CHAPTER 1

9K 58 18
                                    

KAYE'S POV 


Ang hirap talaga kapag transferee ka. Lagi kang mangangapa sa lahat ng bagay. Sa bagong school. Bagong environment. Bagong profs. Bagong pagmumukha ng mga estudyante. Kahit sa lugar hindi ako sanay. Lahat 'di ka sanay

Bakit nga ba kasi ako lumipat? Kasi ayaw sakin ng tita ko. Siya ang kontra-bida ng buhay ko sa probinsya namin. Pabigat daw ako. Walang kwenta. Sakit sa ulo. Palamunin. Lumipat nalang ako dito sa Pampanga kesa naman mapatay ko pa tita ko sa konsumisyon DAW na binibigay ko sa kanya.

 What's wrong with being a lesbian? I'm not harming other people. I'm not even harming her. Sa totoo nga lang ako pa ang tumutulong sa business niya. Yes, tulong. Walang bayad. Hindi ako sumesweldo. Hindi rin naman ko humihingi ng bayad dahil para sa'kin, yung patirahin niya ako sa kanila, yun na ang sweldo ko.

Ang hindi ko lang makayanan, e, kung tratuhin niya 'ko parang hindi niya 'ko pamangkin. Parang isa lang ako sa mga trabahador niya at kung akusahan niya akong lumalandi lang sa tindahan, e, sobra naman. Oo, tomboy ako. Tibo. But I'm not attracted to anyone. Lalaki lang talaga ako sa puso ko. Kuntento na ako na ang gitara ko ang girlfriend ko.

Hilig ko ang music. Marunong naman akong kumanta. Nagsusulat din ako ng mga sarili kong kanta. My voice is naturally masculine. For the record, hindi 'yon ang dahilan kung bakit tomboy ako. Ito lang talaga ako.

Isang linggo pa lang ang lumilipas simula noong magbukas ang klase. Naglalakad ako ngayon sa hallway habang nakasabit ang gitara ko sa likod ko. Anong araw nga ba ngayon? Lunes. Mapapadaan nanaman ako sa klase nila Sarah.

Sino ng ba si Sarah? Siya lang naman ang bumago sa'kin. Noon, hindi ako nagkakagusto sa babae. Pero siya, siya ang bumago no'n. Hindi ko alam kung bakit. Basta bigla na lang akong may naramdaman para sa kanya.
 
Huwebes noong araw na 'yon. Naninibago pa rin ako sa paligid. Pauwi na ako noong araw na 'yon at pababa na 'ko ng hagdan noong may narinig akong nagsisigawan. Napakababaw pa ng pinag-aawayan. Parang mga hindi college students. Napaka-immature. Hindi pa 'ko makadaan dahil ang daming tao sa dulo ng hagdan.
 
"Uy, ano ba? Tama na. H'wag na kayong mag-away. Stacy, tama na. H'wag niyo na palakihin yung gulo."
, hindi nila pinakinggan yung babaeng nagsalita at patuloy pa rin sila sa pagbabangayan. Hindi ko naman makita yung babaeng umaawat dahil nakatalikod siya sa'kin. Lumipat siya sa kabilang side nung dalawa pero 'di ko parin makita ang mukha niya dahil bahagya siyang nakayuko.

Mahinhin ang boses niya pero ramdam mo ang awtoridad. "Tama na, pwede ba? Baka makarating pa 'to sa Dean natin, kayo rin ang mapapahamak." Mala-anghel na boses. Para kang hinihele sa ganda. Masarap sa tenga.

 Mukha namang natauhan 'yong dalawang nag-aaway dahil natahimik sila at napagkasunduang magkaayos na nga. Unti-unti namang nagsialisan ang mga taong nakapaligid do'n sa tatlo at unti-unti ko ring nakikita ang babaeng may magandang boses kanina. Silang tatlo na lang kasi ang natira do'n sa baba ng hagdan.

Kanya-kanyang papuri ang narinig ko sa babaeng nagpahinto ng gulo sa baba. Sarah, Sarah raw ang pangalan niya. Maganda siya at base sa mga naririnig kong komento tungkol sa kanya, e, mabait at matalino rin siya.

Natigilan naman ako nung makita ko siyang napatingin sakin. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya at bumaba na para umuwi dahil 'yon naman dapat talaga ang gagawin ko, 'di ba?

Nakalampas na 'ko ng kaunti sa kanya. Mga tatlong hakbang siguro.

"Hi.", napatigil ako at napapikit. Agad naman din akong lumingon sa kanya. No'ng makaharap na 'ko, e, luminga pa 'ko sa kaliwa't kanan ko para siguraduhin kung ako ba talaga ang kausap niya. Tinuro ko pa ang sarili ko at tumangu naman siya.

 "Ah, hello.", tugon ko sa pagbati niya. Iniwasan kong mag-mukhang kinikilig dahil baka ano ang isipin niya. Tinanong niya kung bagong-lipat daw ba ako sa eskwelahang 'yon dahil no'n lang daw niya ako nakita. Syempre, oo ang sagot ko. May idaragdag pa sana ako ngunit may lumapit sa kanyang lalaki na maputi, matipuno ang katawan at mas matangkad sa'kin. Kanina pa raw niya hinihintay si Sarah sa tapat ng klase nila ngunit nandito lang pala siya at kausap ako. 

"Kung umasta ka naman para kitang boyfriend.", sabay tawa ni Sarah. "Tara na nga." Akala ko nobyo niya 'yon. "Uy, una na kami ah. Ano nga palang pangalan mo?", tanong ni Sarah.

"Kaye. Kaye Cal.", 'yon lang at umalis na sila ng tuluyan dahil hinila na siya nung kasama niya.

Gano'n kami nagkakilala ni Sarah. Nasundan ng nasundan ang mga pagkikita namin pero laging sumisingit si Markki. Iyong kaibigan niya.

Malapit na pala ako sa room niya. Nakita ko agad siyang seryosong magsulat ng notes. Ang ganda niya. Napalingon siya at sabay ngiti. Ngiti lang din naman ang isinagot ko sakanya at nagpatuloy ng maglakad. Pinasok ko ang kamay ko sa bulsa ko. Maalikabok banda dito kaya bigla kong natakpan ang bibig ko dahil nababahing ako. Ayokong makadistorbo ng klase.

Patuloy lang ako sa paglalakad at no'ng marating ko na ang gate ng school, e, kukuha na sana ako ng pamasahe sa bulsa ko kaso... WALA YUNG PICK NG GITARA KO!

Agad naman akong bumalik sa dinaan ko kanina para hanapin 'yon hanggang sa makasalubong ko si...

I'm in love with a LESBIAN?! [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon