Buern's POV
"Nako! Ang galing galing mo talaga, bernardo" puri sa akin ni Madam Vasquez. Yung mudrakels ng inayosan kong dalaga.
"Salamat po Mam" sagot ko. Kung maka bernardo din to e no? Pwede naman buern psh.
"Ang ganda mo anak" sabi pa nya habang pinagmamasdan ang anak nya sa harap ng salamin.
"Yeah, I know. Matagal na" mataray na sagot ni Haidee yung babaeng inayusan ko. Palibhasa, spoiled brat kaya ganyan magsalita kaso hindi naman maganda jusko kulang na nga lang mapudpud yung mga brush kakalagay ko nang make-up. Tapos kailangan pa nang isang matinding nose line, para mapatangos ang nakadapa nyang ilong. Tapos lakas ng loob magsabi nang maganda daw sya, mas maganda pa ko sa kanya e.
"I know baby, come on. Magbihis ka na nang gown mo" umalis na yung mag-nanay dito sa kwarto at mukhang pinuntahan ang baduy nyang gown.
Nakita ko na kasi kanina iyon at ang panget ng design puro bulaklak akala mo tuloy paso sya na tinubuan ng sandamakmak na bulaklak.
"Buern, umaatend ka na rin ng party. Tutal rest day naman ni Vice" sabi ni Ate Alice, kapatid sya nun ni Madam Vasquez. Mas close ko nga lang sya at sya rin ang nag-recommend sa akin dito.
"Sige, ate." aba. Wala nang tanggihan to no! Sayang ang lapang at malay mo may papable dito o kaya naman andito na ang matagal ko nang hinihintay na forever ko. Hihi. Balita ko pa naman puro mayayaman lang ang imbitado. Exciting.
...
"Thank you very much, Yen" kanina pa nagstart yung party at nasa 18 candles na. Akalain mo yung 18 years old lang pala yun si Haidee akala ko kasi 25 na e. Hahaha.
Tumayo ako at pumunta sa buffet table. Sayang wala yung mga bakla e, wala tuloy ako masyadong kachikahan. Boring, mabuti na lang masarap ang lapang.
Di ko rin naman naieenjoy ang view dahil masquerade party pala itong debut. Kaya wala akong ma-sight na malatom-cruise ang dating.
"Oh sorry" sabi ko nang may mabangga akong babae na andito rin sa buffet table. Wala naman natapon sa kanya or what sadyang nasagi ko lang.
"Miss, keribels ka lang ba?" natulaley na kasi ata sa ganda ko ang isang to. Hindi na kasi makagalaw e.
"Hindi mo ko nakik--"
"Isabelle!" parehas kaming napatingin nung babae dun sa lalaking papalapit and he is familiar even he is wearing a maskara.
"Kiefer!" sabi ko nang makalapit na sya sa amin. Lumingon naman sya sa akin at pinuntahan yung babaeng natulala sa ganda ko.
"Buern, anong ginagawa mo dito?" tanong nya. Medyo rude ah pero hayaan na natin baka nabigla lang din sya sa aking taglay na alindog ngayon gabi.
"Ako kasi ang nag make-up kay Haidee. Ikaw, long time no see ah" ilan buwan ko na rin kasi syang hindi nakikita e. Balita ko pa he quited basketball. Sayang star player pa naman sya nang school nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/43772954-288-k781847.jpg)
BINABASA MO ANG
Story of a Fan Girl | A VICERYLLE Story(Under Major Editing)
FanfictionKung isa kang tiga-hanga, may iniidolo o kahit na ikaw ang iniidolo, you will relate in this story. Ito rin po ay kwento nang isang loveteam, na hinahangaan ng marami. Kilala sila sa tawag na Vicerylle, So! if idol mo silang dalawa, read this! ^_^