Manliligaw Kong Babae
Chapter 1
Ang gwapo gwapo niya talaga!
Tinitgnan ko lang siya kasama yung girlfriend niya. Tinutugtugan niya tapos kinakantahan. Ang gwapo gwapo! Ang pogi pogi! Megesh!
Yung babae naman, ang panget panget! Srsly? Ganyan talaga facial expression niya kapag kinikilig? Hindi kasi halata. Mukang nabobored kasi eh.
*Flashback*
First year highschool.. First Day of Classes..
Naliligaw ako.. Ngayon lang kasi ako napadpad dito sa high school building..
"Miss, mukhang naliligaw ka ata." Napatingin ako sakanya. Shet! Ang wafu niya! Na-kras at pers sayt ata ako!
"ahm, san ba daan patungo sa puso mo?"
Siyempre. Joke lang! Hahaha! landi ko! Ay mali. Landi ng isip ko!
"Oo eh. Asan ba yung sec. na 'to?" sabi ko sabay pakita ng admission card ko sakanya.
"Ah. Tara. Samahan na kita." tapos hinawakan niya yung kamay ko. Ano 'to? Pagmamay-ari niya ba ako?
Pagkarating namin, iniwan ko lang yung bag ko.
"Maaga pa naman so, tara? Breakfast tayo. treat ko." sabi niya.
"Tamang-tama! Nagugutom na rin kasi ako eh. Tara!"
Nilibot niya ako sa buong building, bago kami pumunta ng cafeteria.
Ang dami kong nalaman sa kanya. May kuya pala siyang HS na kaya kabisado niya na yung HS building. Magkaiba din kami ng section. Pero magkatapat lang rooms namin. Mahilig pala siya sa batman stuff at magaling din siya kumanta. Nakakatawa siya kausap. Hindi siya boring kasama.
'Dun ako nagsimulang magkagusto sa kanya.
Pero hindi ko alam na ganun pala siya kadali makalimot. Isang linggo palang, iba na yung lagi niyang kasama. 'Dun ko lang nalaman na may nililigawan na pala siya. Ni hindi nga niya alam pangalan ko.
Sa kamalas-malasan ko pa, kung kailan may nililigawan na siya, dun pa ako nahulog sa kanya.
-End Of Flashback-
"Huy Kath! Ayan ka nanaman eh! Di ba sabi ko sayo, ayokong umiiyak ka? Lalo na pag sa harap ko pa?" Hay nako! Etong lalaking kasama ko! Puro banat nalang! Umiiyak na pala ako? H-Hehe.
"Sorry Renz. Hehe."
"Bakit ba kasi hindi ka marunong maghanap ng iba? Lagi nalang nasa kanya yung paningin mo. Tumingin ka naman sa tabi tabi, sa likod, o kaya sa harap. Malay mo.. may iba pa palang nagmamahal sayo." Ano'to? Patama ba o parinig?
"Renz.. Alam mo naman na.."
"OO NA. Alam ko na na siya lang. Siya lang talaga. Pangako ko nga na titigilan ko na yung panliligaw ko sayo diba? Basta magkaibigan parin tayo. Pero masakit pa'rin eh. Basta ba pag sinaktan ka niya sakin ka pupunta ha?"
"S-sige."
"Mauna na 'ko." At tuluyan na siyang umalis.
Siya si Renz, ex-suitor ko. Ayaw ko na kasi siyang paasahin pa.. Hindi naman kasi siya yung mahal ko.
*Flashback*
Pagkatapos namin magbreakfast, bumalik na kami sa kanya-kanya naming room..
BINABASA MO ANG
Manliligaw Kong Babae
Fiksi Penggemar"I'm His SUITOR." Matagal nang may gusto si Kathryn sa kinikilalang campus hearthrob na si Daniel. Pero ni minsan hindi siya napapansin nito. Isang araw, sinubukan ni Kath na magconfess at ligawan ang binata. What happens next? Read and find out...