Pangalawang Pagkakataon

26 4 0
                                    

Gusto ko sanang ako'y iyong muling kausapin
Pero ayos lang kung ayaw mo
Gusto ko sanang ako'y muling kaibiganin
Pero naiintindihan ko

Kung bakit di mo na gusto
Na maging kaibigan ang isang tulad ko
Ang sa akin lang, gusto kong subukan
Na ibalik ang dating pagsasamahan

Dahil ako'y nanghihinayang
Sa nasira nating pagkakaibigan
Gusto kong humingi ng tawad sa iyo
Galing ito sa aking puso

Patawad sa masasakit na salita
Hindi ko talaga iyon sinasadya
Patawad sa panghihimasok
Masyado akong tiwala na ako'y nasa tuktok

Patawad kung palaging ako'y nagbibigay ng payo
Sino nga ba naman ako?
Patawad kung umasta na tayo'y malapit na magkaibigan
Hindi pa nga pala ganon katagal ang ating pinagsamahan

Patawad sa lahat - lahat
Gawin mo kung ano sa tingin mo ang nararapat
Kung ako ba ay dapat muling kaibiganin
O kung ako'y kainlanma'y di na dapat kausapin

Fragments Of Broken MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon