Chapter 26

55 1 0
                                    

Archie's POV

"Kamusta ang date?" nakangising tanong ni Buern kay Meme. 

"Ayos lang" walang ganang sagot ni Meme. 

"Mukhang pagod na pagod at puyat ah. Ano ba ginawa nyo me?" tanong naman ni Matt pfft. Siraulo talaga tong mga to. 

"Kumain tapos umuwi, kaya ako pagod kasi iniwan nyo lahat sa bahay yung mga damit na naka-kalat sa sala, nag-ayos pa tuloy ako!" galit na sabi ni Meme. Aww! Yare!

"Si Buern yun Meme!" sabat ko. Alam ko kasi magtuturuan na yan e. Hahaha. 

"Luh? Bakit ako? Si Aaron kaya yun!" pfft. sabi na nga ba e. Tinignan ko si Aaron na abala sa pag-cecellphone. 

"Tse! Nagtuturuan pa kayo! Lika na sa studio!" sabi ni Meme at lumabas na nang dressing room. 

"Ikaw kasi e!" sabi ni Matt habang tinuturo ako. 

"Anong ako?! Sabunutan kita dyan e!" sabi ko habang nakasunod sa kanila papalabas. 

"May prod ba si Meme? Bakit maaga pumasok?" tanong ko. Usually naman kasi on-time lang sya o kaya late. 

"Oo, grandfinals na diba. Tapos may meeting rin mamaya para sa anniversary" tumango na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad pero di pa ko nakakarating sa studio hinarang na ko ni Kate. 

"Oh? Bakit?" tanong ko. 

"Ibigay mo to kay Mam Sheryll, kilala mo yun diba? May meeting kasi ako e tapos kinukuha nya na rin yan" aba! inutusan pa ko. 

"Luh? Bakit ako?! Ikaw na, ayoko umakyat dun mamaya may makasalubong pa kong mga boss e" 

"Ayos lang yan, igreet mo lang sila. Oh sya! Ibigay mo yan! Kundi di ko irerenew contract mo kay Vicey!" sabi nya at tumakbo na papaalis. Aba! Tinakot pa ko, si meme naman nag rerenew ng contract ko no. Echosera! Pero naisahan nya ko dun ah. 

Tinignan ko yung folder at envelop na hawak ko. Hayy, ayoko pa naman pumunta dun. Paano ko igegreet ang mga big boss kung di ko sila kilala sa mukha psh. 

Naglakad na ko papuntang elevetor dahil nasa 12th floor ang office ni Mam She. Sana naman wala akong makasalubong o makasabay na boss. 

Nang makasakay na ko sa elevetor medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil ako lang mag-isa dito. Ano kaya to no? Medyo naiintriga tuloy ako dito sa mga papeles na to. Bubuksan ko na sana nang biglang bumukas sa 8th floor yung elevetor kaya sinara ko agad yung folder at medyo gumilid. 

"Kailangan mo nang masanay dito, kasi sooner or later ikaw na ang mamahala nito. Lalo na ngayon na si Daddy na ang nagmamay-ari nito" woah?! Mukhang mga bigating tong dalawang kasabay ko. Sinubukan kong tignan sa peripheral vision ko yung dalawang babaeng nag-uusap. 

Hmm. Mukha ngang mayaman parehas. 

"I know pero I prefer na hindi ito ang hawakan ko. Hindi ako komportable" Pinilit kong wag lingunin ang nagsalita dahil nga alam kong mga bigating tao to at mahirap mainvolve sa buhay nila pero familiar ang boses nun isang babae di ko lang alam kong saan ko narinig. 

"You need to move on Emily!" tuluyan na kong napalingon ng banggitin ang pangalan Emily pero huli na dahil nakalabas na sila nang elevator at nasa 12th floor na ko. Lumabas na ko at hinagilap ang dalawang babaeng kasabay ko nakita ko sila na naglalakad na at medyo malayo na.   

"Hindi si Emily yun" maikli kasi yung buhok nung babaeng tinawag na Emily kanina at hindi din ganun manamit si Emily, simple lang sya at yung babaeng yun ay masyadong elegante tignan kahit na nakatalikod. 

Story of a Fan Girl | A VICERYLLE Story(Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon