MULOTB 12 : Begin again

2.9K 96 5
                                    

"Nga pala Stella, meet our friend, Chino ang lider ng banda." Ken

Anong sasabihin ko? Sasabihin ko bang magkakilala kami matagal na? Baka naman isipin nina White napaka pilingera ko. Ihhh, bahala na nga, sasabihin ko yung totoo. Na childhood friend kami. Oo! Tama. Yun naman dapat eh.

"Matagal ko na siya ki----" naputol yung sasabihin ko nang magsalita siya.

"I know her." Chino na nasa likod pa din pero nakatingin sa kin without any expression that he misses me, like what I feel at this moment. Gusto ko siyang yakapin at sabihing miss na miss na kita gitara.

And anong sabi niya? Yey! Hindi niya pa din ako limot! ^_______^

"Really? How?" manghang tanong ni Ken

Nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili ko dahil hindi pala niya ko kinalimutan.

"Her mother and mom were friends. That's all." Chino

Naistatwa naman ako sa sinabi niya. That's all? Hindi niya ba sasabihing magkaibigan at magkababata kami? Bakit ganun siya?

Baka naman pagod lang siya. Tama! Pagod lang siya na magpaliwanag. Di ba? Tumingin sa kin sa White na nagtataka. As if he wants me to confirm if it's true.

"Ahh. O-oo. Magkaibigan ang mga mama namin." sabi ko sa kanila

"I see. Since you two obviously knew each other, maybe we can continue our chit chat in the place where we can comfortably sit right?" White

Dahil miss ko na rin naman si Chino, at gustong gusto ko na siya makausap, sumama na din ako. Akala ko sa cafeteria kami pupunta, pero laking gulat ko ng lumabas kami ng University at pumunta kami sa isang resto.

Nakakahiya naman! Dapat pala hindi na lang ako sumama. Naisip ko tuloy para akong si Jan Di na nasa Boys over Flower. Silang apat yung parang f4. Pinagtitinginan tuloy ako, eh kasi naman, ang gagwapo ng mga kasama ko tapos may kasama silang isang ordinaryong nilalang. Ang sama ng tingin nila. -_-

Isang sosyal na resto kami pumasok. My ghaaaad. Back out na ko. Wala akong pera!

Sumalubong naman samin ang isang receptionist.

"Good Afternoon Sir. Welcome to Fijubi Restaurant. Do you have any reservation Sir?" receptionist

Si White yung kumakausap sa babae. Deretso lang ako ng tingin, eh kasi naman nasa likod si Gitara eh. Nahihiya akong tumingin.

"None." tipid na sagot ni White.

"So, table for how many Sir?"

"Table for 5."

"Okay. Please come with me Sir." pakyut pa tong babaeng to. Hmp. Pati yung ibang server na babae and even the other guests ay mga nakatingin sa'min. Ghaaaad!

At iyun. Hinatid kami nung babae sa table namin. Umorder na rin si White. Hindi man lang kami tinanong ha! Sabagay, nakikikain lang naman ako. Pagkatiwalaan ang taste ni White!

Ang awkward lang ng feeling kasi katapat ko si Chino, katabi niya sina Ivan and Ken tapos nasa tabi ko naman si White. Belong ba ko?

"Kelan ka nga pala bumalik Chino?" Ivan

"Last month." siya

"Eh bakit hindi ka man lang nagsabi na babalik ka para nagkaroon tayo ng party. Talaga tong lalaking to." Ken

"No need. Ayoko talaga makita muka niyo, lalo na ikaw." sinabi niya yun habang nakatingin sa 'kin.

"Awts men. Grabe ka. Parang hindi mo ko kaibigan ah." Ken

MUSIC UNIVERSITY: Leader of the BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon