Isang mapait na karanasan
Na hanggang ngayon ay patuloy kong iniiyakan
Bakit kailangang kunin ka pa niya?
Hindi pa naman tayo matagal na nagkasamaParang isang ibong natanggalan ng mga pakpak
Ang puso ko'y durog na durog
Mahirap pulutin at nakakahiwa ang mga bubog
Tila isang patay na patuloy pa din na sinasaksakParang isang sasakyang tinanggalan ng mga gulong
Hinding - hindi ito makakasulong
Isang flashlight na tinanggalan ng baterya
Ako'y hinding - hindi na makikitang masayaMahirap pa din tanggapin na ika'y wala na
Hanggang ngayon ay masakit pa
Sobrang malala na ang sakit na dinaranas ko
At ang tanging lunas ay marinig ang timog moNa sabihin ang mga katagang "Mahal Kita."
May paghabol pa ito na "At wala ng iba pa. "
Ngunit alam kong imposible na itong mangyari
Dahil noong kinuha ka, isa ako sa mga naging saksiIsang kape na walang asukal
Ang lasa ay sobrang pait
Hanggang ngayon, ang lungkot ay patuloy akong sinasakal
Sagad sa buto ang sakit!Ang lungkot ay tila isang tumor na patuloy na lumalaki
Hindi ko pa rin nakakalimutan bawat pangyayari
Sa kung paano nagsimula ang lahat
Hanggang sa ngayon na ang puso ko'y nagkaroon na ng lamatKahit ilang taon pa ang lumipas
Ay hinding - hindi makakalimutan ang ating masasayang alaala
Itong mga alaala na kailanma'y hinding - hindi kukupas
Hindi dito nagtatapos ang ating istoryaDahil kahit wala ka na
Patuloy at paulit - ulit ko pa rin sasabihin
Na "Mahal kita, wala ng iba pa."
BINABASA MO ANG
Fragments Of Broken Memories
PuisiA collection of poems written by yours truly. There are tagalog and english poems. Feel free to read and give opinions. I poured my heart and soul in every word.