan.

"Ang sarap talagang asarin ng kapatid ko Stella." bulong sa akin ni White. Inaasar niya? Bakit?

"Bakit?"

"Wait and you'll see." nginitian niya ko at inakbayan.

"Ikaw Chino at si Vera. Pinapatawag kayo sa office."  singit ni Ivan.

Napapitlag naman ako nung narinig ko ang salitang office. Pero si Chino imbis na magulat ay kumunot ang noo sa sinabi ni Ivan. Hindi niya ba ine-expect na mapapatawag kami sa office nito?

"B-bakit daw Ivan?" kabado kong tanong kay Ivan kahit alam ko na tungkol ito sa kumakalat na picture.

"Ewan ko. Have no idea."

"Ano ulit yung una mong sinabi Ivan? Did I heard it right? Can you repeat what you said before?" sunud-sunod na tanong ni Chino kay Ivan. Anong problema? Clear naman ang pagkakasabi ni Ivan na pinapatawag kaming dalwa sa office ah.

"Hah? Sabi ko pinapatawag kayong dalawa sa office ni Vera at hindi ko alam kung bakit." sagot ni Ivan.

Lumapit naman si Chino ng bahagya kay Ivan. Hindi ko alam ang reaksyon ng mukha niya kasi nakatalalikod siya at si Ivan naman ay nakaharap sa direksyon namin.

"You call her what?" halata sa boses ni Chino ang pagkairita at feeling ko ngayon, naniningkit na ang mga mata niya.

Nakita ko naman ang biglang paglaki ng mata ni Ivan at napahawak pa talaga siya sa nakaawang niyang bibig.

"Ooops. Sorry. Hindi na mauulit. Sabi kasi ni Vera-- este ni Stella, kahit ano daw ang itawag sa kanya ayos lang." nagpa-panic na sagot ni Ivan kay Chino.

"It's okay for her but not in me. Hindi ayos sa akin yun. Ako lang ang tatawag sa kanya nun at wala ng iba." sagot ni Chino.

Totoo ba ito? Alam niya bang nandito ako at naririnig ko ang sinasabi niya? Anong dahilan niya at gusto niyang siya lang ang tatawag sa akin ng Vera?

Narinig ko naman ang paghagikhik ni White na hanggang ngayon ay nakaakbay pa din sa balikat ko. Si Ivan naman napakamot na lang sa ulo at tuluyan ng lumabas.

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon