Chapter 1

187 20 21
                                    

"Tanginang life ito! quehaba-habang traffic que horror!" I bet nagtataka kayo kung bakit opening chapter pa lang ng storyang ito ay nagmumura na at stress na stress ang dyosang bida niyo ngayon. Oh di ba? Pak na pak ang assuming ko te! Well anyway, male-late na ako sa interview ko ngayon ma men!!

Interview pa nga lang ehh late na ang beauty ng lola ninyo. Hindi pwede yun dapat bongga ang impression ko sa boss ko. Tsk! Tsk! And besides i really really need this job kung ayaw kong mag goodbye sa earth.Madami pa kong gastusin. Paano na ang renta ng bulok na condo ko, paano ang bayad sa kuryente, bayad sa tubig, paano ang gatas ni Junjun?! Hehe joke lang. Wala akong anak no. Dakilang NBSB nga ako. And since napag-usapan ang love life ko...este life lang pala dahil wala naman akong love. Huhu poreber aloooooown!
(ㄒoㄒ)

Yah! Back to business. Since we're talking about my life, magpapakilala na ako dahil ang dami kong pauso. My name is Maria Georginita Corazon Bonifacio Conception! Wooh! Joke ulet. ƪ(‾.‾")┐

Eto seryoso na. I'm Rea Bord. Kung anong haba ng unang pangalan na binanggit ko ay siya namang pagkaikli ng totoong pangalan ko. Ewan ko nga ba sa mama ko bakit three letters lang inimbento nyang name ko. Wala man lang ka effort-effort haaayyy.

Buhay single ako since fetus. Hindi ko nga alam kung bakit hanngang ngayon ay single pa rin ako. Maganda naman ako, sexy, mapagmahal sa magulang at may respeto sa mga nakakatanders. Pero may mga manliligaw naman ako. Baka mamaya isipin nyo na mahangin lang ako at hindi talaga dyosa ang feslak ko. So yun nga! Choosy lang talaga ang peg ko. Hehe ✌

I'm applying for a job as a human resource staff in an international company. I really love working in a human resource. Gusto ko ang nature of work at ang makipaghalubilo sa mga kapwa empleyado ko. Wow serious mode ako ngayon.

And shet na malagket! Hindi pa rin ako makawala sa bwiset na traffic nato.Tapos na kong magdrama at ipakilala ang sarili ko ay wala pa ring nangyayari. Baka naman eh abutan pa kami ng end of the world pero hindi pa rin makausad tong jeep na sinasakyan ko ngayon. Yes. You read it right. Jeep lang ang afford ko dahil nasira na yung bulok at luma kong kotse na regalo pa sakin ni mama noon nabili niya sa kapit-bahay namin. Kiber kung second hand. Kotse pa rin yun. -_-

Bababa ako! Walang mangyayari kung mananatili lang ako sa loob ng mainit na jeep nato.

"Excuse me po. Makikiraan po, excuse me." hinging paumanhin ko sa mga pasàhero. Sa wàkas nakababa rin ako. Naglakad ako patungo sa lugar kung saan nagmula ang traffic.

Aba't kaya pala hindi makausad ang sinasakyan ko dahil may dalawang driver na halos magsuntukan na sa gitna ng kalsada. Kaya hindi nagkakaroon ng world peace sa Pinas dahil laging dinadaan sa init ng ulo. Imbyerna! Pagbuhulin ko silang lahat eh nang matulad sila sa buhol- buhol na traffic dito. Ang sakit sa bangs!

"Lintek na! Gago ka pala eh. Humarang-harang ka sa daan ko at diretso overtake ka lang! Bayaran mo tong gago ka! Idedemanda kita!" halos mapatid na ang ugat ng mama sa kakasigaw sa kung sino mang Poncio pilato na kaaway niya.
Lord I want world peace!

Napansin ko rin ang traffic enforcer na halos hindi pinapansin ng dalawang nag-aaway kahit todo awat na ito sa kanilang dalawa. Kawawa naman si koya. Kapansin-pansin din ang ibang drivers na halatang inis na inis sa traffic dahil sa pag-aaway ng dalawang nilalang. Chos!

Kaya bago pa sila magpatayan ay aawatin ko na sila. Ok lang magpaulan sila ng laway wag lang dugo. Eew! Malas yan sa job interview ko mga koya! Heto na aawatin ko na sila :3

"Hep hep hep!!" awat ko. Napatingin sakin ang dalawang mama at nakakunot noong tinitigan ako.

"Mawalang-galang na po mga pogi. Hindi po madadan sa init ng ulo ang ganyang usapan. Abala po tayong lahat ngayon at halos lahat sa atin ay nagmamadali dahil may kanya kanya po tayong trabaho. Eh kung patuloy lang po kayong magbangayan dyan, i suggest po sa presinto na po ninyo pag-usapan kung ano mang world war meron kayo. Naabala niyo na po ang madlang people at konte na lang ipapasipa na nila kayo kay Vice Ganda." mahabang litanya ko sa kanilang dalawa at medyo pakwela pa.



Napatango ang ibang mga driver at mga pasahero na nanonood sa eksena namin. Grabe! Nanonood lang talaga ang mga walangya. -_-


"Tama po si Mis byutipol mga sir. Nagdulot lang po kayo ng traffic. Buti pa ho sumama kayo sa akin at pag-usapan natin ng maayos" sabat ng kawawang traffic enforcer. Mukhang nagkalakas-loob itong awatin sila dahil sa pangengealam ko.



Thank you po manong sa pagiging honest ninyo. Talaga namang hindi maipagkakaila na ako'y isang dyosa na bumaba sa langit. Bwahaha! Naflatter talaga ako kay manong sa pagtawag sakin ng mis byutipol kahit ang panget ng pronunciation nya. I'm so mean!



At last naayos din muli at naging smooth sailing na ang daloy ng mga cars hihi! I'm so proud of myse----........



Oh my Holygawgaw!!! Talagang sureness nang late ako. Putek! Iniwan na ko ng jeep na sinakyan ko kanina langya! Yan ang napapala sa mga echusera gaya ko. God! I'm so dead! May my soul rest in peace! (T_T)





At ang ending nalate ako ng halos isang oras sa interview ko. Nagmamadali ako sa pagsakay ng elevator. Pinindot ko na ang close button ng elevator ng mamataan ko ang isang matangkad at gwapo na lalake na nakatingin sa direksyon ko at masamang masama ang pagkakatingin sa akin.



What's his problem? Galit yata siya sa mga dyosang tulad ko. Sayang, gwapo pa naman at yummy ang katawan ni stranger. Oh well, I flipped my hair at tinaasan siya ng kilay bago tuluyang nagclose ang door ng elevator. Kala nya di ko kayang magtaray. Bwahaha. I laughed triumphantly.














The Billionaire's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon