MULOTB 46 : Moments

712 38 1
                                    


Wala akong nagawa kundi kunin ang gitara at lumabas ng padabog. Seryoso ba to? Nakakainis na ewan. Kung trip ang gusto nila, ayos lang naman eh. Huwag lang masyadong intense. Nakakabaliw din kayang mag-isip.


Pakiramdam ko ay nasa ibang planeta ako. Ang gusto ko na lang gawin ay hanapin si Chino at ihampas sa kanya tong gitara niyang kabigat-bigat. Ay hindi pala pwede, sayang ang face niya. Panigurado marami ang magtatangkang pumatay sa'kin sa krimen na gagawin ko lalo na kung tungkol ito sa kinababaliwan nilang si Chino. At isa pa hindi ko siya kayang saktan no.


Sus naman Stella. Para namang hindi ka rin baliw kay Chino ah. Hmp! Umiling-iling ako para tigilan ang mga pinag-iisip ko ngayon. Magfo-focus ako sa paghahanap ko kay Chino.


Una kong naisip na puntahan ay ang Private Room nila. Isinakbit ko ang gitara sa likod ko para hindi ako gaanong mahirapan sa paghawak nito. Pakiramdam ko ay nakayakap sa akin si Chino habang nasa likod ko ang gitara niya. Agad naman akong napangiti sa naisip kong iyun. Pano naman kasi yung amoy ng case ng gitara niya, eh kaamoy niya na rin. Napakabango. Very masculine. Amoy palang parang gusto mo na lang langhapin buong maghapon.


Nang marating ko ang Private Room nila ay agad akong kumatok. Nakailang katok na ako ay wala pa ring sumasagot. Walang bakas na may tao sa loob. Para makasiguro ay pinihit ko ang door knob pero naka-lock din ito.


Ano ka ba naman Stella. Kaya nga private eh, kasi hindi public. Malamang naka-lock yan. Para san pa at naging private kung hindi naka-lock?. Isip isip ng walanghiya kong utak. Stella naman..


Naisip ko ang cellphone ko baka sakaling may text na si Chino at hinahanap ang gitara niya. Bakit nga ba hindi ko naisip na gamitin ang cellphone ko? Kinuha ko agad agad ang cellphone ko at dali dali kong tinignan iyun, ngunit wala akong nakita kahit anong mensahe. Agad akong nag-type at tinext siya.


Chino asan ka? Ibibigay ko sana itong gitara mo. Pinabibigay ni White.


Okay. Sending...


Message Sending Failed.


Ay putek. Halos maibato ko ang cellphone ko dahil wala na pala itong load. Mahirap talagang maging mahirap sa pera. Gusto ko sanang magpa-load pero dahil nagtitipid at sadyang kuripot ako ay hindi na lang. Magtiya-tiyaga na lang akong hanapin si Chino.


Nakapagtataka talaga dahil sobrang dalang ng mga studyante ngayon samantalang parang kanina ay ang daming bumabati sa akin at nagkalat talaga sila tapos ngayon ay naglahong parang bula. Hindi ko nga rin alam kung wala bang klase o meron.


Nagpasya akong dumiretso sa court at nakita kong may mga kababaihan na naglalaro ng volleyball. Agad akong lumapit sa kanila.


Hindi pa man ako nakakabati...


"Hi Stella! For sure walang klase ngayon. Ang saya!" bungad sa akin ng Captain ng team. Parang ang saya saya pa niya na nagbabayad sila ng mahal sa Unibersidad na ito ngunit wala naman silang natutunan ngayong araw. Iba talaga pag mayaman ka at wala kang iniintindi sa pera.

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon